May mga tao sa buhay natin, na kahit napaka importante nila sa atin, lalakad ito papalabas sa buhay natin.
Maraming katanungan ang nasa loon ng aking isipan.
Ano kaya ang naaalala mo kapag ako ang pinag uusapan? Yung mabubuti ko bang nagawa? o yung masasama at masasakit na bagay na idulot ko sa buhay mo? may mabuti ba akong nagawa sa iyo? talaga bang nakalimutan mo na kung ano tayo dati? talagang bang wala na? kung oo, kailan pa? kailan pa nahulog ang loob mo sa iba? bakit di mo man lang ako sinabihan? naging seryoso ka nga ba? hindi nga ba ako sapat? napasaya ba kita? minahal mo nga ba ako? Sapat na ba ang layo ko sa iyo? Sapat na ba ito para makalimot ako?
napakaraming katanungan. mga katanungang tila wala ng pag-asang masasagot pa.
Kaya ayaw kong magsabi ng rason kung bat kita mahal, kase ayaw ko rin magkaroon ng rason kung bat kita iiwan. Pero minahal ko talaga siya. higit pa sa inaakala ko. Yung minahal mo yung buong pagkatao niya. Yung ugali niya. Yung angking talino niya. Yung tawa niya. Yung masisiglang mga mata niya. Yung boses niya. Yung buhok niya. Yung kamay na lagi mong gustong hawakan. Yung matatamis na ngiti niya. Yung rumaragasang mga luha niya. Yung pagiging weak niya sa emotions. Yung pagka isip-bata niya paminsan-minsan. Yung buong siya. Yung lahat ng nakaraan niya. All the little things about him. Kahit yung mga kapatid niya minahal mo na bilang sariling kapatid. kahit yung relatives at parents niya. pati na rin ang passion niya sa paglalaro ng arnis. lahat lahat. LAHAT. lahat ng bagay na related sa kanya. tinanggap ko lahat yon ng buong buo. ngunit nakayanan niya paring magalit sa akin. ang sakit lang dre. ang sakit sakit, na 'yong taong mahal mo at mahal na mahal ka dati ay galit na galit na sa iyo. yung tipong nagagalit siya sa iyo kahit hindi niya alam kung ano ang katotohan. kung ano ang totoong mga nangyayari sa likod ng mga bagay na nakikita at naririnig niya. yung taong pinupuri ka noon ay siya na mismong nanghuhusga ng pagkatao mo ngayon. yung taong ipinagmamalaki ka noon ay siya mismong sumasang-ayon sa pagmamaliit sa iyo ng mga kaibigan niya. sa hinaba-haba ng aming pagsasama, ganyan nga lang ba talaga ang tingin niya sa akin? yung pakiramdam ko na ang buong pagkatao ko ay tinapak-tapakan ng mismong taong minahal ko ng buong-buo. ang sakit. sobrang sakit. gusto kong ipaglaban ang sarili ko. gusto kong linisin ang pangalan ko. gusto kong ipagsigawan kung ano talaga ang totoo. gusto kong ipamukha sa kanya at pati na rin sa kanyang kaibigan na mali ang iniisip nila. ngunit pinili kong manahimik at lunukin ang lahat ng sakit. mahina ako. at hindi niya alam yon. yung tipong, oo, tumatawa ako at masaya ako lalo na pagkasama ko ang mga kaibigan ko. ngunit kahit na sa mga panahong tumatawa ako ng malakas ay ramdam na ramdam ko literally ang hapdi ng tila isang karayom na nakatusok sa mahinang puso ko. karayom na napakaliit ngunit napakasakit dahil sa pagkalalim-lalim na pagkakadiin nito na naging isang napakalalim na sugat na dulot sa puso ko. Sinubukan kong hanapin ang mas makapagpapasakit pa sa akin upang masubukan ko kung maaari ba itong maging solusyon upang masanay sa sakit na dinaranas ko hanggat sa mawala ito. Umabot na rin sa puntong nakapagdasal ka sa Panginoon na kung maaari ay kunin ka na upang mawaksi ang sakit na nararamdaman ng iyong kalooban. Kung saka-sakaliy hindi kasalanan ang pagpapakamatay ay siguro'y matagal ko ng nagawa. Ganito pala. Ganito pala ang masaktan.
Ngunit taliwas sa lahat lahat ng sakit na naidulot nito sa buong pagkatao ko ay hindi ko maalinag kung bakit hindi parin nagbabago. Hindi parin nagbabago ni konting kusing ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal na mahal na mahal ko parin pala siya. Hindi ko maintindihan. Tanga ba ako? o sadyang totoo lang ako magmahal? at kahit na ganoon ang dulot nito sa akin, patuloy ko paring ipinagdarasal ang kanyang kaayusan, kasiyahan at lahat ng bagay na magdudulot ng mabuti sa buhay niya. Gusto kong maging masaya siya kahit na hindi na ako parte ng kasiyahang natatamasa niya.
BINABASA MO ANG
i love you in a silent way
Romancepara sa mga minamahal parin ang ex nila... ^_^ please vote and commnet po.. :) > Mr.J<