chapter 2

58 0 0
                                    

CHAPTER 2

 

Nung mga bata pa lang kami, hindi na talaga sya close sa mama nya. Hindi ko pa alam noon kung bakit malayo ang loob nila sa isa’t isa pero lagi nyang sinasabi sakin na ayaw daw nya sa mama nya.

Tapos isang araw, nung 1st year highschool na kami, nagulat nalang ako nung nasa bahay ako, gabing gabi na tapos nagpunta sya sa bahay namin. Nakayuko, at humihikbi ng iyak.

 

FLASHBACK:

Paul o bakit ? anong problema bakit ka umiiyak? Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mga braso nya.

Si mama, iniwan na kami ni dad.. sumama na sya sa ibang lalaki.. wala syang iniwang kahit anong gamit..

Tumingin sya sakin at umiyak na ng umiyak..

Batid ko talaga sa mukha nya kung gano sya nasasaktan at nalulungkot.. pati galit nakikita ko sa mga iyak nya..

Dahil sa sobrang kalungkutan nya nadala ako..

Simula noon, bihira na syang tumawa, at magsalita.. sobrang depressed nya sa nangyari

At lalo pa syang nalungkot ng namatay ang daddy nya.. 1 year after silang iwan ng mama nya..

Simula kasi ng iwan sila ng mama nya, hindi na tumigil ang papa nya sa kakainom.. araw- araw yun walang tigil..

Naaawa nga ako kay Paul eh kasi ni hindi na sya maasikaso ng dad nya, kaya ang ginagawa ko, pumupunta ako sa kanila para magdala ng pagkain.. at dahil malapit lang naman ang bahay nila sa bahay namin, kung minsan doon na ko gumagawa ng assignment para kahit papano may kasama sya.

Nung namatay ang daddy nya.. tandang tanda ko sinabi nya sakin….

Hinding hindi ako magmamahal. Ayoko magmahal.

 

Yan ang mismong sinabi nya nung nasa puntod kami ng daddy nya..

Simula non.. naging mas sobra syang tahimik at hindi makausap..

At oo nga pala, nung namatay ang daddy nya, nagdecide ang parents ko na sila na ang mag-alaga kay Paul, dahil naaawa sila sa kanya dahil walang mag-aalaga..

Wala naman kasi syang kapatid, at lahat ng kamag-anak nya nasa America.

Simula ng sa bahay na sya nakatira, sinikap namin nila mama na tulungan syang maging Masaya..

Hanggang sa isang araw.. nagulat nalang ako biglang ok na sya..

Tandang tanda ko pa.. bakasyon eh, bago kami magcollege.. sabi nya.

Sawa na ko sumimangot. Kaya magiging Masaya na ko.

Yan ang saktong sabi nya na may ngiti sa mukha nya..

Syempre bilang bestfriend nya.. sobrang saya ko din nun dahil sa wakas… Masaya na sya..

************************************************************************************************

PRESENT:

Paul, sorry.. hindi ko naman sinasadya eh.. hinabol ko sya. Napagod ako kakahabol, pano ba naman napaka bilis maglakad.

Nung naramdaman nyang huminto ako tumakbo, huminto naman sya sa paglakad.

Ok lang, naalala ko lang kasi bigla.. pasensya na espren.

Lumapit sya sakin tapos niyakap ako.

Nasa may hallway kami nun.. walang tao kaya walang nakakita samin.

Iba yung yakap nya eh, may kahulugan parang.. yung niyakap nya ko nung iniwan sila ng mama nya…

Paul may problema ba?????

1 word 4 letters 3 meanings (fight.happiness.sacrifice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon