IBLYF - Cinco

317 28 5
                                    

RONI’s POV 

Ginising ako ni Kuya. May bisita daw sa baba. Haaay. Inaantok pa ko eh. Nag-ayos muna ako ng sarili ko bago ako bumaba. Nakakahiya naman sa bisita kung makita nila ang “just woke up look” ko. Hahaha. 

I was shocked ng makita ko kung sino ang bisita namin. Shocks! Hindi ako pwedeng magkamali. Si Basti to. Yung kinakapatid ni Kuya Yuan. Siya yung childhood crush ko. 

“Oh Roni. Nandyan ka na pala. Magbless ka sa Tito Ric mo.” Tawag ni Daddy sakin. 

Lumapit ako kay Tito Ric at nagmano. “Good morning po.” 

“God bless you. Dalagang dalaga ka na ha. At ang ganda ganda mo pa. Teka. Naalala mo pa ba si Basti?” 

  I looked at Basti. Nakasmile siya sakin. Ang pogi niya pa rin. Gosh! 

“Opo. Naalala ko pa po siya.”

“Ikaw din eh. Fresh pa din sa memories ko yung kabataan natin.” Sagot niya. 

“Basti, mamaya pupunta yung bestfriend ko dito. Papakilala kita.” Singit ni Kuya. 

Speaking of the devil. Dumating na nga siya. Nakangiti siya sakin. Che! Inis pa rin ako sayo. Kala mo diyan. 

“Good morning po.” Bati niya sabay baling sakin. “Good morning Roni.” 

Inirapan ko nga. Bahala siya diyan. 

“Oo nga pala Borj. Si Basti. Kinakapatid ko. Basti si Borj. Bestfriend ko.” Introduced ni Kuya sakanila. 

Nagkamay silang dalawa. Naupo si Borj sa tabi ni Kuya Yuan. Nakatingin siya sa amin ni Basti. Hindi niya inaalis ang tingin niya sa amin. Problema nito? 

“Bakit parang ngayon ko lang ata nakita tong si Borj?” 

“Ah kasi kakalipat lang niya. Last year lang.” 

“Kamusta naman ang lovelife mo Yuan? May girlfriend ka na ba?” 

“Wala pa nga eh. Pero may nililigawan ako. Yung classmate ko si Myla. Itong si Borj ang malupit sa chics.” 

“Talaga? Naka-score ka na ba ha Borj?” 

Tumingin ako sakanya at ang-aantay sa magiging sagot niya. But instead na sumagot ngumiti lang siya. So totoo nga yung sinabi ni Junjun. Silence means yes. Hay naku Benjamin Jimenez kainis ka! 

Nag-excuse muna ako sakanila at nagpunta sa may kitchen. Tinulungan ko na lang si Mommy na magprepare ng breakfast. 

- - -

Uuwi na daw sila Tito Ric at Basti. Hinatid namin sila nila sa labas. Sumama din samin si Borj. 

“Oh paano Roni? See you tomorrow. Dito daw kami maglulunch ni Daddy.” Sabi ni Basti.

“Yeah. See you tomorrow.”

Nakipagbeso pa siya sakin. Ang bango niya. Gosh! 

Tuluyan na silang umalis. Hinahabol ko pa nga ng tingin si Basti eh. 

“Oh tama na yan Ronalisa. Wala na nakaalis na sila.” Sita ni Daddy sakin. 

“Si Daddy talaga.” Pagmamaktol ko.

“Oh Yuan. Roni. Aalis na muna kami ng Daddy niyo. Kailangan naming pumunta sa restaurant. Kayo ng bahala dito. Kung aalis kayo ng bahay make sure na tapos niyo na ang mga house chores.” Bilin ni Mommy. 

I'll Be Loving You Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon