SEUNGYOUN'S POV
"Wooseok!" kumaway ako sa kanya nang matanaw ko syang lumabas ng hotel.
Tumakbo naman sya palapit dito sa cottage.
"Good morning" bati nya.
"Good morning din. Kain ka na?" -me
Tumingin sya sa lamesa with an amusement on his eyes.
"Nagluto ka talaga ng diningding? Wow" -Wooseok
Umupo na sya habang pinagmamasdan yung luto ko.
"Kanin oh" -me
Nilagyan ko ng kanin yung pinggan nya at sya na naglagay ng ulam.
Sana magustuhan nyaaaa
Tinikman nya naman yon at natahimik sya sandali.
"In fairness masarap ah! Pwede ka na magka-jowa" -Wooseok
"Ano ka ba babe? Boyfriend na nga kita diba?" -me
Sinenyasan ko naman sya dahil nasa kabilang cottage lang yung ex nya kasama yung asawa nun.
"Oo nga pala. Sorry di pa rin kasi ako sanay eh. Don't worry babawi ako sayo babe. Say aah" -Wooseok
Sinubuan nya naman ako.
Hele kinikilig nemen eke~
"Masarap diba?" -Wooseok
"Mas masarap ka" -me
Bigla naman syang tumawa.
"I know right?" -Wooseok
Tinuloy na namin ang pagkain habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano.
Mukhang may sasapak sakin dito anytime ah?
"Recipe ng lola mo to no?" -Wooseok
"Yup" -me
"Sabi na eh. Buti nagaya mo" -Wooseok
"Pero mas masarap pa rin yung luto ni lola syempre" -me
"Thanks dito sa almusal" -Wooseok
"Anything for my babe" -me
"Namimihasa ka na ah! Uy wala na sila" -Wooseok
"Hahaha ayaw mo nun? Dapat kahit wala sila in character pa rin tayo. Paano kung biglang sumulpot yung mga yon?" -me
"Well you're right. Sorry if I dragged you into this" -Wooseok
"Ano ka ba? Choice ko yun" -me
Hinawakan ko yung kamay nya at pinisil yon. Sana totoo na lang to.
"Anyway, bat ka pala pinagpalit nung Jinhyuk na yon dun sa babaeng yun? Mas maganda ka pa nga dun eh" -me
"I know right? Medyo tanga lang talaga si Jinhyuk sa part na yon" -Wooseok
"SOBRANG TANGA kamo" -me
Natawa naman sya.
"Basta, it's all about business. He cheated on me because of business. And guess what? 6 years naging kami pero wala akong kaalam-alam na yung kalahati ng 6 years namin eh ginawa nya akong kabit" -Wooseok
"Ha? Wait so 3 years na silang kasal habang kayo pa?" -me
"Exactly" -Wooseok
Ang gago naman nun!
"Mas malaki kasi yung company nung pamilya ng babaeng yon kaya dun sya pinakasal ng parents nya. And the other thing is, babae sya. She can give him a child" -Wooseok

YOU ARE READING
✓Breathless 🌬️ [Cho Seungyoun×Kim Wooseok]
Cerita Pendek"His precious lips saved you?" A short story of someone with a broken heart trying to be fixed by someone with a bright smile. Another X1 fanfic 😁 I hope you'll enjoy it~