Introduction :

178 3 1
                                    

Darating sa talaga sa buhay ng mga tao ang pag-ibig. Kaya lang, hindi talaga patas ang mundo pagdating sa pagibig. May nababasted, may iniignore, may naseseen-zoned, may nagkakaron ng kabit, at may napapa-layo, at mayron din naman na sadyang di talaga pede. Ayaw nang parents, iglesia sya tapos kristiyano ka. Yung mga ganung bagay ba. Ang hirap no? Lalo na pag dumating sa punto na naging kayo na. Araw-araw niyong binabati ang isa't isa ng good morning, good evening tapos may pahapyaw pa na "don't forget to eat ha?". Tapos magrereply sya ng "ang sweet mo naman bae! <3 ". Pag nagkita naman kayo sa school, para bang bumabagal ang oras. Kumbaga, pakiramdam nyo kayong dalawa lang ang tao sa mundo. Masaya kayong nagkkwentuhan, nagtatawanan o naghaharutan.. sabay kayo kakain ng lunch, tapos mag-aaway pa kayo kung anong masarap na ulam. Pagka-uwian naman, dadalhin ni lalaki ang bag ni babae at sabay kayong lalakad pauwi. Kahit malayo okay lang, mas gugustuhin nyo pa din maglakad pra mas matagal kayong magkasama. Minsan, madadaanan kayong fishball-an at kwek-kwekan, magyayakaran sabay nyong uubusin ang natitira nyong pera Ang sarap sa pakiramdam di ba? Hanggang sa paguwi mo dala-dala mo sya. Isa lamang yan sa mga sweet na scenes sa isang healthy na relation.

Pero bakit kaya nagmamahal ang tao kahit alam nila na posibleng mauwi ito sa walang forever? Masarap kasi magmahal ano po? Kahit alam natin na malabo magka-chance. Pinipilit pa rin natin ang sarili natin. Minsan kahit one-sided love okay lang. Basta maipakita at maiparamdam natin na mahal natin sila. Kahit masakit. Sige push lang. Parang bang na-adik na tayo sa "pain". Kung naranasan mo magmahal at masawi, alam mo ang tinutukoy ko. Pero pra sa mga hindi pa. Ganito yan. Eto yung pakiramdam na naeexcite at nasasabik ka sa isang gadget..pero wala kang pambili. Ginagawa mo ang lahat para makaipon, pero di mo pa rin maafford. Alam mo sa sarili mo na hindi mo sya makukuha..in short, Hanggang tingin ka na lang. Ang sakit isipin dba? Na kahit anong ipon o effort ang gawin mo. May mga bagay talaga na sadyang naka-laan para sa sa iba. At wala tayong magagawa kundi tanggapin ito. Ano pa ba ang magagawa natin? Binigay na natin ang lahat. Wala na di ba?

The #WalangForever StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon