BIG CLIENT

220 9 0
                                    

Isotle Morin's POV

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang alarm clock ko. Anak ka ng nanay mo wala manlang nangahas umakyat na kasambahay sa kwarto ko at sabihing late na ko sa trabaho!

Nagmadali akong naligo pati pagbihis minadali ko na dahil ngayon ko makikilala yung client namin na yayamanin.

Basta nalang ako nagbihis sabay takbo palabas ng bahay at sakay sa kotse ko. Hindi ko na nagawang  magsuklay at kumain dahil sa sobrang late.

Kapag siniswerte ka nga naman traffic pa! Habang traffic pa sinulit ko na. Kinuha ko ang bag ko, kinalkal ko yun para makapag-ayos syempre hindi ako pwedeng magpakita ng client ng mukang busabos.

Saktong patapos na ko makapagmake-up nang umusad ang mga kotse. Binilisan ko ang pagpapatakbo sa kotse, dasal ka lang self na hindi ka mahuli ng traffic enforcer.

Pagkarating kong parking lot hindi ko ininda ang ilang inches kong heels. Lakas loob akong tumakbo papasok ng hotel nang salubungin ako ni Eleanor.

"Ma'am Morin bakit ngayon ka lang po? kanina ka pa po hinihintay ng client" sabi niya sa'kin habang nakasunod

Nang makarating na kami sa tapat ng elevator agad kong pinindot ang button paakyat ng 2nd floor.

"Shemss! sorry na late ako ng gising pano ba naman kasi si Sidney biglang nawala!"

"Ahm... Ma'am yung-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya agad akong lumabas ng elevator nung tumunog yun na senyales na nasa 2nd floor na kami

Hinihingal akong lumapit sa pinto kung saan ang waiting area ng mga client. Saglit kong inayos ang buhok ko bago ngumiti at pumasok sa loob.

Pagpasok ko may nakatalikod na lalaki. Saan fiancé niya? bakit siya lang? likod palang halatang gwapo na 'to.

"Sorry Sir if I'm late" sabi ko ng hindi tumitingin dahil nasa catalog ng wedding planner ang paningin ko

"It's ok hindi naman ako na bored dahil sa ganda ng ambiance ng hotel niyo" mukang mabait, jackpot mapapangasawa niya sa kanya

"Btw I'm Carter" sabi niya kaya nag angat ako ng tingin

"You look familiar may I know your fullname?" ganon ba ko ka-famous kaya muka kong familiar sa kanya? hahaha kidding

"Kayo din po Sir, you look familiar" biro ko sa kanya sabay tawa ng mahina, pero seryoso pamilyar siya

"Isotle Morin po" sagot ko sabay tanggap ng kamay niyang kanina pa nakalahad

"Wooaahh sabi na nga ikaw yan!" sabi niya out of nowhere

"Syempre Sir ako 'to bakit may nakikita ka bang hindi ko nakikita? hahaha" biro ko sa kaniya

"Can't you remember me? ako 'to si Carter Arcega ang gwapogi mong childhood friend" sabay pogi sign na bagay sa kanya kaso mahangin nga lang, naalala ko na siya!

Childhood friend ko si Carter Arcega bata palang habulin na siya ng mga babae. Lagi pa nga kong napapaaway dahil sa mga fan girls niya na patay na patay sa kanya. Dahil siya ang rason kung bakit ako lagi napapaaway siya rin ang nag-aayos ng gulo. Lagi niya kong pinagtatanggol nung mga panahong yun hanggang sa lumipat sila ng bahay at nawalan kami ng communication at ito siya ngayon nasa harap ko ikakasal na at ako ang organizer.

"WHAT!? SERIOUSLY!?" gulat kong tanong

"Parang dati lang uhugin ka pa ngayon ang gwapo mo na at ikakasal ka pa!" natawa ko nung maalala ko yung mga panahong magkasama pa kami

"Hahahaha grabe ka sa'kin. Ikaw rin gumanda ka ah parang dati lang nalabas ka pa ng walang saplot pang ibaba makalaro lang ako" wth! bakit ganyan description niya sakin!? ilayo niyo yan si Carter mapapatay ko yan!

"Che! ewan ko sayo!" asar kong sabi

"Btw congrats ikakasal ka na. Nasan nga pala yung fiancé mo? para sabay kayo makapili ng theme ng kasal niyo at ng susuotin niyo"

"Ewan ko sa babaeng yun lagi nalang late sa usapan, sabing agahan napakakupad talaga kumilos" natawa ko sa pagmamaktol niya

"Ang cute mo naman magmaktol hahaha" natatawa kong sabi

"Ikaw may boyfriend ka na ba?" tanong niya na nakapagpatigil sa ikot ng mundo ko

Sasagot na sana ko nang biglang sumulpot ang isang babaeng hindi ko inaasahan na makikita ko pa.

"Ohh it's you Isotle"

"Magkakilala kayo?" takang tanong ni Carter

"Yes Hon, she's my bestfriend" sabay ngiti niya sa'kin na mas lalong ikinainit ng ulo ko

"Correction, EX BESTFRIEND" pagtatama ko

"Ok whatever, btw I'm here 'coz I'm Carter's fiancé" sabay angkla niya sa braso ng childhood friend ko

"Seriously!?" lingon ko kay Carter

"Sa kasamaang palad ganon na nga" sagot niya sabay hampas ni Avy ng mahina sa braso ni Carter

Ex bestfriend ko yang impaktang si Avyanna Peyton, maayos pa rin sana ang pagkakaibigan namin kung hindi nangyari ang trahedya na sumira samin 6 years ago.

Ang kapal din ng muka niya na magpakita pa sa'kin at ako pa mag-aayos ng kasal niya! Parang ang sarap i-sabotage ng wedding niya.

"You're so mean Hon!" sabay nguso niya na akala mo bagay. Sungalngalin ko siya makita niya hinahanap niya.

"Don't look at me like that Isotle, I'm your client remember?" maarteng niyang sabi

"A VIP client to be exact" dagdag niya

"Pasensya na PO MA'AM nakalimutan ko kasing pwede pala ikasal ang mga DEMONYO"

"You should be careful to your words. You're being rude to your client" iritang niyang sabi

"Chill, relax lang Avy wag kang gumawa ng gulo dito" awat sa kanya ni Carter

"Siya kasi Hon" turo niya pa sa'kin, sarap putulin ng daliri kagigil mga sis

"Baka pwede na naming makita yung venue?" tanong ni Carter

"This way" sabi ko sa kanila na sinundan naman nila ko

Habang naglalakad kami papunta sa magiging venue ng wedding nila ramdam ko ang kaharutan ng demonyitang si Avy na halatang hindi nagugustuhan ni Carter.

Is it a destiny? ang childhood friend ko at ang impaktang ex bestfriend ko ay ikakasal na at ako ang mag-aayos ng wedding nila?

Ok lang kung ako mag-aayos ng wedding ni Carter basta ba hindi si Avyanna na demonyita ang bride!

Habang naglalakad kami biglang sumulpot si Sidney na hindi ko alam saang dimension galing kahapon.

"Sila yung big client natin?" tanong niya habang sumasabay sa lakad ko. Tumango ako bilang sagot.

"Saan ka galing kahapon? kailangan ko ng tulong mo dahil darating sila tapos bigla kang nawala?"

"Nagkaroon ng emergency sa bahay nakalimutan kong tawagan kayo kasi hindi ko makita cellphone ko" sagot niya sabay flip hair

Pagkarating namin sa pwedeng maging venue ng wedding nila Carter pinasa ko kay Sidney ang pagpapaliwanag ng mga pwedeng design sa hall na yun.

Isang malaking hall kasi yung ginaganapan ng mga weddings dito sa hotel namin.




A/N: Kapag ito natapos ko isa na namang malaking himala.

Salamat nga pala sa mga nagbabasa, isama mo na yung mga nagvovote at mga nagcocomment (kung meron man).

Secret Hotel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon