Wooseok's POV
"Wooseok!"
Napalingon ako sa tumawag sakin.
"Hi Seungyoun" kinawayan ko sya bago buksan ang pinto ng suite ko.
"Nagkita ulit tayo" -Seungyoun
"Oo nga eh. Ano yan?" tanong ko habang nakatingin sa tulak-tulak nya.
"Ah. Order nung nasa kabilang VIP room" -Seungyoun
"Hm.. luto mo?" -me
"Ha? Hindi ah! Diningding at pakbet lang alam kong lutuin" -Seungyoun
"Really? I think kailangan ko matikman yan one of these days" -me
"Oo ba! Ipagluluto kita" kumindat pa sya.
"Sige na at baka pagalitan ka pa ng guest. Doorbell ka dito bago bumaba ah? Dito ka na mag-lunch" -me
"Nako mukhang mamimihasa ako sa luto mo nyan ah?" -Seungyoun
"I-enjoy mo na hangga't nandito pa ako" -me
His smile turned sad.
"Sige hatid ko na to dun. Magd-doorbell na lang ako pag okay na" -Seungyoun
"Sige" pumasok na ako sa suite ko.
Meeting a nice person in this nice place, sana di na matapos tong bakasyon ko.
Naghain na ako para makakain na agad kami pagdating nya.
"Shit" I cursed nang maramdaman kong sumisikip na naman yung dibdib ko.
Eto na naman sya. Kingina naman!
Naglakad ako papunta sa may kama at hinalughog ang laman ng bag ko until I found my inhaler.
Ubos na pala?
Tangina wrong timing naman eh!
I heard the sound of doorbell.
Si Seungyoun! Baka sakaling matulungan nya ako.
Sinubukan ko maglakad ulit papunta naman na sa may pinto.
Unti-unti na ring namamanhid ang katawan ko dahil sa kawalan ng oxygen.
I opened the door and found him.
"S-Seungyoun! Di ako m-makahinga" -me
His eyes widened at napakapit ako sa kanya.
I can't move any of my body.
"Wooseok! Breathe in, breathe out. Try to calm yourself. Wag ka mag-panic" -Seungyoun
"S-Seungyoun...i-inhaler" -me
Binuhat nya ako papunta sa kama at hiniga ako.
Dinampot nya yung inhaler ko.
"Wala na tong laman ah?" -Seungyoun
"S-Seungyoun" -me
"Wait.. ic-CPR na lang kita" -Seungyoun
"H-Ha?" napakunot ako ng noo sa narinig ko.
Seryoso ba sya?
"Wala na tayong ibang choice. Matatagalan pa pag bumaba ako para lang bumili ng ganito" -Seungyoun
He looked at me as if he's asking for permission.
I slightly nod. Gusto ko pang mabuhay.
He positioned himself at lumapit sakin.
Pinikit ko ang mga mata ko.
Wala na ba talagang ibang way?
I felt his lips touched mine at napahinga ako ng malalim.

YOU ARE READING
✓Breathless 🌬️ [Cho Seungyoun×Kim Wooseok]
Nouvelles"His precious lips saved you?" A short story of someone with a broken heart trying to be fixed by someone with a bright smile. Another X1 fanfic 😁 I hope you'll enjoy it~