Simula

42 0 0
                                    

Simula




Pinakinggan ko ang palakpak ng magkapamilyang tinutugtugan ko ngayon. Humupa rin nang sinimulan ko ng kalabitin ang kwerdas ng aking gitara.

"Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma"

Pinipikit ko pa ang aking mata upang mas madama ang pagkanta nito.

"Idadaan na lang...
sa gitara"

Nakakatuwang marinig silang sinasabayan ako sa aking pagkanta. Pinagpatuloy ko ang pagkanta. Bahagya kong sinuyod ang paningin sa kalangitan. Ang daming panahon na pala ang dumaan. At sa mga panahon na yun lamang ka nanatili.

*Abril 2017*

"Basteng! Mag saing ka na ng kanin diyan pagkat maya-maya ay darating na ang mga pinsan mo. Ano na lang ang kakainin nila kung di ka pa magsasaing. Puro ka na lang basketbol, wala ka ng inatupag buong linggo kundi basketbol di na ako magugulat kung yang ulo mo maging bola na! Yung gitara mo pa nakita ko sa sala naka kalat lang, ano? gusto mo bang itapon ko na yun?" sigaw ni inay galing sa loob ng bahay.

Umagang-umaga ay sermon na kaagad ang natanggap ko galing sa kanya. Pumasok na ako sa loob at sinimulan ng gawin ang utos niya.

Nang natapos ay inihanda ko na rin ang ulam na luto ni inay. Maya-maya ay narinig ko rin ang pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay. Mabilis akong lumabas upang salubungin sila.

"Basteng!" sigaw ni nanang. Agad niya akong niyakap at pinaulanan ng mga halik.

"Kay laki mo ng bata ka at mas naging mestiso ka na ah, may nililigawan ka na ba?" tanong pa niya.

"Wala pa po at wala pa po akong plano para riyan, abala pa po akong mag-aral." sagot ko naman sa kanya.

Lumabas na rin si inay at tinulungan namin silang idiskarga ang kanilang mga dala. Dito sila mananatili ngayong summer at magbabakasyon na rin. Si nanang ay ang ina ng aking ina, matagal ng namayapa si tatang kung kaya't si nanang na lang ang nariyan. Tatlong magkakapatid sina inay, silang lahat ay narito kasama ang kanilang mga anak na sina Meliang, Wardo, Manoy at Sol. Sina Sol at Manoy ay mga anak ni tiya Ambrosia habang sina Wardo at Meliang naman ay kay tiya Celia. Ang kanila namang mga asawa ay naiwan upang pangalagaan ang kanilang naiwan na mga negosyo.

Dala ko ang ilang bagahe papunta sa sala. Malaki rin ang aming bahay at kakasya kaming lahat rito. May anim na kwarto sa bahay ang dalawa ay para sa amin nina inay at itay, ang apat naman ay hinanda para sa mga bisita.

"Nasaan ba si Pidel at kayong dalawa lang ang narito Rinang?" tanong ni tiya Celia.

"Maaga iyon doon sa hacienda manang e." sagot ni inay at doon nag tuloy-tuloy na ang kanilang kwentuhan, sumali na rin si tiya Ambrosia sa kanila. Si nanang naman ay namahinga na muna.

Kami naman sa aming mga pinsan na lalaki ay nagpatuloy sa pag-aayos sa mga bagahe, ang dalawang babae naman ay tumutulong rin sa amin.

"Osyasya kumain na tayo at ako'y gutom na, napakahaba pa naman ng byahe galing sa Talisay." saad ni nanang nang natapos na naming ilagay ang mga bagahe sa kanya-kanya nilang kwarto.

Tumuloy na kami lahat sa hapag-kainan. Mabuti na lang at marami-rami rin ang naisaing ko kanina. Nagdasal na rin kami at sinimulan ng kumain.

"Ang sarap talaga nitong sinigang mo Rinang. Nga pala may dala kaming pinatuyong mangga galing pa iyon ng Talisay." sabi ni nanang at ipinakuha kay Manoy iyon.

Dala-dala ang tatlong supot ay inilagay ito ni Manoy sa lamesa. Ginawa namin itong panghimagas. Nang natapos ay napag-utusan sina Meliang at Sol na maghugas. Laking tuwa pa naming mga lalaki dahil makakapaglaro na rin kami. Sina inay naman ay nagpatuloy sa naantalang usapan nila kanina.

Mga KwerdasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon