Prologue

5 0 0
                                    

"Hoy! Umalis ka nga dyan! Dyan yung station ko! Nauna ako dyan! Maghanap ka ng station mo!"

"Oo na. Eto naman galit na galit ka! Tomboy!"

"Ulol! Bakla ka naman! Alis! Layas!"

At tuluyan na nga syang umalis at naghanap ng station! Hay! Nakakainis naman! Nagset up na ko dyan eh! Mapapagalitan nanaman ako ni TL nyan eh! 

Tinignan lang ako ng masama nung lalaking yun habang naghahanap ng station tas biglang nginitian ako. Tumakbo sya papunta sakin at inakbayan ako.

"Wag ka na magalit dyan. Sayo na nga yan eh."

"E kupal ka pala nagset up na ko dito. Check mo kasi minsan kung meron nakaupo dito. Libre naman yun hindi yung bigla bigla ka nalang mag rerestart ng computer. Aga aga pinapainit mo ulo ko eh."

"Chill ka na dyan. Lilibre nalang kita ng yosi and softdrinks. Ano? G?"

Sinamaan ko sya ng tingin at inirapan ko. 

"Oo na sige na. Buong break yun ah kasama na lunch natin."

"Aba abusado ka naman. Inagawan ka lang ng station eh."

"Baliw ka pala pag nalate ako ng log in edi nagwala nanaman si TL. Alam mo naman magalit yun pag merong nalalate."

"Oo na oo na. Daming sinasabe."

"Yeey! Hahaha. Sige na, mag set up ka na dyan at baka maabutan ka ni TL na nakikipagchikahan."

"Sige na, mamaya nalang."

Umalis na sya at lumipat ng ibang station. Naupo nalang ulit ako tapos nag set up. 

Maya maya dumating na si TL at nakasimangot nanaman sya. Lagi nalang nakasimangot yan. 

"HOOY AMBER! MAG LOG IN KA NA LATE LOG IN KA NANAMAN! ILANG BESES KA NG NA LATE NGAYONG LINGGO! WAG MO PAINITIN ULO KO!"

Napairap nalang ako at hindi ko nalang pinansin si TL dahil baka magsagutan nanaman kami. Bwiset kasing lalaki yun eh. Lagi nalang ako binibwiset. Humanda talaga sya sakin at uubusin ko pera nya mamaya.

Ripped into piecesWhere stories live. Discover now