College Life

1 0 0
                                    

SWEETSELLE'S POV

College na kami ni Jake pero magkaiba kami ng campus. Di rin magkatugma ang scheds namin. Paano ba yan eh evening class siya, aftie class naman ako. Hanep rin ng schedule namin. Saktong 5:30 natatapos ang klase ko, saka pa magsisimula ang sa kanya. 1:30-5:30 kasi ang class ko habang 5:30-9:30 naman sa kanya. Expected na hindi na kami gaanong magkikita. Alam kong mahirap din para sa kanya ito pero kahit ganoon ay naging faithful ako kay Jake taliwas sa maaaring maging kakulangan namin ng oras sa isa't-isa. Minsan na kasing na'fall-out-of-love ako noon. Oo, na'fall-out-of-love ako. Hindi rin naman perpekto ang aming relasyon. Tulad din ng iba, may mga kapintasan rin. Faithful naman talaga akong tao eh, kaso may mga pangyayaring nagdulot sa akin kung bakit ko nagawa ang mga bagay na 'yon sa kanya. Isang dating playboy si Jake ngunit naniniwala ako na nagbago na siya ngayon. May mga panahon na bumabalik ang sakit na dulot ng kanyang mga nagawa ngunit kahit papano, natuto akong magpatawad ng buong-buo. Ganyan kasi talaga kung mahal mo yung tao eh. Pero di ko na maibabalik ang dalawang beses na nasaktan ko rin siya nang sobra-sobra. Una ay kay Phillip at ang pangalawa ay kay Max. At ang nakakatawa pa niyan ay magkatulad kami ng campus na tinutuluyan ni Max. Pero ngayong nasa kolehiyo na kami ni Jake ay ipinangako ko sa sarili ko na magiging faithful talaga ako kay Jake. Mayroong mga gustong manligaw sa akin ngunit ni isa ay wala akong pinagtuunan ng pansin. Mahal na mahal ko si Jake at gusto kong mapanatili ang pagiging faithful ko sa kanya. Malaking adjustment para sa aming dalawa ang pagkakaroon ng magkaibang campus. Naging mahirap sa simula dahil hindi na gaano kaming nagkikita. Nasanay kasi ako na lagi siyang kasabay pauwi. Mabuti nalang panay ang texts at tawagan araw-araw. Napagkasunduan naming magkaroon ng Fridates at Saturdates para naman magkaroon kami ng panahon sa isa't-isa. At isa sa mga pinakamasaya naming date ay nung . . .



_____________________________________________________________________________
FLASHBACK
_____________________________________________________________________________
Habang naglalakad palabas ng campus sila James at Sweetselle.

James: Uuwi ka na?
Sweetselle: Hindi pa. (nakangiting sabi nito)
James: Saan ka pa pupunta?
Sweetselle: Saturday ngayon. Magkikita kami ni Jake. Alam mo na --- "date-date".  HAHAHA.
James: Ahh. Okay. Hindi muna siguro ako uuwi.
Sweetselle: Bakit? Saan ka pa ba pupunta?
James: Sa bahay ni Pastor. Magpa-practice kami ng drums kasama ang mga churchmates ko.
Sweetselle: Okay. Oh. Ayan na pala si Jake. (sabay ngiti ng malaki sa sobrang galak na makita ito)
James: Sige Sweetselle, mauna na ako. Bye! Ingat. 
Sweetselle: Ingat ka rin. Bye! Lord bless. ^_^v



JAMES' POV


Di ko akalaing magiging magkaklase kami ni Sweetselle. Siya lang ang kakilala ko sa unang araw ng klase. Naging matalik ko siyang kaibigan paglipas ng mga araw na lagi kaming magkasama. Para bang "Buddy" ko na siya. Lagi ko siyang kasama hanggang sa pag-uwi dahil magkalapit lang din naman ang aming bahay. Madalas kaming inaasar sa room dahil napagkakamalan kaming mag-nobyo, kahit hindi naman talaga. Sa totoo lang, gusto ko siya. Sa ikli ng panahon na nagkasama kami ay nahulog ang loob ko sa kanya, kahit alam kong mayroon ng "Jake" sa buhay niya. Ang masakit pa doon ay inaasar niya ako sa dati kong ka-MU. Walang ka'malay-malay si Sweetselle na siya na pala ang loob ng puso ko.  Gusto kong sabihin sa kanya ngunit pinili kong huwag na dahil alam ko namang wala rin akong mapapala. Mahal na mahal niya si Jake at hindi ko mapapantayan iyon. 






Naghihintay sa labas ng campus si Jake nang nakita niyang paparating si Sweetselle. Napangiti ito habang tinititigan si Sweetselle.

Sweetselle: 
Kanina ka pa?
Jake: Hindi naman. Hali ka na. Pupunta tayo sa Catalina Garden. Saturdate?
Sweetselle: Saturdate. (sabay ngiti na parang ganito ^___^ HAHA. Kulit ng author noh?)

i love you in a silent wayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon