IBLYF - Tres

336 34 13
                                    

BORJ’s POV 

“Borj, pawis na pawis ka na. Teka nga pupunasan kita.”

Hindi na ko nakaimik. Ipinunas na kasi ni Bea yung panyo niya sa noo ko.  Aware ako na may gusto si Bea sakin. Nag-confessed siya sakin last week but I told her that I didn’t feel the same way. Ok lang naman daw sakanya basta hayaan ko lang daw siya sa treatment niya sakin. 

“Ayan ok na.” Nilagay niya na ulit sa bulsa niya yung panyo. “Sabay tayong kumain mamayang breaktime Borj.” Hawak niya sa braso ko. 

“Ahhh.. Ano kasi Bea… Kasabay ko yung barkada mamaya.” 

“Eh di sama na lang ako. Sige na Borj please?” Yakap niya sa braso ko. 

“Si---ge.. Sige..” 

“Yey! Thanks Borj.” Halik niya sa pisngi ko. 

Nagulat ako sa ginawa niya. Bigla bigla na lang siyang nanghahalik. Mabuti na lang at walang nakakita sa mga classmates namin. Si Yuan lang. Kung hindi mapagchichismisan pa kami.  

“Borj. Pare. Mukhang malakas talaga ang tama sayo niyang si Bea ah.” Bulong ni Yuan sakin. 

“Sinabi ko naman sakanya Pare na hanggang friends lang kami.” 

“Hayaan mo na lang Pare. Sakyan mo na lang kung anong trip niya.”

“Ayoko nga. Baka sabihin pa niya nagtetake advantage ako sakanya.” 

“Borj.. Pare.. Siya naman yung nag iinitiate eh. Hindi mo na kasalanan yun di ba?” 

“Hindi pa rin magandang idea Pare.” 

“Ikaw bahala Pare. Pero kung ako yan nagtake advantage na ko.” 

“Eh di sayo na lang si Bea Pare. Trip mo pala eh.” 

“No thanks Pare. She’s not my type.” 

“Alam ko naman kung sinong type mo eh. Ayun oh. Si Myla.”

Hindi na siya nakaimik. Huli ka Yuan. Akala mo ah. Hahaha.  

- - -

Nasa canteen na kami nina Yuan. Kasama namin sina Junjun at Tonsy. Naki-join din sa amin si Bea. Sila Roni at Jelai na lang ang kulang. Ang tagal naman nila. 

“Bakit hindi pa tayo bumibili ng pagkain?” Tanong ni Bea. 

“Cool ka lang diyan. May inaantay pa tayo. Para sabay sabay na.” Sagot naman ni Yuan.

“Ayan na pala sila Roni eh.” Si Junjun yan.

Napatingin ako sa may entrance ng canteen. Nandito na nga sila. Pasimple akong ngumiti. Yung love of my life ko papalapit na samin. Hahahaha.  

“Hay naku! Ang tagal mag dismissed ni Mrs. Ignacio. Gutom na gutom na ko.” Reklamo ni Roni sabay upo sa tapat ko. 

“May kasama pala kayo.” Sabi ni Jelai habang nakatingin kay Bea. 

“Ah oo. Si Bea. Classmate namin ni Borj. Ito si Roni utol ko tapos si Jelai friend namin.” Pakilala ni Yuan. 

Nagkamay silang tatlo. Nagtama ang tingin namin ni Roni pero iniwas niya rin agad.

“Ano guys? Order na tayo. Gutom na ko.” Aya ni Yuan. 

“Ahm.. Roni? Anong gusto mong kainin?” Tanong ko. 

“Hmmm.. Sandwich and juice na lang.” Abot niya sakin ng pera. 

“Hindi na. Ako na.” Tanggi ko sabay baling kay Bea. “Ikaw Bea? Anong sayo?” 

I'll Be Loving You Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon