Ako nga pala si Ezykiel Santos.
5'6 ang height ko, matangos ang ilong at sabi nila may mga mapupungay na mata. Hindi ako masyadong maporma. Simple lang ako, wala naman akong masyadong iniisip sa buhay ko eh. Gusto ko lang kasi mapasaya yung mga magulang at mga kapatid ko. Lahat ng ginagawa ko para lang sakanila. Masaya na rin ako kapag masaya sila! Wala akong pakialam sa ibang tao. Loner ako kumbaga. Inis na inis nga ako sa mga napapanood ko sa tv at mga naririnig ko na mga kinakasal. Hhahah! Sakit ng ulo lang ang pagpapakasal. Parang kumuha ka lang ng bato para ipukpok sa ulo mo!
Pero, nagkamali ako.
Maling mali ako
Nung makilala ko siya nag iba ang mundo ko. Oo, ang corny no? Pero gusto kong malaman nyo na siya ang dahilan kung bakit nagbago ang pananaw ko sa buhay na meron ako.
Kinuwento siya sakin ng kaptid ko na si Faith nung minsan na mapagusapan namin ang buhay pag-ibig namin sa kasalukuyan. Talagang minsan nagkakaroon kami ng ganitong usapan. Gusto ko kasi alam ko lahat ang tungkol sa kapatid kong babae. Gusto kong maramdaman niya na handa akong resbakan ang sino man na mananakit sakanya.
Oo nga pala, Siya si Xylona, una ko palang narinig ang pangalan niya pumasok na agad sa isip ko na kelangan ko siyang makilala dahil iba ang dating sa akin ng pangalan niya. Oo, medyo unique pero ewan ko gustong gusto ko ng pangalan na taliwas sa mga kadalasan ko nang naririnig. Classmate ni Faith si Xylona sa University of Sto.Tomas sa course na Civil Enginnering. Madalas akong sinasama ni Faith sa school niya kasi minsan gusto nyang nandoon ako kapag may laro sila ng volleyball. Pero ni minsan di niya sakin pinakilala si Xylona. Ngayon lang talaga.
Baka nga pala nagtataka kayo bakit si Faith lang ang close ko, siya lang kasi yung nag-iisa na tinuring kong kaibigan bukod sa kapatid, gusto ko na bestfriend niya ako ayaw ko na sa iba pa siya lalapit para lang magkwento.
Ayokong ipagkatiwala siya sa iba.
Dahil ako mismo di ako nagtitiwala sa iba, ayokong magtiwala
AYOKO NA.
"Hello"
"Hi? Sino to?"
"Hulaan mo"
"Aba ikaw ang unang nagtext tapos manghuhula pa ako?"
"Ang sungit naman pala netong babae na to" Ayan ang unang sumagi sa isip ko at Oo tama kayo tinext ko si Xylona ng araw din na yun. Jinojoke ko lang naman sinungitan agad ako.
"Sungit mo naman! Si Ezy nga pala. Kapatid ni Faith. Ikaw si Xylona?"
"Ezykiel Santos? 0.0"
Teka. Kilala nya ko? Pano?
"Oo, ako nga to. Bakit mo alam ang apelido ko e, ngayon lang naman kita natext?"
At pagkatapos nun mukhang SEENZONED na ako.
"Nakakainis naman pala yung babae na yun, pagkatapos kong itext di lang ako rereplyan" sabi ko kay Faith kinaumagahan.
"Baka nawalan ng load, baka nakatulog o ba---"
"Baka nahimatay sa kilig dahil sakin?"
"Haynako Kuya! Ang aga aga para diyan sa kalokohan mo! Oo nga pala, pupunta akong school may kukunin lang ako. Gusto mong sumama?
Eto na yata ang tamang pagkakataon para ipakilala niya sakin si Xylona.
"Oo! Teka lang hintayin mo ko! Maliligo at magbibihis lang ako! Hintayin mo ko!"