Bago

8 0 0
                                    

Minsan iniisip natin na bakit puro mali na lang ang napapansin, bakit pagkakamali ang laging pinupuna? Bakit hindi nila makita ang mabuting ginagawa o ginawa ng Isang tao?

Minsan kailangan mong magpakatatag. Wag magpadala sa mga sinasabi dahil mas kilala mo ang iyong sarili. Kilala mo kung sino ka. Alam mo ang mga kaya mong gawin.

Wag kang magpadala sa masasakit na salita. Panlalait man yan o ano pa. Ipakita mong hindi ka nararapat na sabihan ng pagkukutya. Na walang silang karapatan na tapakan ang pagkatao mo.

Kaya kung puro pagkakamali ang napupuna sayo? Isa lang ang ibig sabihin non. Gusto nilang mas gumaling ka pa. Gusto nilang itama ang mali, gusto nilang imulat ka at baguhin...

Kaya kumilos ka. Baligtarin ang sa tingin nilang mali sayo.

Hindi ka man perpekto, wala namang perpekto. Pero makakaya mo, makakaya mong baguhin.

Magbago, hindi para sa sinasabi nila. Magbago para sa sarili. Magbago para sa ikabubuti. Dahil sa una palang na hinusgahan ka nila. May nagbago na sayo.

Hindi mo kailangang magbago para sa mapanghusgang tao. Pero ang totoo, lahat tayo nagbabago sa tuwing may humuhusga satin.

Minsan mapapaisip ka, Mahalaga ba ang mga husgado para sa aking pagbabago?

Messy ThoughtsWhere stories live. Discover now