Ngiti

8 0 0
                                    

Sa bawat ngiti may nakakubli
Sa bawat nakakubli may  sakit
Sa bawat sakit may luha
At sa bawat luha may ngiti

Oo nga naman, ngiting nakapanghahawa,
Nagbibigay sigla sa bawat isa.
Ngiting akala natin masaya
Pero ngiting sisira sa isa.

Tama nga naman
Totoong ngiti ba'y kailan malalaman
Sa pag angat ba ng labi, masisilayan?
O sa mga maputing ngiping nakahanay?

Eksakto ngang talaga!
Nakakubling sakit sa ngiti nilalaan
Ngunit ako'y di mo malilinlang
Sa mga mata mong kumikinang

Messy ThoughtsWhere stories live. Discover now