Chapter 3

504 14 0
                                    

Vanessa’s POV

                Kakainis naman! I never realized ang rami kong karibal kay Andrew. I saw Cathy giving a something to Andrew yesterday that looked like a box of cookies. There’s no way in hell papatalo ako sa kanya. She might be this school’s queen bee but I’m everyone’s it girl. Mas gusto ako ng lahat. That’s why may  dala ako ngayon na isang box ng cupcakes. Maybe it’s time I tell Andrew how I feel. Other girls are confident towards Andrew and tell them that they like him. It’s time I did the same. Malay natin diba, kaya di pa siya nagkakagirlfriend ay dahil torpe siya at hinihintay niya lang na ako ang gumawa ng first move. I put a little note inside the box dahil plano kong ipaabot lang to kay Andrew sa kakambal niya. Di naman ganun kakapal mukha ko. Besides, after what happened last week at them mall, mapagbibigyan naman siguro ako ni André.

                It’s currently lunch break and I’m walking around school looking for André. Nasan ba kasi siya. Nakakahiya naman kung tatanungin ko mga kaibigan niya. Baka isipin nilang para sa kanya to. Where do bad boys hang out? He’s not with his friends and I’m pretty sure he doesn’t have a girlfriend. Wala siya sa rooftop ng building at malabo namang nasa chapel siya. Anyone would think he’s burn in there.

                I was heading towards the garden. Sana nandun siya. Di naman nakakalabas ng school ang mga estudyante kung wala pang alas kwatro. I scanned my eyes around the place and I saw a guy lying down the bench and I’m pretty sure it’s him. Siya lang naman ang di talaga nagsusuot ng uniform ng maayos. Even his friends were their uniforms properly, most of the time. Linapitan ko siya at mukhang tulog na tulog siya. Hinubad niya ang coat niya at tinakip sa mukha niya. The two top buttons of his shirt is undone.

                “Drei,” tawag ko habang tinusok tusok ang pisngi niya. Langhiya naman, mukhang tulog mantika pala ang isang to. “André! Hoy, gumising ka na diyan,” sabi ko.

                Di nagtagal ay nagising na talaga siya. Inalis niya ang coat sa mukha niya at bumangon. Humikab siya and I realized that right this moment, he looks completely innocent and incapable of wrong doing. The only proof of his being the school’s bad boy is the diamond stud earring in his left ear. Pero di nagtagal ang ganung tingin niya. Kinusot niya saglit ang mata niya at binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin.

                “Ginising mo ba ako para magbayad ng utang mo?” tanong niya. What? Magbayad ng utang? Seryoso pala siya dun?

                Umiling lang ako. “No. I was here to ask for a favor actually,” I answered. Pinakita ko sa kanya ang box ng cupcakes na bitbit ko. “Pwede bang pakiabot to sa kambal mo?” tanong ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay at parang wala siyang planong pagbigyan ako. “Please,” pakiusap ko. I gave him my cutest puppy dog eyes. But it still didn’t work.

               

                Tiningnan niya sandali ang kahon na dala ko. “May kamay ka diba?” tanong niya.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now