SEUNGYOUN'S POV
"Hi Wooseok" bati ko sa kanya.
"Hello. Wala ka bang trabaho?" -Wooseok
Ang ganda nya talaga. Bat ganon?
"Tapos ko na. Nagpapahinga lang ako saglit bago linisin yung mga suite na wala ng guest mamaya. Ikaw? Bat ka nandito?" -me
"Watching the sunset. Ang ganda kasi eh" -Wooseok
Tinignan ko naman kung saan sya nakatingin.
"Dito ka lang nakakakita ng ganyan no?" -me
"Di naman. May Manila Bay din naman" -Wooseok
"Alin yung mas maganda? Yung dito o yung sa Manila?" -me
"Syempre yung dito!" -Wooseok
"Mali" -me
"Huh?" lumingon sya sakin habang nakakunot ng kaunti yung noo nya.
"Mas maganda ka" nginitian ko sya.
Natawa naman sya bigla.
"You're hitting on me again?" -Wooseok
Napakamot ako ng batok.
"Ang lame no?" -me
"Nah. Sakto lang. Para sa kagaya mong hindi pa nagkaka-jowa" -Wooseok
"Ay grabe sya oh? Personalan?" -me
Mas lumakas naman yung tawa nya.
I guess mas natutuwa sya pag may napipikon sa kanya.
"Joke lang hahaha don't worry, magkaka-lovelife ka din" -Wooseok
"Ikaw lang eh, ayaw mo ko seryosohin" bulong ko.
"Anu yon?" -Wooseok
"Ha? Wala! Sabi ko may pinitas akong hilaw na mangga kanina, gusto mo ba?" -me
"Sure! Anong mangga ba yan?" -Wooseok
Mukhang mahilig sya sa mangga ah?
"Kalabaw" -me
"Ah! Yung malalaki? Yung maasim? Hala gusto ko yon!" -Wooseok
Aaaah apo bat ang cute nya?
Napakapit pa sya sa braso ko.
"Mukhang mahilig ka sa maasim ah?" -me
"Oo naman! Mas masarap kaya" -Wooseok
"Sige. Dadalhan kita mamaya sa suite mo" -me
"Hihintayin ko yan ah? Dun ka na din mag-dinner para di naman sayang yung lulutuin ko" -Wooseok
Ang cute nya mag-smile! Tapos yung mata pa nya, ay awanen!
"Sige. Tatakasan ko si kuya Seungwoo at baka magalit na naman yon" -me
"Pinapagalitan ka nya?" -Wooseok
"Di naman galit talaga. Yung parang ano lang, parang sa magkapatid lang" -Seungyoun
"Wala ka bang kapatid?" -Wooseok
Umiling ako.
"Maagang nawala yung parents ko kaya di na ako nagkaroon ng kapatid. Buti na lang inampon ako ng parents ni kuya Seungwoo kaya parang meron na rin akong kapatid" -me
"Pareho pala tayo na wala ng parents. Pero yung mama ko naman, she died habang pinapanganak yung gago kong kapatid, si Yohan. Si papa naman nagkasakit kaya ayun, sa akin nya pinamana yung company nya" -Wooseok

YOU ARE READING
✓Breathless 🌬️ [Cho Seungyoun×Kim Wooseok]
Historia Corta"His precious lips saved you?" A short story of someone with a broken heart trying to be fixed by someone with a bright smile. Another X1 fanfic 😁 I hope you'll enjoy it~