chapter 4

67 0 0
                                    

CHAPTER 4

Ano na? bat di mo masagot tanong ko???  Tumingin sya sakin.

Anong hindi masagot.. masyado ka kasing excited sa reply ko eh no?? alam mo Paul, ang totoo nyan eh.. hindi ko alam. Kasi buhay mo yan eh.. malay ko ba sa happiness mo diba.. hinde joke lang! haha..

Alam mo paul.. alam mo naman yung sagot dyan eh.. syempre kung gusto mo yung babae o kaya mahal mo sya, edi malamang magiging Masaya ka.. pero kung gagawin mo lang yun para … para gumanti o kaya tetestingin mo lang. kay nako wag ka na magbalak.

Lumagok ulit ako ng beer. Dinamihan ko yung inom halos maubos ko na agad yung isang can.

Try kaya natin gusto mo? Seryoso nyang sabi sakin.

Nagulat ako. Nasamid pa nga eh.

Tumingin lang ako sa kanya.

Tapos…..

Hahahahahaha! Joke lang espren! Alam mo namang di ko magagawa sayo yun.. yung lokohin ka. Tsaka para na kitang kapatid.

Kinuha nya yung isa pang beer tapos binuksan.

Ayos ka din no! hindi ko trip yang biro mo! Inubos ko agad agad yung isang beer tapos binato ko sa kanya yung lata.

Yung totoo.. hindi naman ako nainis sa biro nya… nainis ako kasi..

Kasi..kapatid lang tingin nya sakin..

Pucha. Bat ba kasi naging woman hater tong bestfriend ko eh.. hindi nya tuloy Makita yung ginagawa kong effort para sa kanya.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ko eh.. nainis kasi talaga ako..

Sa sobrang inis ko hindi ko napansin na nakakatlong beer na pala ko.. di pa nga sana ako titigil kung di lang nya hinarang yung kamay nya sa kamay ko.

Uy tama na! kanina pa kita pinapatigil ayaw mo naman akong pansinin.. lasing ka na oh.. namumula ka na. awat na.

 Kinuha nya sa kamay ko yung beer tapos nilagay sa center table.

Hindi ako…. Lasing.. kaya akin na ya---

Napahinto ako..

**itutuloy sa chapter 5 J please continue reading

1 word 4 letters 3 meanings (fight.happiness.sacrifice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon