IBLYF-Uno

926 53 4
                                    


BORJ’s POV 

“Borj, anak hayaan mo na silang magbuhat diyan.” Sigaw ni Mommy mula sa loob ng bahay. 

Naglilipat kami ngayon. Nakabili si Mommy at ang asawa niyang si Uncle Vince ng bahay sa isang exclusive village dito sa Antipolo. Bagong adjustment na naman ‘to para sa akin. Hindi pa nga ako nakakapag-adjust sa pagpapakasal ni Mommy at pagkakaroon ko ng bagong tatay tapos ito na naman. Bagong bahay. Bagong environment. Bagong pakikisama. Wala naman akong magagawa. Wala akong choice. Haaay.  

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Sinalubong naman agad ako ni Mommy. 

“Halika anak. Ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo.” Akbay niya sakin.

Umakyat kami sa second floor. Malaki naman yung bahay. 3 bedrooms. 

“Ito ang magiging kwarto ng baby ko.” Sabi ni Mommy pagbukas niya ng pintuan ng isang room. 

Pumasok kami sa loob. “Nagustuhan mo ba?” Tanong niya. 

Tumango lang ako. 

Naupo si Mommy sa kama at hinatak ako palapit sa kanya. “Bakit ang lungkot ng baby ko? May problema ba anak?” 

Napabuntong hininga ako. “Hanggang kailan kayo magstay ni Uncle Vince dito?” 

“Anak hindi ba napag-usapan na natin ‘to? Kailangan naming bumalik ni Uncle Vince mo sa States dahil nandun ang negosyo niya. Ayaw mo namang sumama sa amin doon. Willing naman ang Uncle Vince mo na i-adopt ka para pwede ka ng tumira sa Amerika kasama namin.” 

“Alam niyo namang ayokong umalis dito. Ayokong iwan sila Lolo at Lola.”    

Hinimas himas ni Mommy ang braso ko. “Kaya nga anak. Pasensya ka na kung naging ganito ang set-up natin. Ayaw ko namang ibigay ka sa Daddy mo dahil wala kang magandang future sa kanya. Sarili niya nga hindi niya kayang buhayin. Ikaw pa kaya.”

Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha sa mata ni Mommy. Ito ang pinaka ayoko sa lahat. Ang makitang umiiyak ang Mommy ko. Parang nagkaroon na ako ng trauma sa mga nangyari noon everytime na nag-aaway sila ni Daddy. Yun ang pangyayari sa buhay ko na ayoko ng balikan pa. 

Tumayo na si Mommy. “Sige na magpahinga ka na muna. Kami na lang ang mag-aayos sa baba.” 

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng kwarto. Napaupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko.  Ayoko ng ganitong feeling. Nagpaalam ako kay Mommy na lalabas na muna ako ng bahay. Gusto ko lang munang magpahangin at makapag isip-isip. 

Nag-ikot ako sa village. Maganda naman pala dito yun nga lang tahimik unlike dun sa dati naming bahay kahit na exclusive village din yun hindi naman ganito katahimik. May mga bata paring naglalaro sa kalsada. Haaay. Nakakamiss yung mga kaibigan ko dun. 

“Tabi! Tabi! Mababangga kita!” 

Bago pa man ako makalingon sakanya ay nabangga niya na ako. 

“Aray! Ang sakit! Nabalian ata ako.” Inis kong sabi habang patayo ako.  Hawak hawak ko ang kaliwang braso ko.

“Ikaw nga diyan eh! Nakaharang ka! Tingnan mo! Mukhang nasira pa ata yung bike ko!” Masungit niya namang tugon. 

“Excuse me ako pa talaga ang may-----” 

Hindi ko na na-ituloy ang sinasabi ko. Bigla na lang akong natutula ng makita ko ang itsura niya. Ang ganda niya. 

“Anong tinitingin tingin mo diyan?” Inis niyang tanong.

Napahawak ako sa batok ko. “Ha? Ahhh.. Ehhh..” 

“Che! Diyan ka na nga!” Sabay alis.

Naiwan akong nakatulala. Haaay. Cute sana siya eh. Masungit nga lang. Hmmm… Saan kaya dito sa village ang bahay nila? Sana maging magkaibigan kami. Naramdaman ko ang paghapdi ng braso ko. Chineck ko agad kung may sugat. Shit! May galos nga. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko para punasan ang dugo. Naghanap na din ako ng tindahan na pwede kong mabilhan ng band aid.

I'll Be Loving You Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon