Chapter 1

7 0 0
                                    

Nakakapagod talaga kahit kelan bumyahe sa edsa. Hindi ko kinakaya maupo ng napakatagal sa bus at minsan ang hirap matulog.

Nagunat-unat ako pagdating ko sa bahay at sabay na upo sa sofa namin dahil sobrang na drain ako sa trabaho sabay mo pa yung nakakapagod na byahe ko sa edsa. Jusko, ang aga aga traffic sa edsa ano oras ako umalis sa office 5AM pero traffic na agad. Anong klase yan.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Agad kong nakita yung message ng boyfriend ko.

From: Josh

"Hi beb! Good morning! Nakauwi ka na ba? Ingat ka ha! Message ka pag nakauwi ka na. Tawagan kita agad. I love you!"

Napangiti nalang ako. At least, meron pa talagang tao na nagpapangiti sakin kahit na pagod ako sa work at pagod sa byahe. Immediately replied sa message ng boyfriend.

To: Josh

"Beeeeb! Hello! Good morning! Kakauwi ko lang pagod ako. Sobrang na drain ako sa office kanina at na drain ako sa byahe."

Binaba ko muna yung cellphone pagka reply ko kay Josh at kumuha ako ng tubig dahil nauhaw na ko bigla. Nagcheck na din ako kung meron makakain feel ko kasi nagutom ako. Habang naghahanap ako ng pagkain, nag ring agad yung phone and as expected, si Josh nga yung tumatawag. Hay, kahit kelan talaga walang kupas to. Everyday syang meron oras sakin para tawagan ako at kamustahin dahil alam nya kung gano ka stressful ang trabaho ko. I answered his call na para matahimik yung ring at umakyat agad ako sa kwarto dahil baka magising si daddy.

"Hi beb!"

"Hello beb! Ang haggard mo ah. Pero maganda ka pa din don't worry. Ikaw pa din ang pinaka magandang nilalang sa paningin ko."

"Sus, ang lakas mo naman mambola. Alam ko naman yun. Kaya nga patay na patay ka sakin eh."

"Oo naman. Ikaw pa ba. Alam mo namang mahal na mahal kita at gagawin ko lahat sumaya ka at magstay ka sakin forever."

Napangiti nalang ako. Sobrang sweet nya talaga as in. Kung sa tingin nyo, almost perfect ang relationship namin, dyan kayo nagkakamali. Syempre every relationship may flaws yan. Marami din kami napagdaanan nya ni Josh. Meron time na nahuli ko syang nakikipagchat sa babae at eventually nagulat akong dinelete nya. Nanginig at nanlamig ako noon kasi akala ko sapat na ko sakanya. Nakita ko kung pano sila maglandian ng babaeng kachat nya. Dapat makikipaghiwalay na ko ng tuluyan sakanya noon. Pero hindi sya pumayag at bumawi sya sakin that time. Nag effort sya na puntahan ako sa bahay ko para lang magkaayos kaming dalawa. I appreciate the effort and napatawad ko din naman sya kasi I know meron din akong fault doon. Those were the days na sobrang busy ko sa work ko at nawawalan ako ng oras sakanya. Pero para sakin kasi still, nambabae ka its a choice. Pero everybody deserves a second chance. Kaya binigyan ko sya ng chance kasi syempre mahal mo. 

"Bolero ka! Hindi ko pa din nakakalimutan yung pambababae mo! Hindi talaga mawala sa isip ko yun sukat na birthday ko pa yung araw na nanlandi ka. Ganda ng birthday gift mo noon saki infairness ha!"

"Beb naman. Sorry na nga. Bumawi naman na ko sayo eh pero hindi pa don natatapos yan. Ipaparamdam ko sayo lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay."

"Ang corny mo na pero kinikilig ako! Enebe! Haha! Medyo inaantok na ko."

"Maya ka na matulog. Usap pa tayo. Miss na kita eh."

"Hay nako. Hindi ko na talaga keri beb. Patulugin mo na ko please."

"Hay, sige na nga. Sleep ka na beb. Kantahan kita para makatulog ka. Hindi ko papatayin to. Antayin kita magising."

Ganyan ang routine namin lagi ni Josh. Every time na matutulog na ko, kakantahan nya ko and hindi nya papatayin yung hanggang sa magising ako. Minsan nalolobat na phone ko dahil sakanya dahil ewan ko. Gusto nya ko makita araw araw daw. Puro kakesohan. And also of course, maganda talaga boses nya pwede ipanglaban kaya din ako nahulog sakanya kasi magaling sya kumanta.

Ripped into piecesWhere stories live. Discover now