Inip na inip na ako. Ilang minuto na din ang nakakalipas pero ang tagal bumalik ni Faith, ang bagal talaga ng bata na yun. Nakakainis!
Naghintay ako ng matagal sa gate, halos ugatan na nga ako wala parin si Faith e.
Hanggang sa ....
"Kuyaaaaa!"
"Aba Faith, buti naman at naalala mo pa na may kuya kang nag-iintay dito balak na sana kitang dalhan ng kama, kumot at unan sa loob e"
"*kumunot ang noo* Ang sungit mo naman Kuya. May hinanap lang ako"
"Halika ka na nga, may klase pa ako!" Pasigaw na sabi ko
"Teka teka lang, sinabi ko bang uuwi na tayo? May gusto pang makipag-usap sayo!
"*mataas na tono ng boses* haaaaaaaaaaaa? Sino?"
"OA lang ang peg kuya? Kalma! Hintayin mo ko ulit babalik ako agad!"
Doon ko naalala na dito nga pala si Xylona nag-aaral na sa palagay ko ay ayun ang sinasabi ni Faith na gustong kumausap sa akin. Loko loko talaga yun.
Pagkatapos ng ilan pang minuto
"Teka, nasa langit na ba ako? Merong babae na nasa harap ko ngayon na nagiging sanhi ng mabilis na pagtibok ng puso ko" bulong ko sa sarili ko.
"Hindi kaya nasagasaan ako sa pag-iintay ko dito at ngayon nasa langit ako kaharap tong babae na to""Hello!" Sabi nya
"Haaaaaaaaaaaaaaa- eto nalang ang tanging salita na nasabi ko
"Kuya! Ano? Speak up!"
"Hi! *abot ng kamay* Ako si Ezy. Ikaw si--?
"Xylona! Xylona Bautista"
Napatigil ng saglit ang pagtibok ng puso ko. May kakaiba sa ngiti niya na tila napapangiti din ako. Bakit ko nararamdaman to? Bakit nauutal ako? Bakit?
Oo. Bakit?
"Xylonaaaaaaaaa!" May malakas na tinig na tumawag sa pangalan nya at lumapit sa amin.
"Xylona, kelangan mo na daw bumalik sa practice! Kelangan ka na namin!" Aniya ng kakaklase niya.
"Ohsige, mauuna na ako ha? Kelangan ko nang bumalik! Hi Ezy! Nice meeting you pala!" Sabay ngiti nya sa akin.
At doon, doon nagsimula ang lahat.