Minsan, may mga bagay o tao na kusa na lang dumarating ng hindi natin inaasahan na siyang magpapabago sa takbo ng ating buhay. Mga taong akala mo dadaan lang pero magiging malaki ang impact sa boring mong life.
Paano kung ang inaakala mong pagpunta mo sa mall para maglibang ay ang maging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay mo?
Paano kung magkaroon ka ng instant asawa? Anong gagawin mo?
Ito ang nakakatawa, nakakakilig at nakakaiyak na kwento na nagsimula sa...
Isang halik
Isang deal
Isang pagpapanggap
Isang kasinungalingan
Pero paano kung ang kanilang relasyon na nagsimula sa isang halik na nauwi sa isang deal at pagpapanggap ay mauwi sa totohanan?
Sometimes, LOVE comes UNEXPECTEDLY
PREMISE
Nagkukubli sa likod ng mababang pader ang isang napakagandang babae. May hawak na binocular ang babae na nakatapat ngayon sa kanyang mga mata. Nakikita ng babae mula doon ang isang matangkad na lalaking kanina pa niya sinusundan dito sa loob ng eskwelahan.
Naka-dekwatro sa pagkakaupo ang lalaking iyon na mahaba ang legs. Tahimik itong nagbabasa ng libro at tila walang pakiealam sa nangyayari sa paligid niya. Hindi napapansin ng lalaki ang babae dahil bukod sa abala siya sa pagbabasa, medyo malayo ang pwesto nang sumisilip na babae sa kanya.
Maganda ang panahon. Medyo mahangin at mainit ang singaw nito. Tila sumasayaw nang mabagal ang mga sanga ng matayog na puno ng acacia kung saan nasa ilalim naman nito ang bench na inuupuan ng lalaki.
"Hay! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Sa ganda kong ito? Kailangan ko talagang sundan siya?" naiinis na bulong ng babae sa kanyang sarili. "Isa pa 'tong panahon na ito. Ang init! Ayaw magpakabog sa hotness ko!" naiinis pang sambit ng babae. Pinunasan niya ang pawis niya sa noo gamit ang kinuha niyang tissue mula sa kanyang handbag.
Umayos ang babae sa pagkakaupo niya na parang najejebs. Ipinatong niya ang kanyang siko sa mababang pader na pinagkukublihan niya. Mas itinapat pa niya ang binocular sa lalaking sinusundan niya.
"Infairness, siya talaga ang perfect for my plan." Ngumisi ang babae. "Worth itong ginagawa ko kahit na nakakawala ng poise," dagdag pa niya.
Naalis ang tingin ng lalaki sa librong binabasa nito at nag-angat ng mukha. Kaagad namang nagtago ang babae at isiniksik ang sarili sa may pader nang mapansin niyang napatingin ito sa gawi niya. Kumakabog ang dibdib niya dahil baka nakita siya ng lalaki.
Kinalma ng babae ang kanyang sarili.
"Inhale... exhale... inhale... exhale..." Nagpaulit-ulit ang babae sa ginagawa niyang paghinga.
Nang mapakalma na ng babae ang kanyang sarili ay muli siyang sumilip at tiningnan ang lalaking sinusundan niya pero nagulat na lamang siya nang mapagtanto niyang wala na ito mula sa pwesto nito kanina.
"Hay naku naman!" Napanguso ang babae. Tinanggal niya ang binocular sa tapat ng kanyang mga mata. "Saan ko naman kaya siya hahanapin nito?"
Malalim na bumuntong-hininga ang babae.
"Anyway, may mga alam naman na ako sa kanya," saad ng babae. "Okay na 'yon kaya oras na para simulan ang plano."
Ngumiti ang babae ng matamis.
BINABASA MO ANG
My Unexpected Wife (Romantic Comedy)
RomanceSYPNOSIS: Nakatakdang ikasal si Eufritz sa lalaking minsang nanakit sa kanyang puso kaya naman para hindi na maulit at makabalik rito, naghanap siya ng taong magpapanggap para maging asawa niya. Nakahanap nga siya... pero matagalan niya kayang makas...