CHAPTER 2

88 4 0
                                    

CHAPTER 2

XX

Wala akong alarm clock pero meron akong nanay. I couldn't see their difference at all. I groggily made my way to the bathroom and tried to summon my strength. Kaya kong makipaglaban kahit kanino except sa antok. Dagdagan pa ng body pains ko ngayon. Sa sitwasyon pa lang, talo na ako. Matagal akong natapos maligo ngayon and still took my time in wearing my uniform: an above-the-knee dark blue skirt and long-sleeves. May name plate din kami which serves as our ID. The worse thing about the uniform? I can't fight with it. Kaya nga sa Wednesdays ako umaatake kasi Wash Day namin. I could wear my badass pants and a loose shirt just like yesterday.

Looking in the mirror, pansin kong hindi na dumudugo ang labi ko pero nag-iwan ito ng maliit na sugat. I felt my face turned red nang maalala ko na naman 'yung sinabi ni Professor Echivarry. It was such a humiliation! Buti nalang rin talagang pinauwi ako. Speaking of, hinatid talaga ako ni Kelly kahapon. It was so kind of him though he didn't talk to me during the walk. Or maybe napilitan lang siyang samahan ako tulad sa akin na napilitang sumama sa kanya. Pero ano bang paki ko? Palagi naman akong naglalakad pauwi or papunta ng school na walang kausap. Always alone. And this day wasn't an exception.

Nakikita ko na ngayon ang school namin. Kung titingnan sa labas, masasabi mong desente at may pagpapahalaga sa moral ang mga estudyante rito. Don't judge a book by its cover, ika nga. Apat ang building nito, standing with pride and in proud.

"Hi, Miss!"

"Wow, legs!"

"Wit-wew!"

Tiningnan ko ng masama ang mga jeje-tambay. Oo nga pala, hindi makokompleto ang journey to the school ko without seeing these monkeys.

"Masungit si Miss, ah!"

"May dalaw ata, brad!"

"O baka naman walang dumadalaw kaya ganyan!"

Nagtawanan silang lahat at sayang naman, I didn't find it funny. Great. Mas lalong gumaganda ang araw ko. Thanks to these drunkards. Umagang-umaga, mga alak ang inaatupag.

"Oo nga. Sa nakakatakot niyang itsura, sinong magkakamali?"

My fists were like ball ready to fire when I heard their hideous laughter again. Lumakad na ako papalapit sa kanila. I just can't let these hideous faces ruin my already-ruined mood. Hindi sila ang nagising sa mala-ambulansyang boses ni Mommy! Hindi sila ang muntik na mabugbog kahapon! Pero mukhang gusto nilang maranasan ang init ng impyerno!

"Sira ulo kang moko—" Tumigil sa ere ang kamao ko sabay sa pagtigil ng tawa ng mga jeje-tambay.

"Pasensya na mga bossing pero uuna na kami ng girlfriend ko." Wika ng humawak sa kamay ko.

Then I found myself running. Narinig ko ulit ang tawanan ng mga unggoy at ang pag cheers ng kani-kanilang baso. Gusto ko tuloy bumalik at i-untog ang mga ulo nila kung hindi dahil sa epal na—

"Tae naman oh, ba't ba hindi mo ako hinihintay sa inyo? Palagi nalang—"

Huminto ako sa pag takbo at hinarap si Masen. Ilang beses na bang nangyari ang ganito? Napailing ako. Almost everyday. Instead of saying thank you, sinuntok ko siya sa balikat. "Aray! Para saan naman 'yun?"

"Epal ka talaga! Hindi mo ako girlfriend!" Singhal ko kay Masen.

"Talagang hindi! Hinding-hindi ako magkakamali!" He shouted back habang hinihimas-himas niya ang sinuntok kong braso. I glared at him. So kanina pa pala niya narinig ang pambabastos sa akin. "Whatever."

Nauna na akong lumakad at hindi na inimik si Masen. Talk about always alone. Muntik ko nang makalimutan na sumusulpot lang siya bigla. Hindi narin ako nag taka nang hindi na siya nangulit pa. Kilalang-kilala na niya ako. He's my bestfriend after all. Masen Ozera is my other half... sort of. Dumiretso ako ng canteen. Naamoy ko ka agad ang bango ng fried chicken which made me remember I haven't taken my breakfast yet. I skipped some steps as I walked happily towards the counter. Buti kaunti pa lang ang mga students. I won't be stressing myself to follow a line.

Note by The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon