BORJ's POV
Unti unti na akong nasasanay sa bago naming bahay. Salamat sa mga bago kong kaibigan. Lalo na kay Yuan. Kung hindi dahil sakanila siguro lagi na lang akong magmumukmok sa kwarto. Summer vacation ngayon kaya mas madami pa kaming time maglaro. Mag gala at tumambay. Naglalakad lakad lang ako papunta sa bahay nila Yuan ng makasalubong ko si Roni.
Patakbo akong lumapit sakanya. "Hi Roni. Nasa bahay ba si Yuan?"
"Oo nandun. Puntahan mo na lang." Masungit niyang sagot sakin.
"Sige thank you. Puntahan ko na lang. Uhm. Saan ka pala pupunta?"
"Kila Jelai." Tipid niyang sagot without looking at me.
Pinigilan ko siya. "Ahhh... Roni?"
She gave me a deadly look. "What?"
"Uhm... Ahhh.. Baka gusto mong samahan kita?"
"No thank you. Alam ko ang papunta dun. Hindi ko need ng companion."
Nag-umpisa na naman siyang maglakad kaya hinawakan ko ulit siya sa braso. Tumingin naman siya sa kamay ko na parang sinasabing wag ko siyang hawakan.
"Uhm. Sorry. Roni? Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?"
She just shrugged her shoulder. Ang sungit talaga. Pero hindi ako susuko. Aayusin ko to. Kaya mo yan Borj.
"Dahil pa rin ba to sa nangyari nung first encounter natin?"
"Siguro."
"Sorry na Roni. Please. Peace na tayo." Peace sign ko sa kanya.
Tinapunan niya ako ng tingin. Pumunta naman ako sa harapan niya. Pinaglakip ko ang dalawa kong kamay at agmakaawa sa kanya.
"Please Roni?"
Nag-cross arms siya at tiningnan ako sa mata. "Hmmm... Oo na sige na."
Napangiti ako. "Talaga? Peace na talaga tayo?"
"Oo nga. Ayaw mo ata eh."
Nilampasan niya ako kaya naman hinabol ko siya.
"Hindi. Siyempre gusto ko. Uhm. Friends?" Lahad ko ng kamay ko.
Kinuha naman niya yun pero binitiwan niya din agad. Napangiti ako.
"Thank you ha. Friends na tayo. Tara samahan na kita kila Jelai."
Sinabayan ko na siyang maglakad. Tahimik lang ako pero ang totoo tuwang tuwa talaga ako kasi ok na kami.
"Roni, thank you ulit ha. Kasi friends na tayo." I broke the silence.
"Wala yun. Gusto ko rin mag-sorry kasi nasungitan kita nung unang meet natin. Saka kanina. Masama lang talaga yung gising ko."
"Naku Roni. Wala na yun. Kalimutan na natin yun. Ang importante friends na tayo ngayon."
Nakita kong ngumiti siya. Ang cute niya talaga. Masaya ako na ok na kami. Thank you Lord! Yahooo...
Nakarating na kami kila Jelai. Nagulat pa nga siya ng makita niya kami ni Roni. Siguro dahil magkasama kami.
"Wow! Anong meron sis? Bakit kasama mo tong si Borj? Bati na kayo?"
Dahan dahang tinango ni Roni ang ulo niya na parang nahihiya siya.
"Talaga? Good. Congrats Borj." Shake hands ni Jelai sakin.
Nagtataka naman ako habang nakikipagkamay siya sakin. "Congrats for what?"
"Congratulations kasi ok na kayo nitong Bestfriend ko. Mahirap kasi talagang suyuin to eh." Natatawang sabi niya.
"Aray sis. Masakit." Reklamo ni Jelai. Hinampas kasi siya ni Roni sa braso.