Chapter 3

2 0 0
                                    


Habang nasa jeep kami, nakaakbay lang sya sakin. Nakakaramdam na ko ng antok pero pinipigilan ko dahil mas bet ko kumain bago man lang ako matulog. Sinabi sakin ni Josh na matulog na daw ako at gigisingin daw nya ko pag nasa mcdo na kami. Sabi ko wag na baka kasi mag dire diretso.

Nung nakarating na kami sa mcdo, pumila na agad kami para makaupo sana kami.

"Bebs, gusto mo take out nalang natin tong food natin? Para makapagpahinga ka na. Mukhang pagod na pagod ka na kasi."

Napangiti ako tas tumango nalang ako kasi parang gusto kong matulog na agad after namin kumain. Sinabi ni Josh na mag grab na kami para makatulog ako sa byahe kasi malamang traffic nanaman sa Edsa. Kairita.

Pag dating namin sa bahay nila naupo agad ako tas napikit na. Si Josh mega asikaso sakin. Pati pag tanggal ng sapatos ko ginawa nya. Sinabi nya sakin na umakyat na daw ako sa kwarto nya at antayin ko nalang daw sya. Sinunod ko nalang sya at nahiga ako na ko sa kama nya. Hindi ko namalayan na nakatulog na ko sa pagod. Ginising nalang ako ni Josh nung natapos na sya magayos ng pagkain namin. Sobrang groggy ko that time kaya ang ginagawa ni Josh sinusubuan nya ko para makakain ako. 

Nakakatuwa sya kasi ginagawa nya kong baby lagi. Pati pag ayos ng damit ko pamasok at baon ko sa trabaho sya nag aayos. Minsan sya pa yung nag aayos ng buhok at naglalagay ng lipstick ko. Hahaha. 

"Bebs, subo na. Last na to. Dali na para makatulog ka na."

"Ayoko na. Sleep na ko please."

"Mahal ko, last na. Dali na please."

"Okay. Last na ha?"

"Opo." sinubo ko nalang para matapos na at napangiti sya at hinalikan ako sa pisngi. "Very good Beb! Oh, higa na dali. Massage na kita para makatulog ka na."

Tumango ako tas minassage na nya ko. Hinihimas himas nya yung ulo ko tapos hinalikan nya ko pisngi tas kinakantahan nya ko. Nakatulog na ko agad noon. 

Nakaramdam ako ng kalabit tas halik sa labi. Bwiset na bwiset ako kaya nasungitan ko si Josh. 

"Ano ba yun? Kita mong natutulog yung tao diba? Anong kelangan mo?"

"Sungit naman bebs. Papasok na ko iwan muna kita dito ha? Uuwi din ako mayang 5PM. Gisingin kita. Kumain ka na sa baba nakahanda na yung pagkain mo. Kumain ka ha?"

"Sige po. Sige na pasok ka na. Kiss mo na ko dali."

Ngumiti sya then he kissed me passionately. Napakapit ako sa batok nya at tinulak ko na. Baka hindi pa to makapasok kaya nginitian ko.

"Sige na beb, pasok na. Baka kung san pa mapunta to."

He smiked and winked, tapos bumaba na sya. Nagcheck ako ng messenger ko since nagising ako. Nakita ko sabog ang notification ko sa messenger kasi ang ingay ng mga kateam ko. Biglang minention ako ng TL ko.

Raye: Oh, gising na si Amber! Hoy, gago ka! May DSAT kang iniwan ha!

Amber: Boss, sorry na gago yang customer na yan eh. Maayos ko nakausap. Galit sya don sa previous rep kaya nag bigay sya ng DSAT. Pero natulungan ko naman sya sa concern nya.

Nabadtrip lang ako kasi sige nyaw nyaw sya dahil hindi maganda stats ko this month. 

TL: Hay nako. Lagi nalang sisi sa previous rep. You need to make sure that call is good before you hang up. If needed magpa heatcheck, mag heat check tayo. Alam mong delikado ung stats mo this month diba? Make sure the babawiin mo to.

Facepalm nalang ako habang binabasa yung message ng TL ko. Hindi ko na din alam gagawin ko kasi I did everything I could pero wala pa din.

Me: Sige TL. Bawi nalang ako later. Usap nalang tayo mamaya matutulog muna ulit ako.

Then I turned off my phone and went back to sleep.

---------

"Beb."

"Hmmm?"

"Beb. Beb."

"What?!"

"Beb. Gising na. It's already 6pm. You need to prepare na for work."

"5 minutes beb."

Nagtalukbong ako ng kumot. Grabe sa sobrang stress ko sa trabaho ko, gusto ko nalang matulog at wag pumasok.

"Sige na beb. Bangon na. Nag prepare na ko ng food mo para makakain ka na at makaligo ka na din. Sige ka, magagalit nanaman sayo TL mo."

"UGGHH. FINE."

Pag bangon ko nakangiti na agad sakin si Josh and inabot nya sakin ung food. 

"Dinner in bed?"

"Yup and I cooked your favorite food."

"Waah thank you so much beb!"

Yung favorite kong liempo and egg ang niluto ni Josh sakin. Naubos ko agad yung food then naligo na ko agad kasi baka malate nanaman ako. Mag tutuos pa kami ni TL mamaya dahil sa bad review ko sa customer ko kanina kaya kelangan maaga ako pumasok today.

"Beb! Yung clothes mo nasa kama ko nakaayos na lahat. Ayusin ko lang ung baon mo."

"Thanks beb!"

Sigaw ko habang nasa cr ako. Pag akyat ko nagulat pa ko kasi talagang nakaayos na. Susuotin ko nalang. After 20 minutes bumaba na ko at sinabi ko kay Josh na papasok na ko. Then he smiled and kissed me on the lips. Nag book na ko ng grab para hindi ako malate.

-----

Habang nasa sasakyan ako, naisip ko na sana tuloy tuloy lang yung ganitong relationship namin ni Josh. Ayoko na ng puro drama kasi nakakaumay na sa totoo lang. Problem ko pa is yung work ko. Hay buhay. 




--- TO BE CONTINUED

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ripped into piecesWhere stories live. Discover now