Chapter 2

4 0 0
                                    


Nang makaakyat kami, wala pang ta.o halos sa production floor since kami ang opener. Pero halos lahat ng ka team ko andoon na. Himala ang aaga. Ano kaya nakain netong mga to bakit ang aga nila dumating sa office. Hindi naman nagbunganga si boss kahapon.

"Uy! Ang aaga nyo ha! Himala! Mukang kumpleto ang Team Ray ngayon ah."

Tumingin silang lahat sakin at napatawa sila ng malakas. Wala namang may pake dahil kami pa lang ako tao. Well, meron naman tao pero nasa dulo sila at nasa dulo din kami. 

"Ikaw din, himala! Maaga ka pumasok ngayon? Pinagalitan ka ba ni boss kahapon bago tayo umuwi?" -Jamie

"Hindi ah. Sadyang nakisama lang ang edsa ngayon kaya maaga ako."

Tumawa lang sya at inayos na nya ang station nya. Naghanap ako agad ng station. Tumabi ako sa may station ng TL ko kasi paborito nya kong sigawan at pagtripan at dahil nga mababa ang stats ko this month, gusto nya nakatabi ako sakanya para naririnig daw nya ko makipagusap sa customer ko. Naiilang pa naman ako habang meron nakikinig sakin lalo na pag nag huhuddle kami at merong call listening at napili call ko. Jusko, tinatakpan ko lagi yung tenga ko kasi nahihiya ako.

Habang nag seset up ako biglang tumayo si Zeus at lumapit sakin. Mukhang meron nanaman kelangan tong kupal na to. Wala naman ako pagkain na dala ngayon bakit niya ako pupuntahan. Tinignan ko sya ng masama pero ngumisi lang si gago.

"Oh, ano nanaman kelangan mo? Wala akong dalang pagkain ngayon kasi hindi naman tayo nadaan ng pantry."

"Baliw. Pag nilapitan pagkain agad? Hindi ba pwedeng ayain ka lang magyosi sa 3rd floor? 30 mins pa naman before magstart shift natin. Yosi muna tayo."

Sunog baga gang talaga kami ng mga tropa kong lalaki sa team ko. 12 kami sa team. 7 lalaki tas 5 babae. At sa mga babae sa team ako lang ang bukod tanging nagyoyosi. 

"Oo, pag ikaw pagkain agad nasa isip ko. Pero sige tara na boring pa naman dito. Takasan natin yung mga kupal baka mamaya sumama pa manghingi yosi sakin. Nagpalibre lang ako kay Joseph."

"Hahaha! Ang damot mo naman. Tara na nga!"

Ginulo nya yung buhok ko at inakbayan na ko. Lumabas na kami sa production flooe at nag elevator para makapunta ng 3rd floor. Habang nasa elevator kami, agad na humarap sakin si Zeus tas ngumiti.

"Nginingiti ngiti mo dyan?"

"Wala lang. Ganda mo kasi eh. Kamusta na pala kayo ng bata mo?"

Gago din eh. Bata ang tawag nila sa boyfriend ko kasi mas matanda ako sakanya ng 2 years. Biglang bumukas ung elevator at lumabas na kami doon.

"Kupal. Makabata naman to. Okay lang naman kami. Going strong. Mahal kasi namin yung isa't isa. Kayo kamusta kayo ni Jam?"

Si Jam yung girl friend ni Zeus. Medyo hindi ko gets yung relasyon nila kasi on and off sila kaya complicated nalang ang sabihin natin.

"Weh? Hindi na ba nagloloko? Ikaw nalang kachat wala ng iba? Okay naman kami ni Jam. Saka wag mo nga ibahin yung usapan! Ikaw yung topic eh."

"Leste! Lakas mo talaga mangasar noh! Okay nga lang kami. Mas mabait na sya ngayon at lahat ng attention nya, sakin lang na tinutuon. Hindi na din kami madalas magaway pero syempre nasira na nya tiwala ko kaya madalas nag doubt ako sakanya. Ewan ko. Tanga ba ko na binigyan ko sya ng chance?"

Nagpunta muna kami sa vendo para bumili ng kape pero nagsindi na kami ng yosi. Napaisip sya bigla tsaka tumingin sakin.

"If deserve naman nya yung chance syempre bigay mo pero kung hindi bat mo naman ibibigay diba? Nasasayo yan kung tama ba yung ginawa mo o mali. If he is capable of cheating again, edi hiwalayan mo. Pero sa tingin ko naman since pusong puso sya sayo e hindi na uulit yan. Saka muka na ngang tanga yung boyfriend mo minsan kasi kinakawawa mo na."

Ripped into piecesWhere stories live. Discover now