Chapter 2

10 1 0
                                    

Vin's P.O.V

Binuksan ko ang pintuan sa may backseat at basta na lamang sya binuhat.Kanina habang nasa byahe ay walang paglagyan ang isip ko.Ano na lang kaya ang mangyayari kung hindi ko napansin ang babaeng 'to.Tiyak na kakalat ang mga litrato at panibagong problema na naman.

"Manang",tinawag ko ang matagal ko ng kasama sa mansyon namin.Wala na kong kasama sa bahay.My father is a business man.Tanyag sya sa larangan ng pagnenegosyo while my mother?Sumakabilang mansyon na.At the age of 8 iniwan ako ng mommy.Nung una ay masakit,pero ng nagtagal ay nasanay na ako siguro ay hindi sapat ang pagmamahal ko para manatili sya.

Mabilis na lumapit sakin si Manang at ng makita ako ay rumehistro ang gulat sa kanyang mukha.

"Hijo?Anong nangyari?Sino ang babaeng iyan?'Wag mong sabihing nangidnap ka ay naku hijo ako mismo ang magsusuplong sayo sa mga pulis!",eksaheradang sabi ni Manang.Si manang na ang kasama kong lumaki.Sya ang nagpunan ng pagkukulang ng mga magulang ko.I thank her a lot.Because of her I felt love.Sa kanya ako natuto.

"Manang nakita ko 'to sa daan.Mukhang nahimatay ata.Kaya dinala ko na dito tutal malapit na ako dito nung nakita ko sya",bait baitang paliwanag ko.Hindi pwedeng malaman ni manang na parte ako ng isang gang.Ang alam nya ay nag-aaral akong mabuti,walang kinasasangkutang gulo at higit sa lahat ay maginoong lalaki.

"Kay bait talaga ng alaga ko.Hige at aayusin ko na ang guest room",sumunod na rin ako kay manang.Habang sinusundan ko sya ay nagbalik sa ala-ala ko kung paano nya ako inaruga ng mga panahong galit ako sa mundo.Sya ang naging saksi kung gaano kahirap ang buhay ko.Hindi ako lumaki katulad ng ibang mga bata.Nang iwan ako ng aking Ina akala ko ay may Ama pa ako pero hindi,dahil ang Ama na inaasahan ko ay hindi na umuwi pa mula noon.Nagkakausap lang kami sa telepono,hindi dahil kinakamusta nya ako kundi dahil pinapaalala sa akin na wag akong gagawa ng mga kahihiyan na makasisira sa maganda nyang pangalan.

May balak ang Ama ko na pumasok sa politika.Kaya ganun na lamang na ipinagbabawal ko ang pagkuha ng litrato sa grupo namin.Hindi maaring kumalat yun at malaman ni Tanda.

"Hijo,ilapag mo na sya.Ikaw naman maglinis ka na ng katawan at kumain ako ng bahala dine",marahan kong inilapag si Babae hindi ko maaaring basta na lamang sya ilapag dahil nakikita ako ni Manang.Sya ang tao na ayaw kong nagagalit dahil iba sya.Tandang tanda ko pa nung bata ako ng minsang nahuli nya akong nambubully ay hindi nya ako pinapasok sa mansyon.Nagalit ako dahil ano nga namang karapatan nya eh kasambahay lang naman sya.Pero ngayon nakikita ko kung sino sya.Sya,sya ang Ina at Ama ko hindi man sa dugo pero sa puso.

Sya lamang ang nakakakita ng tunay kong emosyon,ano mang tago ko nalalaman nya.

Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto at naligo.Hanggang sa pagligo ay hindi maalis sa isip ko ang babae na yun.Anong dahilan nya para sundan ako?Anong sinasabi nya na ako ang subject nya?

Letche!Ngayon lang ata ako nainis kakaisip sa isang tao.Ano bang nangyayari sayo Gervince?May kakaiba talaga sa babae na yun.Ang mga mata nya kakaiba.Tila pinupukaw nito ang aking kaluluwa.Argh!Umayos ka Gervince!

Pagkayari kong maligo ay nagsuot lamang ako ng boxer.Basta ko na lamang ibinato ang towel sa may couch at padapang humiga sa kama.

Nakapikit na ang aking mga mata pero nakikita ko pa rin ang mukha nya na may samu't saring
emosyon.Hanggang pagpikit ba naman ng mata ano bang nangyayari Gervince?

"Tangina"

******

Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng maliliit  na ingay halatang ayaw may makarinig.Dahan dahan ito kung maglakad.Nararamdaman ko ang mga titig nito sa akin.Na para bang nakikita nya maging ang kaubuturan ng pagkatao ko.

Captured MemoriesWhere stories live. Discover now