Chapter 21

90 11 0
                                    


NAMSHEN

"Talaga po? Meron ng nag-volunteer na maging tutor ko?" gulat na tanong ko sa Dean.

Tumango ito.
"Yeah, miss Cristobal. He'll meet you at the library after lunchbreak dahil iyon lang ang libre niyong oras." paliwanag ni Dean na tinanguan ko saka masayang umalis ng office.

Napapatalon pa ako dahil sa tuwa. Hindi na ako mahihirapan na mag-review dahil may mag-tuturo na sa akin.

Habang naglalakad ay napahinto ako nang makita ko si Zild na nakaupo at nakaharang sa daraanan ko. Busy siya sa pag-babasa kaya hindi niya ako napansin.

Umayos ako ng tayo bago dahan-dahan lumapit sa puwesto niya at mabilis na dinaanan yung paa niyang nakaharang.

"Emerald.." napahinto ako ng banggitin niya ang second name ko.

Siya palang ang tumawag sa akin ng ganito. Umubo ako bago siya hinarap.

"O, Zild.. nandiyan ka pala. Hindi kita napansin." pinilit kong ngumiti kahit naiilang ako.

Tumawa ito ng mahina bago ako sinenyasan na umupo sa tabi niya. Umiling ako.

"Sorry, may aasikasuhin pa ako." pagtanggi ko.

Paalis na ako ng marinig ko ang mahinang pag-tawa niya kaya napatingin ako. He still holding the book while smirking at me.

"May pupuntahan o may iiwasan?" He asked sarcasticly then he closed the book and stood up to face me.

I stared to him blankly because I don't know how to react in this situation.

"H-ha? A-anong ibig mong sabihin?" I almost uttered the words.

Napalitan ng ngiti yung ngisi niya saka napailing.
"You're trying to avoid me." sagot nito na ikinaawang ng bibig ko.

How did he know? Am I too obvious?

Pinilit kong tumawa habang umiiling.
"Ano ba iyan sinasabi mo? Imposible."

"You're too obvious, Emerald." napahinto ako ng tawagin na naman niya ako sa second name.

Natahimik kami pareho habang magkatinginan. Wala akong masabi dahil bistado na ako.

"Kung ang dahilan ng paglayo mo ay about kay Sydney. It's okay for me pero kung lumalayo ka dahil sa boyfriend mo. Definitely, it's not." seryoso ang tono niya habang nakatitig sa akin.
"It is not okay because we're just friends and I like you to be more than that kaya hindi ako papayag na umiwas ka dahil sa boyfriend mo." may paninindigang sabi nito.

I am avoiding his gaze. Ayokong makita niya kung ano ang naging reaksyon ko matapos niyang sabihin ang mga linyang 'yon. Ayoko maging assuming kaya iisipin ko na lang na pagiging 'bestfriend' ang tinutukoy niya... siguro.

Napahawak ako sa aking batok bago pinilit na ngumiti.
"I have to go, may imi-meet pa ako." paalam ko at agad siyang tinalikuran. Paalis na ako ng muli siyang mag-salita.

"I'm serious, Emerald. Huwag mo akong iwasan kung siya lang ang dahilan." may laman yung sinasabi niya pero hindi ko na pinansin.

Nagmamadali ko'ng tinungo ang library para hintayin ang magiging tuitor ko. Isang oras pa naman bago ang pagkikita pero dahil sa gusto ko'ng umiwas kay Zild ay dito ko napagpasyahang mag-stay. Napayuko ako sa mesa at walang-gana na pumikit.

[ 40 minutes ]


"Namshen.." iminulat ko ang aking mga mata nang may marinig akong tumawag sa 'kin. Umayos ako ng upo at papikit-pikit na tiningnan ang lalakeng kaharap ko. Pilit ko'ng kinikilala dahil sa kaantukan.

Behind His Innocence (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon