Lumipas ang maraming buwan na hindi na kami nag usap ni Faith ng tungkol kay Xylona pero sa totoo lang atat na atat na akong makilala at makausap siya. naniniwala ba kayo sa love at first sight? Ayun ang naramdaman ko sakanya, nung una ko siyang nakita may kakaiba na parang gusto ko agad siyang makasama. Hindi ko alam pero sa tingin ko. Tinamaan ako talaga.
Teka. Anong sinabi ko?
Tinamaan na ako sakanya?
Hindi, hindi. Hindi tama!
Hindi pwede!
MAHINA TONG PUSO KO.
Sobrang lakas ng ulan nun, hindi pwedeng umuwi mag isa si Faith kaya sinundo ko siya gabi na rin kasi. Ng doon ng gabing iyun, doon nagkaroon ng masiglang kulay ang buhay ko. Oo. Tama kayo, nakita ko siya. Si Xylona, ang babaeng sa simula palang nagpatibok na ng puso ko. Oo alam ko masyadong mabilis no? Anong magagawa ko?Ngayon ko lang naramdaman to at hindi ko alam kung paano lalabanan iyon pero ang alam ko ngayon handa akong gawin ang lahat makasama lang siya.
Nilapitan ko siya dahil nakita kong wala siyang dalang payong.
"Miss sukob ka na dito sa payong ko oh, malaki naman e" sabi ko sakanya.
"Ay nako, hindi na! Tatawid na rin ako. Salamat nga pala. Ikaw yung kapatid ni Faith right? Palabas na rin siya nakasabay ko siya kanina. Hindi ko lang alam nasaan na siya"
Napatalikod ako sa hiya hindi ako sanay na nirereject. Nagulat ako ng may biglang bumulong sakin sa likod ko at doon nakita ko si Faith na tumatatango na tila sinasabing itawid ko na si Xylona.
Oo, sang ayon na sang ayon ako doon.
"Sige, hintayin mo ako dito ha? Itatawid ko lang siya" pabulong kong sabi sakanya.
Hinabol ko agad agad si Xylona.
"Xylona, itatawid na kita, wag ka ng aangal ha? Gusto ko naman to eh"
Ngumiti lamang siya (siguro naman ang ibig sabihin nun ay payag na siya) at doon sabay kaming naglakad.
Nagkaroon kami ng kaunting pag-uusap habang nag iintay siya ng jeep. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun. Alam nyo yung pakiramdam na parang nasa kakaibang mundo kami. Ngayon ko lang to naramdaman at nung araw na yun ayaw ko nang magising kung sakanilang nananaginip lang ako.
Katulad ng inaasahan nyo, mahabang usapan ang nangyare sa pag-iintay ng jeep ni Xylona. Nagkwento siya sa akin na kinukwento din ako sakanya ni Faith. (Loko loko langa yung kapatid ko na yun) nakwento niya na rin sa akin na nasa ibang bansa ang parents niya kaya sa tita niya lang siya nakatira sa ngayon. At napakarami pa ang aming napag-usapan hanggang sa tumila na ang malakas na ulan at doon nakasakay na siya ng maayos.
"Sige Ezy! Mauna na ako ha? Salamat nga pala!" Sabay ngiti niya sa akin
"Wala yun! Sige, mag-iingat ka" sabi ko
Binalikan ko na si Faith. Hanggang sa pag uwi namin tinutukso tukso niya lang ako. Oo, di ko maipagkakaila kinikilig din ako. Oo tama kayo sa nabasa niyo KINIKILIG DIN AKO.
Akala kasi nung iba mga babae lang ang kinikilig, ayaw lang namin ipahalata sasabihin kasi ng iba BAKLA KAMI! Hahah. Pero ang totoo, gusto na namin sumigaw sa sobrang kilig.
Bakit?
Bakit?
Oo. Gusto ko na nga siya.