BOARD EXAM TIP

405 3 0
                                    

(MAINTAINING ENERGY & FOCUS)

•Nakakapagod ang board exam, alam natin yan. Sobrang tagal kang nakaupo, sobrang tagal kang magsosolve at sobrang tagal ka ding mag-iisip. Ilang oras yan diretso, doon ka lang sa upuan mo buong araw.

Wala ding lunch break. Magdala ka nalang ng sarili mong pagkain at kumain ka nalang Kung kelan mo gusto kung may time ka pa para kumain.

Yan ang experience ko sa board exam at mostly Wala talagang lunch break. Ewan ko Lang Kung anong course Ang may lunch break.

•Madali lang umupo buong araw Kung Wala kang ginagawa o Di Kaya kapag naglalaro ka lang o nanonood, kahit nga Hindi ka na din kumain.

Tama ba??

Pero ibang usapan na kapag board exam, maliban nalang kapag sobrang nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Kapag ganon, saludo ako sayo, hindi mo na kailangan ng tip ko for today😄

•Base sa experience ko at pati na rin sa testimony ng mga kakilala kong nagboard exam, hindi masaya ang mag-exam nang buong araw!

Never pa akong nakarinig na may nagsabing nag-enjoy sya pagkatapos ng board exam. Lahat stressed o pagod.

•Okay lang magstress at mapagod kapag patapos na Ang exam kasi doon mo na ibubuhos lahat ng natitira mong  lakas at determinasyon. Pero hindi ka pwedeng mapagod sa simula at kalagitnaan palang  ng exam.

Kailangan meron kang sapat na lakas at kailangan mong imaintain ang focus mo.
Dahil Jan kailangan nating magpahinga from time to time.

YOU NEED TO TAKE BREAKS!

•Sa board exam, limited lang ang oras natin kaya dapat we make the most out of our time.

Eh di sayang Ang oras mo sa break diba??

HINDI!

Huwag mong isipin na nagsasayang ka ng oras kapag nagpapahinga ka kasi you need time to regain your energy.

Hindi sayang ang oras mo sa breaks, investment mo yan para i-maintain mo ang intensity at focus mo habang nag-eexam.

•Parang sa boxing, tingin mo anong mangyayari kapag walang break kada round??

Magsusuntukan parin sila pero eventually mawawalan na ng lakas Ang mga suntok nila at babagal na din sila.

Mawawala na Ang excitement ng mga audience kasi nakakabagot manood ng mga pagod na boksingero.

Pero meron silang break dahil kailangan nilang imaintain ang intensity ng laban.

•Sa boxing importante ang intensity, sa basketball importante ang intensity, sa exercise importante Ang intensity, sa trabaho importante ang intensity, pati nga sa lovelife importante Ang intensity😄

Sa lahat ng bagay importante ang intensity, pati na din sa BOARD EXAM!

•Pwede kang magsagot lang nang tuloy tuloy pero Hindi ka magiging efficient. Mawawala ang focus at intensity mo sa pag-aanalyze o pagsosolve.

Hindi ka din magiging creative sa pag-iisip kapag pagod o stressed ka.

Remember:
We are most creative when we are in a relaxed state.

•Ngayon, alam na natin na importanteng magpahinga from time to time habang nag-eexam.

Pero paano??

Ano ang mga effective ways para makapagpahinga ka and regain your energy without using up too much of your precious time during the board exam??

Hindi pwedeng basta ka lang titigil sa pagsagot at wala kang gagawin. Merong ways to reduce stress quickly and effectively.

•I will share with you 3 ways which I used personally.

Lahat ito pwede mong gawin ng 1-2 minutes lang bawat isa.

1.  Breathing exercise

Importante Ang paghinga nang malalim kasi kapag stressed Ang isang tao Ang tendency titigil Yan sa pag paghinga for a few moments.

Obserbahan mo Ang  sarili mo  Kapag  natatakot, kinakabahan  o nagagalit ka. Sigurado Hindi maayos Ang paghinga mo. Kapag kulang ang oxygen na pumupunta sa utak, bababa ang cognitive function nito.

Breathing exercise Ang sagot  dito.
Tumigil ka muna sa pagsagot at
magbilang ka ng 20 slow and deep breaths, 3-5 seconds per breath. 

Wag ka munang mag-isip ng kahit ano, magfocus ka Lang sa paghinga mo. Pwede mo ding gawin Ang exercise na to kapag nagagalit ka o kinakabahan ka.

2. Stretch

Nadidistribute Ang oxygen sa katawan at sa utak natin habang nagcicirculate Ang dugo.

Kapag nakaupo ka nang matagal, bababa Ang blood circulation mo Kaya bababa din ang oxygen level sa katawan mo. Kapag nangyari yan, you will experience fatigue.  Manghihina ka at mapapagod ka.

Para mapanatili Ang good circulation pwede kang magstretch sa upuan mo. Istretch mo Lang slowly ang mga kamay, leeg, balikat, paa at binti mo. 10 seconds per stretch Lang okay na.

Hindi lang maiimprove ang circulation mo, marerelax ka din.

3. PMR

Accronym yan para sa 'Progressive Muscle Relaxation'. Ginagamit ito for relaxation or reducing  stress and anxiety. 

Simple lang, pumili ka lang ng muscle group sa katawan mo for example sa Dalawang kamay at braso. Itense mo Lang sila for about 5 seconds tapos irelax mo for another 10 seconds.

Ulitin mo sa lahat ng mucle groups sa katawan mo for example sa mukha, sa leeg at balikat, sa mga binti, sa chest at abs, etc.

Scientifically proven effective Ito. Pwede mong  i-Google if you want to learn more.

•Ang mga technique na 'to ay effective for regaining your energy quickly and reducing stress while taking the board exam.

Hindi lang pangboard exam Ang mga technique na to, pwede mo ding gamitin Ang mga to for daily stress management.

*So yan ang tip ko para sayo for today:
TAKE BREAKS

I share these tips kasi nong time na magbo-board exam ako, hirap akong makahanap ng mga magagandang tips from reliable sources.

Kahit gusto ko ng mga tips from topnotchers, Hindi Naman sila accessible. Kailangan ko pang umattend ng seminar sa malayo at may bayad din.

Now I have all these knowledge and experience in taking the board exam but I no longer need them.

*For me, there are only three ways where wisdom can go, you can either use it, share it or lose it.

I can't use it anymore but I don't want to lose it either. That is why I'm sharing it with you and I hope you do the same🙂

Thank you for reading🙏 and have a wonderful day!

COMPILATION OF RELIABLE REVIEWER FOR LICENSURE  EXAMINATION FOR TEACHERWhere stories live. Discover now