Vin's P.O.V
"Kahit kailan ay di na kayo nadala",malamig na utas ko sa aking mga kaharap.Sila ang gang na matinding kalaban ng aking Grupo na isa ding Gang.Sikat kami,oo.Kaya natural lang na marami kaming makakaaway.Kaya lang etong isang gang nato madalas kaming kantiin.Sawang sawa na ko sa pagmumukha ng Gang Leader nila.
"Vin ano at tila sumusuko ka na sa labanan ng Gang natin",Fvcking toxic Leader!Hindi ba nya alam na hindi ako marunong sumuko?Kayang kaya kong makipaglaban kahit pa pagsamahin nila lahat ng mga Gang na may inggit sa Gang ko.Ang problema ko lang talaga ay ang mga pagmumukha nila.
"Alam mo na hindi ako marunong sumuko?Alam mo na dapat yan?Dahil ang tagal mo nang kinakanti ang Gang ko!Ilang taon na nga?",bumaling ako sa mga ka-gang mates ko.
"Isang taon na mula ng magsimula ang inggit ng Gang nila sa atin Vin,oh baka nga nung nagsisimula pa lamang tayo bilang isang maliit na Gang ay inggit na talaga sila",mapang-asar na banggit ni Peb,ang kanang kamay ko sa grupo.
"Hah?Masyado naman atang mataas ang mga imahinasyon mo Peb baka nakakalimutan mo na nung isang pipitsuging Gang pa lang ang grupo nyo ay ang Grupo namin ang tanyag dito sa Probinsya ng Llinares"pikon na saad ni Kanor.
"Katulad nga ng sabi mo Kanor noon yun hindi na ngayon.Nalamangan na ng Gang ko ang Gang mo.Kaya ano pa ang ipinuputok ng butsi mo.Aminin mo na lang na hindi mo matanggap na ang Gang ko na dating pipitsugin ang syang nangungunang Gang na ngayon---",hindi ko na natapos ang aking pananalita nang sunggaban ako ng suntok ni Kanor.
Hindi nya ako natamaan dahil hindi naman siguro ako magiging isang Lider ng isang gang kung mahina ang pandama ko.
Nagsimula na ang rambol.Tangina!Kahit naman sawang sawa na ko sa pagmumukha ng mga ito.Aba hindi ko naman hahayaang maagrabyado ang gang ko.
Patuloy ang suntukan,sipaan at paluaan ng mga dos por dos.Napuruhan na ang grupo ni Kanor pero patuloy pa rin ang labanan.Hanggang sa makarinig kami ng isang click mula sa isang camera.Nagliwanag saglit ang lugar na kinaroroonan namin.
"Fvcker!Ano kumuha ka pa ba ng media Kanor huh?",tanong ko.Naging alisto ang aking mga mata.Hindi maaaring may media dito.Damn.
"Sino yan?Lumabas ka",malamig na utos ko sa taong nasa likod ng mga drums na luma na at kumpol kumpol.
Hindi ko inaasahan ang paglabas ng isang tao.Isang tao na magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ko.
"Who are you?"
...
YOU ARE READING
Captured Memories
Short Story"She came unexpectedly in my life and I didn't know that she will left me unexpectedly too" ~John Gervince Le Davin