CHAPTER 4

67 2 1
                                    

CHAPTER 4

XX




I know for sure that I misheard them. "What?!"

                                                                                                                                                                     





Matthew rolled his eyes – and why does he look so hot?! Legal ba 'yun? Si Nathaniel naman ay hindi nag bago ang ekspresyon. Seryoso pero may halong pag-alala...? No it can't be! Pag-alala my ass. So much for these good-looking faces!








Mas lumakas ang mga bulung-bulungang nakapalibot sa amin. Ang ibang DSM lang ang nangahas na patahimikin ang mga estudyante. Dumilim naman ang ekspresyon nila Austin, Jayden at Kelly at inutusan ang mga working students na gawin ang trabaho nila.








"See what I'm talking about?"


"Point taken," sagot ni Nathaniel kay Matthew. Ano bang pinagsasabi nila? At pwede bang tigilan nila ang pag titig sa akin?! Hindi ko na nga maramdaman ang lamig ng aircon dito!!!








"Ms. Chantaely, the council and other concerned students would like to talk to you.."








Bumuka na ang aking bibig para mag rally nang tinitigan na naman ako ni Nathaniel at nag salita muli, "..in a rightful manner. Maaari ka bang sumama sa SSC office?" Hawak-hawak na ako ni Matthew, to my surprise. "Sasabayan ko na si Chan, Mr. President. And will you stop that glare, Mr. VP?" At hinila na niya ako palabas.








"Hey! My arm!" Singhal ko sa kanya nang makalayo na kami sa library.


"P*ta talaga ang gagong 'yun. Sabi nang huwag kang pupuntahan at ikaw na ang papuntahin sa office." He murmured. Lumuwang ang pag hawak niya sa akin.


"Ano bang pinagsasabi mo?!"








Huminto siya at hinarap ako sa kanya. He leaned closer to me. Napalunok naman ako. "Did they hurt you?" Ang pagka-ilang ko ay napalitan ng pagtataka. "Huh? Sino? Bakit? Ano bang – " He pulled me inches to his chest. "Alam kong pinag-uusapan ka ng iba, Chan. Nang dahil sa nangyari kagabi." He let out a sigh.








My mind became a doodle note. Nagsi-rambolan ang mga bagay-bagay sa aking isipan. Tama bang nag-aalala si Matthew? Si Matthew Devin? Hello? Nasa Earth pa ba ako? At yakap-yakap niya ako ngayon! Lumayo ako kaagad sa kanya na parang nagka 3rd degree burn ako.





"Wala na kayo 'dun kung pinag-uusapan man ako"


He reached for my hand, "Chan—"


"Honestly, I don't really get it. You were the one who started the scene but the accusations were thrown at me. Kapag gangster, walang kasalanan? Hanep naman!"








Tinabig ko ang kamay niya at walang-lingon na iniwan siya. Those words I've said were for the students listening to us. 'Yung iba ay napayuko nang dumaan ako, 'yung iba naman ay pinili paring pag chismisan ako. Akala siguro nila na sisikat sila sa ganyang talento – ang manira ng tao. Lumiko ako sa kanan nang nakarating na ako sa main lobby. Ano pa ba kasi ang gusto nilang linawin sa nangyari kagabi? At anong sumanib sa mga itim nilang kaluluwa at na tripang mag sorry sa akin? Ano bang meron sa araw na 'to?!








Note by The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon