Chapter 5

602 21 1
                                    

André's POV

Nag-uusap lang sina Vince at Paul habang ako naman ay nakatingin sa labas ng bintana. Last period na at wala kaming teacher. Nanonood na lang ako habang nagpapractice game ang soccer varsity kasama ang kapatid ko. Sometimes I can't help but be amazed at how he pulls it off. Sa pagkakaalam ko, VP siya ng student council at team captain siya ng varsity. He's also the only one who tries to keep up the illusion of family.

Kahit sa labas ako nakatingin, napansin ko ang biglang paghina ng mga boses sa paligid. Ang kaninang mga tawanan ay naging mga bulungan na ngayon, pero di ko maintindihan ano pinagsasabi nila. Pati mga kaibigan ko ay natahimik.

"Drei," rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses ng babae. Nagbingibingihan na lang ako. I still remember, more or less, the way I saved her last week. "André Rodriguez!" sigaw na ni Vanessa sa buong pangalan ko. I can see from the corner of my eye that Vince and Paul are smirking at each other.  "Alam kong naririnig mo ako kaya pwede ba, humarap ka na dito!" utos niya.

I faced her and glared at her. Pero di siya natinag. Diretso niyang ibinalik sa akin ang tingin. She's probably the only girl who could stare at me straight to the eye. Others either look away or look down. Nakita ko ang box na bitbit niya at tinaasan ko na agad siya ng kilay. "Kung ipapabigay mo yan kay Drew, sa mga kaibigan niya na lang niya. Oh di kaya, ihatid mo na lang sa bahay, total naman, kilala ka na ng mga tao dun," sabi ko. Tumalikod ako agad at ibinalik ang titig ko sa labas.

"Di ito para sa kanya. This one's for you," sabi niya kahit di ko siya hinaharap. "Kasi kahit gangster ka na dapat walang pakialam sa akin, iniligtas mo pa rin ako sa mga kalaban mo," walang abog niyang patuloy. Ramdam kong nasa amin na ang buong atensyon ng mga classmates namin. "These are dark chocolate truffles so you shouldn't worry about them being sweet," paliwanag pa niya.

"Look, I'm not some character in some movie, based on a story popularized on some website. Oo, nakikipag-away ako, nakikipag basag ulo. Pero di ako gangster. Kaya wag na wag mo akong matawag na gangster," sabi ko na lang. I hate it when people refer to me as gangster. Because first of all, wala akong gang. And second, di ako nakikipag-away , napapaaway lang ako, there's a difference.

"Wait, alam mo yung SDRG at TBYD?" mangha niyang tanong. Nakakalimutan ba niyang pinagtitinginan na kami ng buong klase ngayon? Aside from being the girl who could look at me, she's also the only girl who has the guts to talk to me without trying to flirt with me or trying to act demurely and shyly.

"Oo. I mean, who doesn't? Pero di ibig sabihin nun nanood o binasa ko yun. I just heard about it." And I've been told numerous time by fangirls that I resemble the lead male characters from those movies. Like seriously, lahat na ba ng babae ngayon gustong maghanap ng sarili nilang gangster na magbabago para sa kanila? Pathetic. "Yung utang mo nga pala," paalala ko. Umirap na lang siya.

Inabot naman niya kay Vince ang box, sinenyasan ko na kasi na siya tumanggap. If there's one thing I can't resist, it's dark chocolate. I like the faint bitterness of it. She put her hands in her pocket and grabbed two hundred pesos. Si Paul naman tumanggap nun. Inilagay ni Vince ang kahon sa desk ko at inabot naman ni Paul ang pera sa akin.

Opposites AttractWhere stories live. Discover now