Chapter 6

17 1 0
                                    


(Author- "Dont stress own you")

-------

Andito lang ako sa kwarto ko at nagmumukmuk, kinakain na naman ako ng kalungkutan. Bukas pa sa umaga dadating ang sasakyan ko dahil pinaayos ko muna. Wala naman akong financial issue sa pagpapaayos pero nakakainis lang isipin kung paano niya ako paglaruan.

Tumayo na muna ako at nag hanap ng maaring suotin dahil pupunta ako sa bar kung saan pinuntahan ko nuong nakaraang araw. Kailangan ko munang mag libang at kung suswertehen baka makita ko yung demonyung lalaking iyon at makaganti. Hahahah ang sarap niyang patayin, yan lang yung tumatakbo sa utak ko ngayon.

Nag taxi na lang muna ako, wala rin naman akong extra na sasakyan sa bahay dahil yung iba nasa U.S pa at hindi ko pa naililipat dito sa pinas.

Ng makarating na ako sa bar, agad akong sinalubong ng malalakas na ingay at amoy ng alak sa pagpasok ko. Tanaw na tanaw ko yung mga taong nagsasayawan sa kalasingan. Napangiwi na lang ako sa mga babaing chinachansingan na. Tumungo na lang ako sa counter at umupo sa stall.

"One shots of Tequila Rose."-Sabi ko sa bartender. Agad naman siyang sumunod at ginawa ang order ko. Ng pagkabigay niya agad ko na itong ininom lahat, kainis din naman kasi eh gustong magwala ng buo kung katawan sa lahat ng nangyari ngayong araw. Kung anong ka malasan yung buong buhay ko.

"Shit."-Mabilis kung sabi dahil sa mapait nitong lasa. "Another."-Sabi ko ulit sa bartender at patuloy lang sa paginom.

Nakakasampo na ako ng baso, at masakit na masyado ang ulo ko sa mga alak na nainom ko, lumalabo narin yung mga paningin ko. Habang tumatagal ako sa loob naiirita na ako sa sigawan at tugtug ng bar. Iniisip ko kung paano ako makakauwi sa kalagayan kung ito. Bumabalik lahat ng mga alaala ko noon, ang sakit lang isipin kung paano ako nagkaganito ng dahil sa kanila. Halos maiyak na ako sa lahat ng problemang dumating sa buhay ko noon paman, ano ba kasing dapat kung gawin? ano pang kulang? bakit ni minsan hindi nila ako matanggap.

Pinilit kung tumayo at minabuting maglakad ng normal kahit nakakahilo na sa paningin. Alam ko sa sarili ko na hindi na masyadong tuwid ang mga lakad ko. Ng palabas na ako agad akong may nabungo dahilan para matumba ako. hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil kasulukuyan ko lamang tinitignan ang sahig. Tinulungan agad akong makatayo ng mga kasamahan niya. Sa pagkatayo ko, doon ko lang nakita ang mukha niya na nagbigay ng galit sa mga mata ko. Tinignan ko lang siya ng masama. Nakakainis. Bakit ngayon ko pa siya nakita kung saan may tama na ako ng alak.

Nahagip ng mga mata ko ang pagngisi niyang mapang-asar. Nangilabot ako ng hawakan niya ang bewang ko at ilapit ang mukha niya, konting galaw ko lang mahahalikan niya na ako. Naaamoy ko yung pabango niya na parang candy, sobrang bango niya pala nakakaadik pero wala eh inis parin yung nararamdaman ko sa kanya.

"Do you like it?"-Bulong ni Drexxell sa mga tenga ko. Halos matawa ako sa kiliti na nararamdaman ko sa leeg ko noong sinabi niya iyon. Pero tiniis ko muna ang kiliti ko dahil sasabayan ko siya sa trip niya. Makikita niya kung paano ako maghihiganti.

"Its pay back time."-Bulong ko sa kanya habang hindi pa niya inilalayo ang bibig niya sa may leeg ko. Ako na mismo ang lumayo at tumingin sa mga mata niyang nagtataka sa ngiti kung mapang-asar.

*Urph* *Urph*

"Shit! Shit! Shit!"-Inis niya sabi. "Bullshit!"-Sigaw niya sakin. Natawa na lang ako sa reaction niya. Kita ko sa mga mata niya na masusuntok niya na ako. Tumalikod na ako at binilisan ang lakad palayo sa kanya.

Tama lang din naman na ginawa ko yun, ganti ko narin sa kanya. Nakakatawa lang na sinuka ko lahat ng nasa sikmura ko sa dibdib niya, kanina pa kasi ako naduduwal pero dahil sa inis ko sa kanya edi doon ko na isinuka lahat, hahahahha.

Nang nasa labas na ako nahagip ng mga mata ko yung sasakyan niya. Ngumiti agad ako ng malademonyo dahil sa naiisip ko, alam kung sa kanya iyon dahil dito siya gumawa ng live porn noong nakaraang araw.

Namulot ako ng mga bato at pinagbabato ang sasakyan niya, ginawa kung libangan ang pagbato nito, ginas gasan ko narin para complete package, gusto pala niya ng gulo? hhaahha pwes ibibigay ko.

-------

Tumalon ako sa kama ko ng nakauwi na ako, hindi ko mapaliwanag ang saya sa mga nagawa ko sa kanya, at sa wakas nakaganti rin ako.

"Im not yet done Drexxell nor over."-Sabi ng isip ko. Hindi ko maiwas ngumiti dala ng saya na nararamdaman ko. Hindi isang hamak na Drexxell ang makakatalo sakin. Kahit kailan.

Naramdaman ko yung lakas ng ulan sa ilabas. Buti nga sa kanya pag nagkataong hindi pa siya makakauwi, sigurado akoang magmumukha siyang basang sisiw hahhaahhaha.

Napapikit na lang ako sa pagod ngayong araw at nakatulog.

-------

Usual na umaga, ako na naman mag isa, matapos kung magluto at kumain, nag aayos na ako ng aking sarili para pumasok. Nasa labas narin yung sasakyan ko at tapos narin maiayos. Tumingin ako sa salamin at pinagmamasdan ang perpektong hubog ng katawan ko at magandang mukha. Walang pagbabago sa aking alindog, sa kasexyhan na taglay ko.

Tinahak ko na agad ang daan patungong paaralan at kasalukuyan akong nagmamaneho sa bagong ayos kung sasakyan. Pag ito ginalaw ulit ni Drexxell wala na akong sasantuhin pa.

Nag park na ako sa parking lot ng school at naglakad na papasok. Nakita kong naghihintay ang mga kaibigan ko sa may pinto. Sinalubong nila ako ng pag alala.

"I've heard what happened."-Pag aalala ni Maximah

"You okay?"-Tanong ni Azolae

"You know me."-Cold na sabi ko at naglakad papunta sa klase ko, nakasunod lamang silang tatlo sa likod.

Tahimik lang kaming naglalakad sa coridor ng biglang may humablot sa akin

"Sha---"-Sigaw ng mga kaibigan ko na hindi ko na masyadong narinig dahil dinala ako sa cr ng mga lalaki? wa-wait..ano to? cr ng panlalaki?? seriously? gagahasain ba ako? No no it can't be. Halos mapasigaw ako sa sakit ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.

Tinulak niya ako sa may cubicle at padabog na sinara ang pintuan ng cr at nilock, Tinignan ko ng pagkairita si Drexxell sa mga pinaggagawa niya sakin.

"So the subject of your game is this? dreaming of having me?."-Pang-iinis kung sabi sa kanya at tumayo na maayos at hinarap siya ng buong tapang.

Napaatras ako ng lakad ng naglakad siya papunta sakin. Halos mangilabot ako sa titig niya sakin. Na corner niya ako ng wala na akong maaatrasan. Hinawakan niya bigla ang dalawa kung braso, ramdam ko ang galit niya dahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin.

"Get. Lost!"-Seryuso niyang sabi sa akin habang hawak hawak parin niya ang braso ko. Walang ka emo-emosyon ang mga mata niya. Kundi galit lamang, dahil nadin sa ginawa ko kagabie sa kanya. Kasalanan din niya naman kaya ako gumanti. Tsk.

"If I wont? You kill me?"-Sarkastiko kung sabi sa kanya upang matago ang ang takot na nararamdaman ko. Tinitiis ko na lamang ang sakit sa pagkakahawak niya.

"You will regret this."-He smirk as he said those words. Ano ba kasing plano niya? Nakakainis na siya. Lagi niya na lang ginugulo araw ko.

"You play dirty? I play blood."-Matigas kung sabi at lakas loob kung tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa akin at tumalikod upang lumabas.

"It is not clean as you think."-Drexxell said. Huminto ako sa paglalakad at bumuntong hininga.

"Let see."-Sabi ko habang hindi humaharap sa kanya at umalis ng tuluyan at iniwan siyang nakatayo roon.

Ano ba kasing problema niya? Bakit niya ba ginugulo ang buhay ko. Sa dami-daming babae ako pa talaga ang napili niyang paglaruan. Halos lahat na lang ng araw ko nasisira niya.

-------

AUTHOR'S NOTE:
Yan lang muna sa ngayon, kailangan ko pa kasing mag review dahil midterm na namin bukas hehehe. Maraming salamat sa walang sawang sumusupoorta at nagbabasa ng story ko, Hope you like it, dont forget to Comment and Like. Thank you

Still YouWhere stories live. Discover now