Chapter 2: Ang Love ay parang PYRAMID

142 2 0
                                    

Si Paul ay isang expert facebook stalker. Gawain niyang mag-add ng mga magagandang chicks sa facebook. Sisilipin niya lahat ng picture at magpapa-kasasa sa mga pader-pose at hawak ulo pose ng mga babae.

Habang nagpapakasawa siya sa mga pictures ng crush niya. Nagulat siya at bigla itong nagPM sa kanya. Kinabahan siya. Inisip niya kung na-click ba nya ang "like" button.

Crush: Hi :)

Paul: Hi din po :)

Crush: Kamusta ka po? :)

                                       

Di maipaliwanag ni Paul ang nararamdaman niya. Biruin mo yung crush pa niya ang unang nagPM sa kanya at nangangamusta ka. Feeling ni Paul magkaka-forever na siya.

Paul: Ayos lang. Ikaw po?

Crush: Okay lang din. Kelan ka po free?

Napa-isip si Paul. Grabe ang bilis ng pangyayari. Kanina nagPM lang si Crush, ngayon parang nagyayakad na magdate.

Paul: bakit po? Magdadate po ba tayo?

Crush: haha. Hindi naman. Gusto sana kita yakaring magStarbucks.    

Starbucks? Magsstarbucks kami ng crush ko? Ika ni Paul. Binuksan niya ang wallet niya at binilang ang kanyang ipon. Nakita niya may 300 pa siya.  "Uy, sakto pa to. 100 pamasahe tapos may 200 na extra"

At dumating ang araw na nagmeet sila sa starbucks. Medyo nahihiyang lumapit si Paul sa crush nya.

"Miss Carla?"

"Paul?"

"Opo, Hi!"

Nag meet and greet sila sa loob ng limang minuto. Matapos noon ay nagpresenta na si Carla na bumili ng Frap para sa kanilang dalawa.

"Wag na Carla nakakahiya naman" sabi ni Paul, pero sa loob-loob nya "ayos to lilibre ako ni Carla, di mababawasan ang 200 ko hehehe"

Hindi mapakali si Paul habang hinihintay si Carla. Medyo kinakabahan siya habang tinitignan niya si Carla na nakapila.

at pag titingin sa kanya si Carla, !arte siya na nagtetext, pero sa totoo lang, scroll lang siya ng scroll sa menu. "Home>back>home>back" yan ang ginagawa ni Paul sa kanyang phone.

      

Okay, bumalik na si Carla. Andito na ang frap. Nagkwentuhan sila saglit ni Carla tapos biglang siningit ni Carla.

"Alam mo ba ang UNO?"

"UNO? UNO feeds?"

"Hindi Paul, haha, yung networking"

   

At biglang natauhan si Paul matapos biyang marinig ang katagang "Networking"

"AMPUCHA, networking pala!, kala ko pa naman may pagasa kami ni Carla"

Nanglambot si Paul noon. Naiinis siya pero ayaw niyang ipahalata. Lumipas ang isang oras kaka explain ni Carla kung pano magkakakotse si Paul sa loob ng tatlong buwan.

Walang natandaan si Paul kundi ang mga salitang "Heads, yayaman, pera, POWER, Grabe di ba?, Todo na to, at ang napakalaking Pay-in na kahit magpagulong-gulong siya ay di niya kayang ibigay "

Umuwing malungkot si Paul. "Na-networking-zoned siya". At simula noon naging mailap siya sa mga kape-kape na yan.

Maraming pang example ng tactics ng pang rerecruit sa networking. Ang mga susunod na mababasa ay base sa personal na experience ng mga naimbita sa networking.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The #WalangForever StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon