chapter 3

59 0 0
                                    

CHAPTER 3

Hindi sya nagsasalita. Basta nakayakap lang sya sakin.

Ako naman, hindi ko na sya kinulit.. kapag hindi sya sumagot sakin alam ko na yun..

May iniisip syang malalim.. o kaya nalulungkot sya..

Ayos ka lang ba? Gusto mo labas tayo para makapagkwentuhan tayo.. emotero ka nanaman eh. Wala naman na tayong klase.

Inaya ko sya.

Ok lang ako.. drama lang to espren .. haha!

Tumalikod sya sakin tapos tumawa.

PEKE. Alam kong peke yung tawa nya.. ewan ko ba kung bakit alam ko.. siguro kasi nararamdaman ko din kung totoo yung sinasabi nya.. dahil nga sa sobrang closeness namin.

Ang PLASTIK MO espren Paul! Hay nako tara na nga libre kita mcdo tayo!

Tinapik ko sya sa likod nya tapos naglakad na kami palabas ng school.

Ano gusto mo? Ako na bibili. Tumayo sya tapos tinanong ako.

Hmmm.. fries tsaka sundae lang ako tas kung ano gusto mo bahala ka na..

Inabot ko sa kanya yung 150 ko tapos pumila na sya agad.

Ano kayang problema nitong lalaking to.. bigla bigla nalang nagpapalit ng mood.

Nakabalik sya agad sa seat naming. Wala naman kasing pila kaya madali syang nakabili.

Nilgay nya kagad sa kin yung sundae at fries ko, tapos sa kanya naman yung float at burger.

Binalik nya sakin yung sukli.

O bat yan lang binili mo Paul? Diet???

Nilagay ko ang fries sa tray tapos kumain.

Hindi naman.. trip ko lang hehehe. Sagot nya.

Natahimik kami saglit pero dir in ako nakatiis magtanong..

Anyare ba kasi?? Bat nagdrama ka kanina.

Seryoso kong tanong sa kanya.

Nakita ko kasi si mama. Matipid na sagot nya.

Nahulog tuloy yung hawak kong fries sa kamay ko kasi nagulat ako sa sinabi nya.

Ha?? Ano?? San? Kelan? Ano nagusap kayo?? Sobrang curious yung pagkakatanong ko tapos napansin ko kumunot nalang yung noo nya..

Nainis siguro…

Nung isang araw.. sa mall. Kasama yung asawa nya tsaka anak nya. Seryosong sagot nya.

Tumingin sya sakin tapos nung napansin nyang magtatanong pa ko.. yumuko sya.

Yung totoo.. hindi ko alam yung sasabihin ko eh.. hindi ko alam kung pano ko sya icocomfort kaya ang ginawa ko.. hinawakan ko yung likod nya tapos hinaplos ko para macheer up sya.

Hindi pa ko natatapos kumain eh nagaya na sya kagad.

Tara na uwi na tayo. Ngumiti sya sakin.

Yung ngiti nyang nakakainlove.. makaheartpounding eh.

Umuwi kami kagad kasi nag aya na nga sya.. sanay na ko na umuwi ng maaga lalo na kapag wala sya sa mood kasi di nya trip yung namamasyal kapag wala sya sa mood.

Oo nga pala.. hindi ko nabanggit sa inyo na nagaapartment kami.

Oo kami. Kami lang dalawa. Ok lang naman sakin dahil may tiwala naman ako sa kanya.. at tsaka mas feel ko na safe ako kapag kasama ko sya..

Payag din naman ang parents ko eh.. kasi kilala nila si Paul.

Kaya walang problema.

Pagdating na pagdating naming sa apartment. Dumirecho sa ref. tapos kumuha ng beer.

Take note ah.. hapon palang.. 5:00 pm palang pero feel na nya uminom.

Kara, tara nomo tayo.

Kumuha pa sya ng isang beer tapos hinagis nya sakin.

Muntikan ko pang di masalo kasi kapos ng onti yung bato nya pero dahil mabilis ang reflexes ko.

Ano bang trip mo? Ang aga pa inom agad.. kaka inom mo lang ng coke. Binuksan ko ang beer ko tapos umupo sa sala.

Wala lang.. gusto ko lang.. ubusin na natin to oh.. 4 pa to.

Nilabas nya yung mga natitirang beer pa sa ref. tapos nilagay sa center table sa may sala.

Kumuha sya ng  chips sa may lamesa naming tas hinagis nya sakin.

Seryoso ka?? Adik ka pag ako nalasing ah. Binuksan ko yung chips tapos nilagay ko sa center table.

Pag nalasing ka edi papatulugin kita. Tapos kukumutan. Tumabi sya sakin tapos lumagok ng beer.

Kinilig ako sa sinabi nyang yun. Napangiti tuloy ako bigla.

O bat ngumingiti ka ? natawa sya sakin.

Ngumingiti ka dyan.. kapal mo..di no naaano lang kasi ako dito sa beer. Palusot ko..

Nakatingin lang sya sakin tapos biglang…

Sa tingin mo Kara, pag nagkagirlfriend ako magigin masaya ako?

Nasamid ako sa tanong nya.. kasi first time nya talaga magtanong sakin ng ganun..

Kahit kailang di nya ko tinanong ng tungkol sa ganon..

Kinabahan ako.. nagkabutterflies ako sa tyan ko tapos nag-iisip ako ng isasagot ko…

***please continue reading J itutuloy ko ito sa chapter 4 thanks ! J vote, comment and be a fan kung nagagandahan po kayo salamat J

1 word 4 letters 3 meanings (fight.happiness.sacrifice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon