Chapter 4

8 0 0
                                    

"Hello, nakauwi kana ba?"

"Hi. Sino to?" Sabi niya

Mukhang hindi siya interesado sa akin, tinext ko na siya noon pero di pala niya sinave ang number ko.

"Ezy!" Agad kong reply

"Ay sorry. Oo Ezy nakauwi na ako ngayon ngayon lang! Salamat ulit ha? :)"

"Buti naman! Ammm, Xylona, may gagawin ka ba bukas?" Sabi ko sakanya.

"Bukas? Bakit?"

"Pwede ba kitang maaya?"

"Ako? Haha bakit?"

Hindi ko alam ang isasagot ko sakanya nung nireplyan nya ko nang ganun. Manhid ba siya? Hindi ba niya alam na gusto ko siyang makasama lumabas? Bakit ba ganito ang mga babae, ayoko na natatakot na ako na maka di siya pumayag at mapahiya lang ako.

Pero makalipas ang isang oras, nakonsensya ako. Ayokong hayaan na dahil lang sa takot ko ay mapapalampas ko pa ang pagkakataon na to.

"Xylona, pwede ba tayong lumabas? Kakain tayo kung saan mo gusto! Saan ba? Haha! Sge kahit san papayag ako"

Oo, eto ang una kong sinabi sakanya. Eto ang sinabi ko nung una ko siyang inaya na magdate, nakakatawa no? Hanggang ngayon tawang tawa pa rin ako kapag naalala ko to, hindi ko kasi alam ang dapat kong sabihin. Unang beses ko lang mag-aya ng babae na lumabas. Sakto rin na bakasyon na nila nung mga panahon na iyon kaya't alam ko na wala siyang gagawin.

" Xylona, gising ka pa ba? Pupunta pala kami ng family ko sa Batangas sa darating na weekend gusto mo bang sumama? May maliit na family bonding lang kami. Sa resort ng tita ko kami magsstay. Ipapaalam ka namin ni Faith sa tita mo" sunod kong text sakanya.

" Oo! Oo! Gustong gusto ko. Kaso family bonding nyo iyon. Saka nalang"

Nagulat ako nung sinabi nya na OO. Na parang gustong gusto talaga niya sumama.

Anong meron?

Bakit?

"Nako, ayos lang yun! Sige na sumama kana!"

"Talaga? Sige! Sasama ako!"

Lumipas ang oras na magkatext lang kami, tinanong ko din kung saan siya nakatira para bukas ay pwede na namin siyang ipaalam sa tita niya.

"Alam naman ni Faith kung saan ang bahay ko!" Sabi niya.

"Okay, mas mabuti kung ganun! Bukas ha? Hintayin mo nalang kami diyan!"

"Sige aasahan ko, sge Ezy! Late na rin kasi, kelangan ko nang matulog. Salamat ulit!"

"Walang anuman Xy! Hahah!"

Sobrang late na pero hindi parin ako makatulog. Hindi ko makalimutan yung mga ngitin ni Xylona, sa twing naaalala ko napapangiti din ako. Siguro dahil first time ko lang naramdaman to kaya naninibago pa ako. Pero isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon.

SA TINGIN KO, MAS MAGIGING MASAYA ANG BUHAY KO KUNG PATULOY KONG MAKAKASAMA ANG BABAE NA ITO.


Kinabukasan, ipinag paalam na namin ni Faith si Xylona sa Tita niya at sumang ayon naman siya dahil matagal na palang kilala ng tita ni Xylona si Faith. Ayos lang din sakanya dahil pamilya naman daw ni Faith ang kasama wala na siyang ipag-aalala.



Bukas sabado na. Naghahanda na ang buong pamilya ko pra sa mag dadalhin nila bukas. Nagkakagulo nga sila e. Si mama, grabe ang daming damit na dinala dalawang araw lang naman kami doon. Si Faith naman akala mo tatapatan talaga ng araw face to face ang daming dalang lotion at sunblock pang isang buwang supply ata ang dala. Yung iba kong mga kapatid busy naman sa harap ng computer kakaupdate ng status nila na pupunta kami ng Batangas bukas. Si tatay? Ayun. Katulad ko nagugulumihan din sa gulo nila. Hahah! Anong klaseng buhay kaya meron ako kung wala itong pamilya ko, sila lang halos ang nagbibigay saya sa akin, yon ang buong akala ko pero nadagdagan pa sila ng dumating siya sa buhay ko.

*Ding dong, ding dong*

"Kuyaaaaaaaaa! Buksan mo nga yung gate. Nagaayos ako dito ng gamit ko e. Wala ka namang ginagawa diyan!" Sabi ng isa kong kapatid

"Oo eto na eto na!"

Ng pagkabukas ko ng gate.

"Xylona! Ikaw pala yan!"

"Oo bakit? Tinext ako ni Faith pumunta nadaw ako ngayon dito para hindi na ko mahassle sa byahe bukas. Hindi mo alam?

"Uhhh, oo (Nagulat talaga ako na hindi ko alam ang sasabihin ko) sige! Pasok kana, ako na magdadala niyang gamit mo!"

"Faithhhh! Andito na si Xylona!" Pasigaw kong sabi.

Lumipas ang buong gabi na iyon na nasa kwarto lang ako. Nahihiya kasi ako lumabas, nakakahiya kay Xylona, di ako sanay na may iba na babae na kasama sa bahay namin. Pero hindi naman ako likas na mahiyain eh, hindi ko alam bakit ako nahihiya ng ganito. Kaya wala akong alam sa lahat ng nangyayare sa labas, panigurado nag aayos parin sila ng gamit nila. Hayyyysss.

I did it because ....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon