Chapter 2: "Bitawan niyo ako"
Nag diretso uli ako sa canteen. Maraming nakatingin sa akin, yung tingin na nagtataka. Buset na Mason iyon.
"Akala ko hindi pumasok so Alessia"
"Ako rin"
"Hindi daw kasi pumasok sa room"
"Saan kaya siya galing"
Marami akong narinig na bulungan mula sa paligid ko. Umupo ako at hindi na nag-order dahil busog pa ako. Bigla pumasok sa isip ko na hindi pala nangalay ang paa ko ng dalawang oras. Himala.
Lalabas na ako sa canteen at dederetso na sa room para ayusin gamit ko. Hindi ko kasi naayos yun nung ipapabigay sa akin ni Chiara ang papel kay Aiden.
Pagkalabas ko ng canteen, nakapila ang mga kalalakihan. Parang ang pila at parang nag simula sa canteen papuntang room ko o vice versa.
Maglalakad na sana ako ngunit bigla ako binuhat ng lalaking unang nakapila o huli. Nagulat ako at napasigaw dahil hinagis ako sa susunod na lalaki. Hanggang sa papalapit na ako sa hagdan.
"Ahhhh!!!!"
Hininto muna sila sa saglit. Pagkatapos ng ilang segundo binuhat ako nang lalaki na
malapit sa hagdan tsaka hinagis ako sa lalaki sa may hagdan."Mommy!!!!!"
"Ayoko na!!!!"
Hindi nila ako pinakinggan at tuloy tuloy pa rin sila sa pag hagis-salo sa akin. Nang malapit na ako sa room ay may nakita akong dalawang lalaki na naghihintay sa akin. 'Siguro magu-unahan sila sa pag salo sa akin'. Napahinto ako sa aking naisip. Ayoko na!!! Baka hindi nila ako saluhin.
Pinikit ko nalang ang aking mata gamit ang aking kamay. Pero nang maramdaman ko na malapit ako narinig ko ang pag iingay ng dalawa.
"Ako ang sasalo sa kanya Aiden"
"Anong ikaw?! Ako kamo"
"Ako nagpasimuno kaya ako ang sasalo sa kanya"
Hindi ko na sila pinakinggan pa dahil baka hindi nila ako saluhin. Nang buksan ko ang aking mata isang tao nalang ay nasa dalawa na ako.
Nagulat ako nang saluhin ako ni Aiden. 'T*ngina ang baho nitong lalaking ito'. Nang pagkasalo (bridal style) niya sa akin tumakbo siya papunta sa garden ng mabilis. Tumingin ako sa likuran niya at hinahabol kami ni Mason. 'T*ngina ano pumasok sa topak nila!! At bakit ginagawa nila sa akin ito'
Nang liliko na sa kanan si Aiden, bigla nalang sumulpot si Lorenzo. Kaya lumiko siya sa kaliwa at muntikan pa kami matumba. Ngayon dalawa na ang humahabol sa amin, si Mason at Lorenzo.
"Ano ba?! Ano ba kasi itong kalokohan na ito?!" inis na tanong ko habang tumatakbo pa rin si Aiden.
"Para hindi ka na daw maglakad papunta sa room," sagot ni Aiden habang natakbo.
Ano daw?!! Takteng buhay ito.
"Sino nagisip nitong paraan?!"
"Kami"
T*ngina!!! Buong grupo pala ang nagisip nito akala ko si Mason lang. Habang papalapit na kami sa garden, may limang lalaki ang nakaharang sa gate. Liliko sana sa kanan si Aiden ngunit may nakaharang dalawang lalaki. Lumiko nalang ito sa kaliwa pero may nakaharang ding dalawang lalaki. Babalik sana siya kung saan kami galing ngunit nanjaan na si Mason at Lorenzo.
Napapaligiran na kami ng grupo niya. Sa may gate ay sina Alexander,
Ethan, Jacob, Liam, at William. Sa kanan naman ay sina Harry at Oliver. At sa kaliwa naman sina Matteo at David."Bitawan mo na Aiden," sabi ni William. Ano ba kasi kailangan nila sa akin.
"Iehh sa akin siya dahil ako ang unang sumalo sa kanya,"
"Hoy ako kaya nasa pintuan ng canteen," si Ethan.
"Ako naman ang sumalo sa kanya sa hagdan. Kung wala ako duon eh di mahuhulog yun sa hagdan," si Harry
Naguguluhan na ako sakanila pramis. Sinubukan kong makawala sa bisig ni Aiden. Ngunit mas lalo niyang hinigpitan.
Ughh, ano ba ang nangyayari, hindi ako updated! Nakinig nalang ako nang bigla silang tumahimik tsaka ako tiningnan na naka ngisi pa.
"Ano pinagtitinginan niyo jan?" mataray kong tanong. Ngumisi silang lahat maliban kay Aiden. Ano pinaplano niyo mga g*go?!
"Aiden pakawalan mo na," nakangising sabi ni Lorenzo. Binaba naman ako ni Aiden nang dahan-dahan. Nang pinakawalan ako ni Aiden ay humakbang na ako palayo pero hindi pa rin sila na alis sa pwesto nila.
Dahan-dahan sila naglakad patungo sa direksyon ko. Wala ako maisip na paraan para makatakas ako rito. Ayaw ko nang itsura sa kanilang mukha. Paglingon ko kay Aiden ay nakangisi na rin ito.
Pinikit ko ang aking mata tsaka tumakbo sa direksyon ni William at tinulak siya. Nang makatakas nga ako bigla nalang sumigaw silang lahat.
"Habulin si Alessia!!!"
Patay. Nagsimula na akong tumakbo palayo sa kanila. Yung iba sa kanila ay nakahabol pa at yung iba nagpahinga na. 'Buti nalang runner ako dati'
Nang tumingin ako sa likod ko, wala nang humahabol sa akin. Naglakad nalang ako patungo sa room ko.
Hinanap ko si Chiara pagdating ko sa room.
"Ahh!!!" sigaw ko dahil may bumuhat na naman sa akin. Hinahampas hampas ko ang likod niya. Yung ulo ko kasi nasa likod niya kaya hawak ni Mr. Buhat ang binti ko. Buset!!!!
Galaw ako nang galaw para makatakas ako. Okay lang kung mahulog ako basta makawala sa kamay ni Mr. Buhat. "Sino ka ba ha? Bakit mo ako binubuhat? Wala naman ako atraso sayo ha? Bitawan mo na ako!!" pagmamaktol ko.
"Ano ba ang ingay mo. Tinutulungan na nga kita makatakas sa kanila eh," sino ba itong si Mr. Buhat at bakit niya ako tinutulungan. Sino ba siya?
"Sino ka ba kasi? Wala ka naman nasagot sa mga tanong ko eh," wala naman talaga akong narinig na sagot sa tanong na tinanong ko.
"Ah, ako si Felix Gates. Binubuhat kita para makaligtas ka. At oo wala kang atraso sa akin. Oh ayan happy ka na, sinagot ko na tanong mo," huh?! Gates?! Kaano-ano niya si Bill--
"Lolo ko si Bill Gates. Si Dad ang anak ni Lolo at si Mommy naman ay isang Pilipino. Dito na ako pina-aral ni Dad at Mom para mas makilala ko pa ang Philippines kaysa mag stay lang sa America," hinihiling ko ba na ikwento niya ang story nang kanyang buhay. Mahghad.
Yung family pala niya ay isa sa pinakamayaman sa buong mundo. Infareness, kaya pala hindi ko siya masyado kilala sa King's School.
"Andyan na kuya mo," binaba na niya ako sa tapat nang canteen at sa gilid ng pintuan nakaupo si Aiden.
"Oh Gates, buhat mo pala bunso ko"
--------
VOTE AND FOLLOW
![](https://img.wattpad.com/cover/200679495-288-k682341.jpg)
YOU ARE READING
I Weird You (I series #1)
Novela JuvenilStarted out as enemies to frienemies then gf/bf? then ??? As they say Love will find a way to make things better but in her life will Love give her what she want?