Chapter 1

0 0 0
                                    


Napabalikwas ng bangon si Lei. Habol ang hininga habang ang kanang kamay ay nasa kanyang dibdib. She had a bad dream again. It is always what she is always dreaming, a worst one. Hindi ito pwedeng magkatotoo. Ayaw na niyang bumalik sa dating buhay na tila isang makatotohanang bangungot para sakanya.

It’s been five years since she left. No, the correct word to use is when she ran away. Tumakas siya sa magulong buhay na mayroon siya.  God is really good kasi kahit walang-wala siya noong panahon nayon ay may taong nagmagandang loob na tulungan siyang  makatakas at makapagtago.

Dito sa Pilipinas siya nanirahan at natamasa ang kalayaan na hindi niya naramdaman noon sa bansang kanyang kinagisnan. Dito din siya nakatagpo ng mga taong nagmamalasakit sakanya ng totoo kahit na hindi niya maipagtapat ang tunay niyang pagkatao.

Natuto siyang mamuhay mag-isa gamit ang perang binigay ng taong tumulong sakanya upang makaalis sa bansang kanyang pinanggalingan. Hindi naging madali ang buhay niya dito, lalo na nung maubos na ang perang mayroon siya kaya sa ayaw at sa gusto niya kailangan niyang maghanap ng mapapasukang trabaho. Lahat ng pwedeng pasukin na marangal na trabaho ay sinubukan niya para kumita ng pera. At ng makaipon ng sapat na pera ay pinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Dito niya nagtagpuan ang kanyang mga tunay na kaibigan at ang kasintahan niyang si Alexies David.

Tumayo siya mula sa hinihigaang kama upang magtungo sa kanyang kusina para uminom ng tubig. At ganoon nalang ang gulat niya ng makita sakanyang orasan ang oras.

“Shit! I’m effin’ late!” at dali-dali niyang  kinuha ang kanyang bath towel at tumatakbong pumunta sa banyo.

“Hoy bruha! Bakit ngayon ka lang? Late ka na!” Sigaw sakanya ng katrabaho niya at kaklaseng si Joice.

“Sorry Manager!” Biro niya sa kaibigan. Ang kaibigan niya kasing si Joice ang pamangkin ng may-ari ng pinagtratrabahuhang niya ngayong Coffee Shop malapit sa paaralang pinapasukan niya. Ito din ang tumulong sakanya na makapasok dito. Sumasideline siya sa trabaho kapag bakanteng oras niya at walang pasok.

“Ang daming customer Lei. Napapagod na ko!” Reklamo nito sakanya habang pumapadyak pa habang sumusunod sakanya papuntang locker room.

“What? Kakabukas palang ng shop pero pagod ka na?” Gulat na tanong niya.

“Eh pano ba naman kasi puyat ako! Alam mo na, si Paulo kasi paulit-ulit akong dinala sa heaven kagabi.” Sagot nito na animo kinikilig at inaalala ang nangyari nang nagdaang gabi. Hindi na siya nagulat sa sagot nito dahil kilala na niya ang ugali ng kaibigan.

“Who’s Paulo?” Wari niyang tanong.

“My new boyfriend! He is so long and hard! Yum!” Malakas ang boses na sagot nito.

“Sssshhh! Ang bibig mo! Mahiya ka naman! At paano na si Bennie? Good bye na agad? Wala pa kayong one month non ah!”

“Yap! I hate him. He can’t pleasure me.” Natatawang sabi ni Joice.

Inirapan niya ang kaibigan sa sagot nito. Pero kahit madalas pang magpalit ng boyfriend ang kaibigan niya tanggap niya ito dahil ito ang tumulong sakanya nung walang-wala na siyang ibang malalapitan at mahihingan ng tulong.

“I can’t believe you Joice.” Natatawa niyang turan sa dalaga.

“Why not? Ikaw kasi ayaw mo pang payagan si Alexies na makapasok diyan.” Pang-aasar nito sakanya habang tinuturo ang nasa pagitan ng kanyang mga hita.

“Joice!” Saway niya sa kaibigan na kinatawa lang nito at animo walang narinig dahil patuloy pa din sa pang-aasar sakanya.

“Ikaw din baka maghanap ng iba si Alexies. Alam mo naman ang mga lalaki kapag no fun, they run.” Sabay tawa ng dalaga bago bumalik sa counter at iniwan siya sa may locker na nakalaan para sa mga nagtratrabaho sa coffee shop.

Napailing nalang siya at napaisip kung magagawa ba siyang iwan ni Alexies dahil hindi pa nila nagagawa ang bagay na yon dahil sa ayaw niya kahit maraming beses ng sinubukan ng kanyang kasintahan na gawin ito ngunit hindi pa rin siya nito mapilit.

“Bye love birds!” Sigaw ni Joice sakanilang dalawa habang kumakaway.

“Bye! Ingat” Sagot niya dito at hinawakan ang kamay ng kasintahan.

“How’s work?” Kapagkuwan ay tanong ng binata sakanya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan nito at alalayan siyang pumasok.

“It’s tiring but I need it for a living.” Sagot niya habang inaayos ang seatbelt.

“Sabi ko naman sayo, I can give what you want. So you don’t need to work anymore in the shop.” Sabi sakanya ng binata na ikinangiti niya.

“A, we already talked about it. Thank you for that but I can do it on my own. I don’t want to be a burden to you.” Sagot niya habang pinipisil ang kamay nito na nakahawak sa kanyang mga hita.

“Okay! Okay!” Galit na sabi nito habang nakatakas ang mga kamay na animo sumusuko na.

“Alexies, please do understand. I love you, okay? Sobra-sobra na ang naitutulong mo para sakin at ayoko ng dagdagan pa ang utang ko sayo dahil nahihiya na ako kila tita.” Tukoy niya sa mga magulang nito.

“You are already paying my bills monthly. Hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sayo.” Nagsusumamong daing niya sa binata ng hindi ito sumagot at hinawakan ang kamay nito para humupa ang galit na nararamdaman nito sakanya.

“Okay Honey.” Tumagilid ito para makaharap sakanya sabay hawak sa pisngi niya.

“Thank you A.” Her face lights up.

Nakatitig siya sa mukha ng kasintahan habang dahan-dahan itong lumalapit sa mukha niya upang angkinin ang kanyang mga labi.

Nanibago siya sa paraan ng halik ng binata dahil ito ay mapusok. Pilit nitong ipinapasok ang dila sa nakasara niyang bibig upang tugunin niya ang halik nito. Marahan niyang tinulak ang binata upang tumigil ito na halikan siya.

“A, bring me home. I want to rest.” Hindi siya makatingin sa binata dahil alam niyang galit ito. Lagi itong nagiging bad mood kapag umiiwas siyang halikan nito. Hindi pa niya naranasang tugunin ang mga halik nito ni minsan dahil hindi siya sanay na hinahalikan siya nito ng ganon, ngayon lang. Hindi ito nagsalita bagkus ay binuksan ang makina at pinaharurot ang sasakyan papunta sa apartment na tinitirahan niya.

“Baba ka muna? I will make you a coffee before you go home.” Umaasa siyang papansinin ng binata matapos ang dalawampung minutong pagbabyahe nila. Sa buong byahe nila ay hindi siya nito iniimik. Ganon nalang ang saya sa mukha niya ng bumaba ang binata at buksan ang pinto sa gilid niya at sabay silang nagtungo sa apartment niya.

“A, here’s your coffee.” Inabot niya sa binata ang isang tasang kape at binuhay ang kanyang flat screen tv upang maghanap ng mapapanood na makakapukaw ng kanyang interes.

“Thanks honey.” Tanggap nito.

“By the way A, are you going to fetch me tomorrow morning? So we can go to school together.”

“Sorry honey but I can’t make it. I have to go to daddy’s company to do some errands.”

“It’s okay. I can go alone.” Ngiti niya sa binata sabay hawak niya sa kamay nito.

Humarap siya sa kasintahan at hindi niya inaasahang hahalikan siya nito. Wala siyang magawa ng pilit nitong pinapasok ang dila sa bibig niya.

“Please honey, open your mouth.” Dahan-dahan naman niyang ibinuka ang bibig at hinayaang pumasok ang dila nito sa bibig niya. Nagulat siya ng maramdaman na lang niyang binubuksan nito ang butones ng suot niyang uniform. Nang mabuksan nito ang lahat ng butones ng damit niya ay kitang kita ang kanyang malulusog na dibdib. Makikita sa binata ang pagnanasa nito para sakanya. Bago pa mahuli ang lahat ay agad niyang hinawakan ang kamay nito.

“I can’t do it A.” Umiiling na sabi niya ngunit hindi siya pinakinggan ng binata dahil hindi ito nagpapigil ng tangkain tatanggalin nito ang pagkakahook ng kanyang bra sa likod pero bago niya matanggal yon ay sumigaw siya.

“Alexies! Please stop!” Dali-dali siyang tumayo at pilit tinatakpan ang nakalantad na dibdib na natatakpan ng kanyang bra. Hindi niya mawari kung galit ang binata dahil basta nalang itong umalis palabas ng kanyang apartment. Pero ng malakas nitong isinara ang pinto ay nakumpirma na niyang galit ito sakanya. Napaupo nalang siya sa sofa habang umiiyak at isinasara ang butones ng kanyang uniporme.

My Worst NightmareWhere stories live. Discover now