Chapter 9

23 1 1
                                    

Bumaba na ako sa private chopper na sinakyan namin, sa pagkakaalam ko kina Drexxell ito. Its already 6 in the morning ng makarating na kami sa Isla Punta Verde dito sa Palawan. Agad kung inilibot ang tingin sa isla na ito. Sobra nitong ganda, wala din masyadong tao dahil hindi summer session, mga foreigners halos ang nakikita kung tao. Hindi kalakihan ang isla pero sobra nitong ganda. Yung white sand nila dito kasing ganda sa boracay. Hindi ko talaga mapagkakaila na gustong-gusto ko rito.

"Welcome to Punta Verde Sir. Wilkinson."-Bati sa kanya ng isang tourist guide. "This way po tayo sir to front office."-Lahad niya sa kamay niya na tinutukoy ang entrance ng hotel nila.

"Hello Ma'am and Sir, Good morning."-Bati sa amin ng babaing nasa front desk.

"Reservation of Mr. Wilkinson."-Simpleng sabi ni Drexxell.

"Alright sir. Please fill up this form."-Sabi ng babae na mukhang pinag-papantasyahan si Drexxell. Tss. Kadiri naman tung babaing to at nagkagusto pa sa lalaking hindi gentleman.

"1 VIP room with 1 queen size bed. Here's your key sir. Room no. 617. Enjoy your stay Mr. and Mrs. Wilkinson."

"Wait... 1?! Pwede bang mag request ng 2 beds?"-Agad kung sabi. Halos mabigla ako sa pinagsasabi niya. Over my dead body, hindi ako papayag na tumabi sa Drexxell na iyon. Never!

"Sorry Mrs. Wilkinson, Wala na po kasi kaming extra bed---"

"Ms. Ymson."-Pagtatama ko sa kanya at pinan-lakihan siya ng mata. Kainis naman oh. Wala akong balak pakasalan ang lalaking ito.

Tumingin ako kay Drexxell na naka poker face, inirapan ko na lang siya sa inis at nauna ng umalis.

--------

Ng makarating na kami sa kwarto agad akong napahanga sa ganda nito. Tanaw na tanaw mula rito sa bintana ang lawak ng isla. Sobrang ganda. May terrace din ito na halos mapapahanga ka sa mga tanawing makikita mo. Hindi ko maiwasang mamangha. Pumunta agad ako sa terrace at itinaas ang dalawa kung kamay upang paramdaman ang simoy at sariwang hangin nila dito.

"Woaaahhhhhh"-Sigaw ko sa kawalan habang tinatanaw ang malawak na isla. "Finally. Im Alone."-Mahina kung sabi.

"No your not."-Agad akong napatalon sa pagkagulat. Hindi ko maiwasang mairita tuwing nakikita ko ang taong ito. Ang lakas din niya kasing magsalita at malapit pa sa tenga ko muntik na akong mabingi roon. Damn him!

"Then leave!"-Inis kung sabi sa kanya.

Mas nainis ako ng binigyan niya ako ng pang-aasar na ngiti. "I won't."-Mapang-akit niyang sabi. Napa-atras ako nung dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Hindi ako pumapatol sa isang kagaya mo Drexxell. Thank you but no thanks.

"Wag na wag kang lalapit sa akin!"-Matigas kung sabi sa kanya at tinignan siya ng seryuso. Nagtigasan lang kami ng titig pero kainis lang kasi, iba parin yung titig niya sakin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Ang gwapo din naman kasi niya pero inis parin yung nararamdaman ko sa taong ito.

"As if I'd like to."-Pang-aasar niyang sabi. Umalis na lang ako sa harapan niya at pumasok na sa loob. Naupo na lang ako sa kama dahil narin sa pagod galing sa byahe. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

--------

Tanghali narin ng nagising ako. Inilibot ko ang tingin ko sa loob at mukhang ako lang mag-isa. Mabuti na lang at wala si Drexxell, walang sakit sa ulo. Ng matapos ko ang pag-aayos ng mga gamit sa closet ay napansin kung na ding hindi papala ako nakakabihis ng damit simula kahapon kaya agad akong nagtungo sa banyo at maligo.

Nagsuot na ako ng bagong undies sa loob ng banyo at tinakpan ng tuwalya ang buhok ko upang matuyo. Ako lang din naman ang tao rito sa loob kaya lumabas na ako ng bathroom ng naka-undies lang at nakatuwalya ang ulo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 07, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still YouWhere stories live. Discover now