Chapter 2

0 0 0
                                    


“Please answer the phone,” Mahinang hiling ni Lei habang pinakikinggan ang bawat ring sa kanyang cellphone. Kanina pa niya sinusubukang tawagan ang kasintahan pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito nagpaparamdam. Nagpakawala siya ng buntong-hininga at itinago ang kanyang cellphone sa dala niyang bag pack.

“What’s wrong Lei?” Napansin siya ni Sapphire na hindi niya ginagalaw ang inorder niyang lunch sa cafeteria gayong ilang minuto na lang at mag-uumpisa na ulit ang kanilang klase.

“Hindi kasi sumasagot si Alexies, kanina ko pa siya tinatawagan,” Mahinang tugon niya bago simulang kainin ang lunch niya.

“Baka busy lang,” Pampagaan ng loob sakanya ni Sheena, isa din sa kanyang mga kaklase.

“Kasi may kasamang ibang babae,” Dagdag ni Joice habang ginagalaw pa ang mga kilay.

“Hay naku Joice! Pinag-aalala mo naman itong kaibigan natin.” Pagsuway ni Sheena. Magsasalita sana ulit si Joice ng bigla nalang sumugod sa kanila si Bonie na halatang masayang-masaya.

“Hi girls! I’m here,” Maarteng sabi nito.

“Oh bakla! What took you so long?” Pagpuna ni Sapphire.

“You know Sapphy, as the president of our block, I am in-charge to help the new transferee student to settle all the requirements needed. And guess what? Sulit ang pagod ko dahil ang gwapo ni Papa Benj.” Anito na pumapalakpak.

“Mas gwapo pa samin nila Clifford at Raniel?” Pagsingit ni Jhune.

“Sorry but it’s a yes.”  Tugon niya sabay tawa.”

“It’s already time. Let’s go guys!” Paalala ni Sapphire at hinila na si Bonie para upang mauna na sila papunta sa kanilang klase.


“You know already that our school is going to celebrate its 72nd year.  As an annual activity, the student council will be going to conduct a party tomorrow. I am looking forward to see you all tomorrow night. Good bye class!” Paalam ng kanilang huling professor para sa araw na ito.

“I am so excited!” Masayang sabi ni Sheena.

“Me too sis!” Dagdag pa ni Joice sabay baling sakaniya. “Ikaw Lei, may isusuot ka na?”

“Wala pa.” Hindi siya interesado sa pag-attend sa party gayong hanggang ngayon ay wala pa hindi pa din nagpaparamdam si Alexies ilang araw pagkatapos ng nangyari sakanila noong gabing nasa apartment niya ang binata.

“Ano ka ba naman! Minsan lang to sa isang taon.” Naiinis na sagot ni Joice.

“Mag-uusap pa kami ni Alexies kung aattend kami.” Dahilan niya sa dalaga at nagpaalam na siyang mauuna ng umuwi.


Honey, I didn’t have time to answer your call. I’m very busy, will call back you soon.
Nakatanggap siya ng text mula kay Alexies noong malapit na siya sa kanyang apartment. Minabuti ng hindi nito replyan para hindi na niya ito maabala.

Nang makarating sa apartment ay agad siyang nagtungo sa kanyang kwarto at nahiga.

“Kamusta ka na kaya mama?” Walang araw na hindi niya naiisip ang ina dahil sa limang taon na niya itong hindi nakakasama. Ni minsan ay hindi siya nagkalakas ng loob na magparamdam sa ina dahil baka matunton siya kung nasaan man siya ngayon.

Just this one. Sabi niya sa sarili at nagbabakasali na ito pa din ang numero ng kanyang ina. Hindi siya mapakali hanggang sa may sumagot sa kabilang linya.

“Isabella Liu speaking, what can I do for you?” Nahigit niya ang hininga ng marinig ang boses ng kanyang ina ngunit nanatili siyang tahimik at hindi nagsasalita.

“Hello?” Ulit ng ina niya makalipas ang ilang segundo. I miss you mama, ang mga katagang hindi niya mabigkas dahil nilulukob siya ng takot at pagdadamdam para rito. Pinatay niya na ang tawag dahil unti-unti ng namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Namimiss mo kaya ako mama kagaya ng pangunngulila ko sayo?

Hindi niya pa kayang bumalik sa buhay na mayroon siya noon. Hindi pa siya handa. Kung dadating din ang panahon na muling magtatagpo ang kanilang mga landas kaylangan niya itong paghandaan upang makamit niya ang hustiya na nararapat para sa kanyang ama.


“Papa, please save me!” Sigaw niya habang umiiyak at pilit kinakalag ang tali sa kanyang mga kamay. Nararamdaman niya ang sakit na dulot ng mahigpit na pagkakatali ng lubid sakanya pero hindi iyon naging dahilan para subukan niyang makawala. Natahimik siya ng may marinig na mga yapak na papalapit sakanya. Hindi niya makita o maaninag kung sino ang taong iyon dahil sa nakapiring ang kanyang mga mata.

“Hello!” Narinig niyang sabi nito.

“Who are you?” Nagtatapang-tapangan siya kahit sa loob niya ay takot na takot siya.

“I have your daughter.” Dagdag ng lalaking lumapit sakanya at doon niya napagtanto na hindi siya ang kinakausap nito.

“Do what I want or I will kill your daughter!” Galit na sabi ng lalaki.

“Papa! Papa! Help me please!” Sigaw niya na umaasang maririnig siya ng kausap nito.

“Who are you? Why are you doing this?” Pigil niya sa pag-iyak at sunud-sunod na tanong sa kaharap.

“I am Mister Z.” Sabi nito sakanya. “Don’t be afraid, I just need your father.”

Nagising si Lei ng may marinig syang papalapit sakanya.

“Don’t make a noise.” She knows that voice.

“Papa.” Mahinang tawag niya ng maramdamang kinakalagan siya ng kanyang ama. Niyakap siya nito ng mahigpit. Tinulungan niya itong kalagan ang lubid na nakatali sa kanyang mga paa at naglakad sila ng walang ingay palabas ng madilim na kwartong pinagkulungan sakanya.

“Stay here Isabel.” Paulit-ulit na paalala sakanya ng ama. Tango lang ang sinagot niya sa ama. Nang umalis ang kanyang ama ay pinilit niyang alisin ang takot na nararamdaman at pilit na pinapalis ang mga luhang tumutulo sa kanyang pisngi. Hindi siya lumilikha ng kahit anong ingay sa takot na baka may makarinig sakanya. Makalipas ang ilang minuto, nagulat nalang siya ng may marinig na sunud-sunod na putok ng baril.

“Papa.” Sambit niya at dali-daling umalis sa pinagtataguan at hinanap ang kanyang ama.

“I am begging you, please help me.”  Hindi siya pwedeng magkamali. Ang boses na yun ay ang kumausap sakanya kanina. Si Mister Z. May hawak itong baril pero hindi nakatutok sa kanyang ama. Bakit ito nagmamakaawa sakanyang ama? Ano ang kaylangan nito at nagawa siyang dukutin?

“I can’t help you. I already leave my job for my family.” Sagot ng ama niya.

“Please, you are the only one who can help me.” Nakatingin siya sakanyang ama at ganoon nalang ang takot niya ng makita niyang may red dot sa katawan nito.

“Papa!” Dali-dali siyang tumakbo upang mailigtas ang kanyang ama. Napatakip siya ng tainga ng marinig ang malalakas na putok ng baril kasabay ng paghandusay nilang dalawa sa sahig.

“Papa!” Napabalikwas siya ng bangon sa pag-akalang totoo ang napaginipan niya. Ngunit ganon nalang ang lungkot na kanyang nadama ng mapagtantong nangyari talaga iyon sa kanyang ama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Worst NightmareWhere stories live. Discover now