Prologue

0 0 0
                                    

"I really love this flavor, Chocolate Chip with extra cheese." Nakangiting sambit ni Lei kay Alexies habang magkatabi sila sa Cake shop malapit sa kaniyang apartment. Napagkasunduan nilang magkita pagkatapos ng isang linggo dahil abala sila at walang oras para magkita.

"I know. That is your all-time favorite. Here, eat this sliced cake now." Sagot ng binata sakanya at hinalikan siya sa pisngi sabay akbay sa kanyang balikat.

"Thank you A for giving us time to meet at this time."

"Your welcome Honey." Napangiti siya sa endearment na tinawag sakanya. It's been a year since they started dating and when he asked her if she wants to be his girlfriend, who is she to say no as an answer?

Ni minsan hindi niya sinaktan si Lei. He's sweet as always and she feels guilty about it. Kaya kahit papaano nakakalimutan niya ang tinalikuran niyang buhay para sa kalayaan na nararanasan niya ngayon dahil sa binatang minamahal niya.

Masaya silang nagkwekwentuhan tungkol sa mga nangyari sakanila noong mga nakaraang araw ng hindi sinasadyang napatingin siya sa labas ng cake shop at napatitig sa itim na kotse. Hindi niya makita kung sino ang nasa loob non pero parang binuhusan siya ng malamig na tubig ng bumaba mula sa kotse at makita niya ang lalaking hindi niya gugustuhing makita hanggang sa mamatay siya.

Mabilis siyang tumayo at hinila si Alexies palabas ng cake shop. Sa likod sila dumaan para hindi sila makita.

Nagmamadali siyang buksan ang pinto ng inuupahang niyang apartment pagkatapos syang ihatid ni Alexies. Nagpalit sya ng damit na pambahay at nagtungo sa salas upang mag-isip ng paraan at dapat niyang gawin.

"Hindi ako nagkakamali, siya yon." Wala sa sariling marahas na napabuga siya ng hangin. Paanong nangyaring nalaman niya kung nasaan siya? Hindi. Hindi pwede. Hindi pwedeng mahuli siya nito, masasayang ang limang taon niyang pagtatago at pagtakas dito. Napahinto sya sa pag-iisip ng nadinig niyang may kumakatok sa pinto ng apartment niya.

"Alexies, why did you come back?" Sigaw niya sa kumakatok sa pinto. Pero ganon nalang ang gulat at takot niya ng mapagbuksan ang lalaking tinatakasan niya.

"How are you my dear Levy Elize Isabel Chi?" May panunuya sa boses ng lalaking kaharap niya.

"No. It can be." Mahina niyang sambit at dahan-dahan siyang umaatras papasok.

"Why not? Are you not happy to see your future husband?" Sabay haplos ng lalaki sa pisngi niya.

"Umalis ka na!" Sigaw niya para maitago ang takot na nararamdaman niya.

"I will not leave without you." Sagot ng lalaki na siyang mas nakadagdag ng takot sakanya at dahan-dahan na lumapit sakanya at akmang hahaplusin ulit ang kanyang pisngi. Pero hindi siya papayag na mahawakan ulit siya nito kaya agad-agad niyang tinuhod ang pagkalalaki nito at tumakbo palabas ng apartment ng hindi lumilingon.

My Worst NightmareWhere stories live. Discover now