SWEETSELLE'S POV
Nagtetext, tawag, chat muli kami. Ngunit hindi na gaya ng dati. Napakalayo sa dati. Pero kahit ganon ay masaya na ako. Hindi man ako sigurado sa kahihinatnan nito ay sinusulit ko nalang ang bawat minutong nariyan pa siya. Tila ba sinusulit ang panahong makasama ang isang taong may taning na ang buhay. Taong walang kasiguruhan kung magtatagal pa ba o hindi.
Bawat gabi ay napakadami kong iniisip. Mga posibleng mangyari. Halos lahat negatibo. Ngunit paminsan ay nakakaisip rin ako ng mga positibo. Pero bumabalik parin ako sa katotohanan na "imposible nang mangyari yan kasi may gusto na siyang iba Sweet. Dapat lagi mong itatak sa isipan mo yan." May mga panahon ding kumakapit parin ako sa mga salitang "May pag-asa pa yan". Patuloy na umaasa kahit napakalabo na ng future. Habang nagmumuni-muni ako gabi-gabi ay tine-text ko siya sa lahat na gusto kong sabihin.
Wala pa naman talaga siyang sinasabi kung mahal na niya si Aillen. Hindi ko nga siya maintindihan kung bakit di nalang niya sabihin ng diretso upang maging klaro na ang lahat. Gusto ko makakuha ng isang klarong sagot. Sagot na tanging magpapatigil sa kasalukuyang ginagawa ko para sa kanya. Pati rin kasi siya walang klarong nararamdaman. Ang gulo din. -______-
Kung noon ay siya lang ang nage-effort, ngayon ay sunusubukan ko namang mag-effort para sa kanya. Nag-ipon ko sa loob ng isang linggo. Sinakripisyo ko muna ang gastusin ko sa miryenda upang maka-ipon. Konti lang din naman ang naipon ko kasi di naman malaki ang baon ko.
Friday na. Last day ng final exam namin. Dalawang subject lang ang exam bawat araw ---- Economics at English ang nakalaan para sa araw na ito. 2 hours bawat subject. Mabuti nalang exempted ako sa final exam sa English. May 2 oras akong vacant. Agad na pumunta ako sa convenience kung saan kami bumili noon ng nacho pizza at calamansi soda (mentioned in chapter "Hey Past!") :') . Kumuha ako ng malaking Piattos na green, dalawang gatorade at isang tower yema. Tapos pumunta ako sa campus nila. Alam niya naman na may ibibigay ako. Maliit na bagay lang din naman ito kumpara sa lahat ng binibigay niya sa akin noon. Naglalakad palang ako papunta malapit sa gate ng campus nila ay naghihintay na siya. Excited talaga basta kainan na tong baboy na ito. :D HAHAHA. Nag usap lamang kami sandali saka ibinigay ko ang piattos at isang gatorade. Siyempre saakin yung isa pang gatorade at yung tower yema. Treat ko na rin sarili ko. Hayahay siya, siya lang akong palitan. :D HAHAHA.
Jake: Nag practice gud mi. Ninggawas lang ko kadali.
Sweetselle: Sulod na balik didto oy. (Author's Note: Basta kaon jud ba, abtik kaayo bataa. HAHAHA. XD)
Jake: Sige lang, nananghid man ko.
Sweetselle: Ambi sa gud ang gatorade nimo.
May nakalimutan akong ilagay bago ko binigay sa kanya ito. Isang sticky note na may nakasulat na favorite line ko sa favorite song niya lately - Thinking Out Loud by Ed Sheeran.
"Well, me --- I fall in love with you every single day. And I just wanna tell you I am."
Sweetselle: Ayaw sa basaha. Btw, wala kay iingon sa akua?
Nag-eexpect ako ng decision niya. Kahit ano paman ang magiging decision niya, handa na rin akong tanggapin.
Jake: Ayy, oo. Basig paiskwelahon ko sa Visayas.
Sweetselle: Ngano?
Jake: Ambot ni mama. Di na siguro niya kaya.
Sweetselle: Kinsay naa didto?
Jake: Ante nako.
Sweetselle: Ahh, okay. What I mean is, wala pa ka naka-decide? Murag kailangan na nako ug decision noh.
BINABASA MO ANG
i love you in a silent way
Romancepara sa mga minamahal parin ang ex nila... ^_^ please vote and commnet po.. :) > Mr.J<