"If you make a DEAL, you complete an agreement or an arrangement with someone."
"Teka nga lang, Miss!" mariing wika ni Nicollo at huminto siya sa paglalakad kaya napahinto din sa paghila sa kanya ang babae. Bumalik na sa katinuan si Nicollo.
"Bakit mo ako hinalikan sa harapan ng maraming tao?" nagsusungit na tanong ni Nicollo sa babae.
Binitawan ng babae si Nicollo. Nagharapan sila Nicollo at ang babae. Nagbago ang expression ng mukha ni Nicollo. Naging inis at galit ang makikita ngayon sa mukha niya na kanina lamang ay parang tanga.
Pakiramdam ni Nicollo ay pinagsamantalahan siya ng babae. Halikan ba naman siya sa labi gayong hindi naman sila magkasintahan at lalong hindi sila magkakilala. Sinong matinong babae ang gagawin ang ganoon? Kahit na maganda ang babae sa paningin ni Nicollo, hindi pa din tama na basta-basta ay halikan siya nito.
Nakaramdam naman ng takot ang babae sa ipinapakitang expression ng mukha ngayon ni Nicollo.
'Kaloka! Nakakatakot naman siya! Tama nga ang sinasabi ng iba, may pagkasuplado at masungit ang pag-uugali ng lalaking ito,' sa isip-isip ng babae habang diretsong nakatingin sa gwapong mukha ni Nicollo.
Nagsalubong ang kilay ni Nicollo dahil sa klase ng titig na ipinupukol sa kanya ng babaeng kaharap.
"Ano? Tititigan mo lang ba ako at hindi ka magsasalita?" masungit na pagtatanong pa ni Nicollo.
Nasa parking lot sila ng mall. Dito sila dinala ng kanilang mga paa. Walang masyadong tao sa kinalulugaran nila ngayon kaya malaya silang makakapag-usap ng walang istorbo.
Nakakaramdam naman ng pag-aalangan ang babae na sumagot.
"Uhm...k-kasi... uh... kailangan kita, eh," maarte at nahihiyang wika ng babae. Yumuko pa ang ulo niya at pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay na parang bata na pinapagalitan ng kanyang ama.
Lalong kumunot ang noo ni Nicollo.
"Ano? Ako? Kailangan mo?" magkakasunod na tanong ni Nicollo. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng babae. "Teka nga lang Miss, in the first place, I don't even know you at alam ko na hindi mo din ako kilala so bakit ka sa akin manghihingi ng tulong? Bakit ako ang kailangan mo?" masungit na pagtatanong pa ni Nicollo. Ang lakas naman ng loob ng babaeng ito na manghingi nang tulong sa kanya. Pangalan nga nito hindi niya alam.
Mabilis na napatingin muli ang babae kay Nicollo with a curious expression on her face. Itinuro pa nito ang sarili.
"Me? You don't know me? The ever gorgeous Eufritz Camille Villanueva? Hindi mo ako kilala? Huh? Seryoso ka ba?" hindi makapaniwalang wika ni Eufritz with a disgusting tone in her voice. "Hindi mo ako kilala samantalang ako ang pinakasikat na babae sa eskwelahan natin? Saan ka bang kweba nanggaling at hindi mo kilala ang magandang katulad ko?" mayabang na dagdag pa niya sa sinasabi.
Hindi na nakakaramdam ng takot si Eufritz kay Nicollo. Parang biglang nawala ang nararamdaman niyang takot para sa lalaking kaharap ngayon. Pagtataka na ang makikita sa expression ng mukha ngayon ni Eufritz. Totoo naman kasi ang sinasabi ni Eufritz, sikat talaga siya sa eskwelahang pinapasukan kung saan doon din pumapasok si Nicollo kaya hindi siya makapaniwalang hindi siya nito kilala.
Napaismid si Nicollo.
"Miss, wala akong pakielam kung sino ka at kung kilala ka man ng lahat ng tao sa mundo at ako hindi. Saka sinasabi mo ba na schoolmate tayo? So ibig sabihin ako, kilala mo?"
Humalukikip si Eufritz.
"Oo, were schoolmate and I know you since schoolmate tayo. Not literally na I know you talaga. Alam ko lang ang name mo dahil hindi mo ba alam, ikaw ang talk of the town lalo na sa mga babae sa school. Hindi ko nga alam kung ano bang espesyal sayo at kung anong meron ka kung bakit ang pangalan mo ang laging bukambibig nila. Marahil siguro kaya ka nila pinag-uusapan ay dahil sa gwapo ka pero bukod doon wala na akong nakikita pang dahilan para pag-usapan ka nila," mahabang litanya ni Eufritz. Hindi naman ikakaila ni Eufritz na gwapo si Nicollo pero hanggang doon lang ang nakikita niya at wala ng iba pa.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Wife (Romantic Comedy)
RomanceSYPNOSIS: Nakatakdang ikasal si Eufritz sa lalaking minsang nanakit sa kanyang puso kaya naman para hindi na maulit at makabalik rito, naghanap siya ng taong magpapanggap para maging asawa niya. Nakahanap nga siya... pero matagalan niya kayang makas...