CHAPTER 9
A/N: Hallo! Hope you are all well in these trying times. :) aside from having work from home and language class, gustong-gusto ko na mag update! And kinailangan ko pang mag re-read from previous chaps para mabuo itong new chapter! With that, tinanggalan ko na rin ng portrayers yung story. Kayo na bahala mag imagine kung sino man ang ma imagine niyo hahahaha. Happy reading!
XX
"Please pass your permit slips before we start the exam," bati ni Atty. Chu sa amin pagka pasok niya ng classroom. Walang bahid na ngiti pero sanay na kami.
Mid-Terms namin ngayon and we're taking Law 2 for the first half of the day and then Business Tax in the afternoon. O, Espiritu ng 'Stock Knowledge' sapian mo ako!!! Pero ang tanong, may na stock nga ba?? Pucha.
I opened the exam book and tried to answer calmly. Nag study naman ako kahit papaano. Hindi lang ako confident if sapat na 'yun para masali sa Top 10 highest scores for the whole 3rd year. Ilang sem ko na tinatry pero hindi talaga. Palaging kulang ng 1 point. Hay nako.
ESSAY!? Wala sa sarili kong tanong.
Narinig kong tumikhim si Atty. Chu at 'yung mga ka-klase ko naman ay bahadyang tumawa. Huh? May sinabi pa si Atty. na hindi ko narinig?
"Do we have a problem with essay, Ms. Laurel?"
Nasapo ko ang noo ko nang ma realize kong I said that out loud. Nag peace sign nalang ako kay Atty. at yumuko na sa exam book ko.
Naman, Chantaely! Nakakahiya!
Lumabas na agad ako ng room pagkatapos ng exam. Halos sabay lang din kaming lahat natapos kaya medyo nagsikipan pa sa may door.
Naiilang na nasa likod ko si Nathaniel at naririnig kong tinanong siya ng isa naming ka klase na si Mark 'yung answer niya sa Question 2. Bahadya akong umatras para mas lalong makinig sa kanila."Diba nga, si X yung nag bigay ng note payable to Y. Tapos inendorse ni Y kay A. Eto naman si C, nakuha niya yung note fraudulently tapos inendorse kay D kasi na forged niya yung signature ni A. Then inendorse na naman ni D kay J."
"Yes. What is your question, then?" Tanong ni Nathaniel.
"Pwedeng ma enforce ni J yung note against kay A?"
"Nope. Nang dahil sa Section 23."
"Ha?! Bakit naman?" Nase-stress na tanong ni Mark.
Pansin kong nakalabas narin kami sa door. Patuloy lang parin akong nakikinig sa kanila ng malapitan. Medyo tumikhim pa si Nathaniel pero hindi ko na pinansin at hinintay yung sagot niya.
"Kasi nga A's signature is forged. It is now wholly inoperative. So J then acquired no right to retain, discharge, or enforce payment of, the note under the forged signature of A. But he may go against D since his signature is genuine which makes it operative. He is a general indorser who warranted J that the note was valid and subsisting. Mapupunta na naman tayo sa Section 65 and 66."Napasamo naman ako sa noo. Kulang ako ng explanation!! Parang nag yes and no lang ako sa essay, eh. Napakamot naman ng ulo si Mark. "Ugh! Warranty of negotiation and Liability of general indorser!"
Natahaniel chuckled. "Yes, yes. Dapat talaga basahin din yung ibang Sections, bro."
"Thanks, bro! Top 1 ka na naman sa Law niyan. Una nako, ha!" Nag fist bump pa silang dalawa. Napatingin ako kay Nathaniel. Nakangiti parin siya. Iniisip ko kung paano niya nare-retain lahat ng yun sa utak niya. Masyado naman atang favorite ni Lord, ano po?
Napatulala ako ng humarap siya sa akin. "So, Ms. Laurel, do you also have a question for me?" His lips rose in an amused smile. Inirapan ko lang siya at umayas ng tayo. Iniwan siyang hindi sinagot. Ha! How many times should I embarrass myself?!
Narinig ko lang yung tawa niya at nagmamadali nang mag lakad. Hindi ko alam kung saan ako magtatambay ngayon. Library or canteen? Tiningnan ko ang relo ko, meron pa akong 3 hours break before ang next exam. Lumabas nalang ako at bumili ng kwek-kwek.
"Hey, bitch!" bati sa akin ni Clara. Iba 'yung suot ng Tourism students today. Meron ata silang practicum today. She looks like a flight attendant on that and she's stunning. Way to go, my friend!
Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Nagkwe-kwek2 ka?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Note by The Gangster
Genel Kurgu[ONGOING-Slow Update] Chantaely Laurel. The name you hoped you have not known and the person you wished you have never met. That's a reminder for anyone who gets on her way. But little did the world know, with all the tough face and hard attitude, s...