BORJ's POV
Until now hindi pa rin nagsisink-in sakin yung nangyari kanina. Pumayag si Roni na ligawan ko siya. So next plan na ako. Yun ay ang kausapin sila Tito Charlie at Tita Marite para payagan nila ako na legal na mangligaw kay Roni.
Kinuha ko ang phone ko and dialed Roni's number.
Me: Ahm.. Hello? Roni?
Roni: Oh Borj... Napatawag ka?
Me: Ahhhh... Ano kasi... Namimiss lang kita... Hehehe.
Roni: Asus! Ikaw talaga....
Me: Ahm... Roni?
Roni: Huh? Ano yun?
Me: Ahm... Kasi... Hindi pa rin ako makapaniwala untol now sa nangyari kanina. Saka... Iniisip ko na rin ngayon kung paano ko kakausapin yung Mommy at Daddy mo.
(I heard her chuckles.)
Roni: Alam mo Borj... Just be yourself. Madali namang kausap sila Mommy at Daddy eh.
Me: Sana nga payagan na nila tayo. Wala naman tayong gagawing masama. Alam naman nating pareho ang limitations natin.
Roni: Magiging ok din ang lahat Borj. Ahm... Sige na Borj. Gagawa pa kasi ako ng assignment eh. Kita na lang tayo bukas.
Me: Sige Roni. See you. Bye.
Call ended.
Bumaba muna ako sa kusina after naming mag usap ni Roni. Naabutan ko naman doon si Lolo.
"Hi Lo." Masaya kong bati sakanya.
"Naku! Parang ang saya ata ng apo ko ngayon ah. Ang lapad ng ngiti mo oh. Tingnan mo." Turo pa ni Lolo sa mukha ko.
Naupo ako sa tabi niya. "Masaya po talaga ako ngayon Lolo. As in super saya ko po ngayon."
"Teka! Hulaan ko." Hawak ni Lolo sa baba niya na parang nag-iisip. "Sinagot ka na ni Roni?"
"Haha. Si Lolo talaga oh. Ang bilis mag-isip. Hindi pa po ako sinasagot ni Roni Lo. Pero po.... Pumayag na po siyang ligawan ko siya."
Mas lumapad ang ngiti ni Lolo Miyong. "Talaga ba? Eh di congratulations Borj. But.... Hinay hinay lang ha. Wag niyo masyadong seryosohin. Mga bata pa kayo."
"Opo Lo. Hinay hinay lang. Muwenstra ko pa. "Kaso Lolo... May problema ako eh."
"Problema? Problema agad?"
"Ganito po kasi yun Lo." Akbay ko sakanya. "Sabi po kasi ni Roni, since pumayag na po siyang mangligaw ako need ko din daw po magpaalam kina Tito Charlie at Tita Marite."
"Tama naman si Roni, Borj. Dapat lang talaga na alam ng mga magulang niyo ang ligawan na yan. Natutuwa din ako na nag-open ka sa akin. Dapat malaman din ito ng Lola mo."
"Sasabihin ko po kay Lola pagdating niya. So ano nga pong gagawin ko Lo? Paano po ba ako haharap kila Tito Charlie at Tita Marite?"
"Alam mo apo. Hindi mo naman dapat pinoproblema yan. Simpleng bagay lang yan eh. Kung talagang malinis ang intension mo kay Roni. Wala kang dapat ikatakot sa mga magulang niya. And I'm sure hindi sila magagalit sayo dahil kilala ka naman na nila eh."
"Sana nga po Lolo pumayag sila Tito Charlie at Tita Marite."
"Wag kang mag-alala. Papayag ang mga yun. Pero wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo. Masyado pa kayong bata. Wag niyo muna masyadong seryosohin. Enjoyin niyo muna kung anong meron kayo ni Roni."