SECRET CONVERSATION

242 9 0
                                    

Isotle Morin's POV


Nagmadali akong pumunta sa office ni Sir Enoch dahil sa narinig ko.

"Good afternoon Sir" bati ko sa kanya

Agad niyang itinigil ang pagbabasa sa papel na hawak niya at nag angat ng tingin.

"What do you need Ms. Morin?" malumanay niyang tanong

"Ahm... Sir si Sidney po kasi hindi pa nabalik simula kaninang lunch. Hindi ko rin po siya ma-contact, kailangan ko po kasi ng tulong niya para mag ayos ng hotel" sagot

"After lunch we came back here, I don't know why she's still not here. Sa parking lot ko siya iniwan may nakalimutan daw kasi siya sa kotse niya" sagot niya

Eh??? kala ko pa naman hinimatay na yun sa sobrang kilig kaya wala pa rin.

"Sige po Sir thank you" yumuko ako saglit bago lumabas ng office

Nakasalubong ko na si Breyden di ko pa naisipan ipacheck yung footage sa entrane at exit door para sana mas mapadali paghahanap ko sa babaeng yun. Hay naku self ang shunga mo!

Ilang oras pa ang lumipas nang magsiuwian na ang ibang staff kaya pa konti nalang kami ng pa konti.

Simula nung mag lunch hindi na bumalik si Sidney, anong nangyari dun? Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay naman cellphone niya kaya nagtext nalang ako. Nag chat na rin ako sa kanya para sigurado na mababasa niya.

Pagkababa ko sa ground floor medyo madilim na kaya halos hindi ko na makita ang paligid. Gamit ang cellphone ko na may flashlight medyo lumiwanag naman ang dinadaanan ko.

"Mag ingat ka" biglang sulpot ni Elliot ang ice sculpture ng hotel

"Hey ano ba! muntikan na ko atakihin sa puso dahil sayo!" inis kong sabi sarap mangutos ng staff ngayon

Ikalma mo sarili mo self baka mawalan ka ng trabaho, remember dream job mo 'to.

"Pasensya na po Ma'am Morin" sabi niya

Siya ang pinakaweird na staff dito, I mean halos lahat kasi may kanya-kanyang circle of friends dito maliban sa kanya na laging mag isa.

"Ikaw rin mag ingat" baka sa susunod na may makasalubong siya at nagulat niya masapak na siya

Pagkarating ko sa parking lot agad kong hinanap ang sasakyan ko. Nung makita ko na papasok na sana ko sa driver's seat ng may mapansin akong nakasulat sa may wind shield.

"OR PNERSTY" yan yung nakasulat, mukang napagtripan ng kung sino man ang sasakyan ko! mahuli ko lang may gawa nito ipapabarang ko yun!

Pinaandar ko na agad ang sasakyan ko. Ipapalinis ko nalang siguro 'to bukas.

Pagdating ko sa bahay as always walang tao. Yup until now dito pa rin ako nakatira sa bahay ng parents ko. Actually may sarili na kong bahay, what I mean is kami ng fiancé ko. Pinatayo namin yun bago bago siya magpropose sa'kin pero dahil wala na siya ayokong tumira mag isa dun lalo ko lang siyang namimiss. Baka pag doon ako tumira maisipan kong sundan siya sa langit buti sana kung tatanggapin ako ni San Pedro doon demonyita pa naman ako. See? gayahin niyo ko aminadong demonyita hahaha.

Nagbihis ako saglit bago bumaba para magdinner. Nakakapagod trabaho namin lalo na kapag may wedding na gaganapin at ang arte ng client, maghihiwalay din naman hahaha.

Pagkatapos ko kumain bumalik na rin ako agad sa kwarto para makapagpahinga.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Someone's POV


Nasa parking lot ako nang may biglang humablot sa'kin ng mahigpit sa may braso.

"Ano bang kailangan mo?" bored kong tanong. Akala ko kung sino siya lang pala.

"Alam kong nalaman mo na ang sekreto sa bawat kwarto ng hotel" pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Paano niya nalaman?

"Wait... Alam mo rin? don't tell me..." mabilis niya kong sinandal sa may kotse ko at tinutukan ng hawak niyang patalim, napalunok ako sa sobrang ka ba.

"Ako may gawa ng mga yun, napakacreative ko di ba? Ginagamit ko yun pang blackmail sa mga client natin na nagtatalik sa hotel natin. Ang talino ko talaga HAHAHAHA" tawa niya na parang nasisiraan na ng bait. Maluwag na nga yata turnilyo niya sa utak!

Saang parte ang pagiging creative niya at pagiging matalino!? mas demonyo pa sa'kin 'tong hayop na 'to!

"Yun ang dahilan kung bakit walang tumatagal na mag-asawa kapag dito kinasal" bulong niya sa tenga ko na nagbigay kilabot sa buong katawan ko

"Lumayo ka nga!" tulak ko sa kanya

Hindi ko alam na manyak pala ang hinayupak na 'to!

"Itikom mo yang bibig mo sa mga nalaman mo"

"Paano kung ayoko at sabihin ko sa iba?" kunwaring matapang kong tanong kahit kinakabahan na talaga ko

"Mahal mo pa naman siguro buhay mo? kasi kung hindi ako mismo magpapatikom sayo gamit 'to" tingin niya sa hawak niyang patalim

"Bakit ako matatakot kung kaya naman akong protektahan ni Sir Sevilla?"

Inisang hakbang niya ko at mahigpit na sinabunutan ang buhok ko at hinampas sa may kotse. Pakiramdam ko malalagas buhok ko sa ginagawa niyang pagsabunot sakin.

"Arrgghh!" daing ko

"Hindi ka nag iisip ng tama. Sige bibigyan kita ng kaunting ideya tutal hindi pa naman kita ngayon papatayin baka bukas o sa ibang araw o sa makalawa"

"Lahat ng nagtratrabaho sa hotel may kanya-kanyang sekreto at lahat yun alam ko... kahit ang sayo" sabay ngisi niya

"Nababaliw ka na!" pinilit kong kumawala pero ang higpit talaga ng hawak niya sa buhok ko

"Kahit si Isotle may sekreto, hindi nga lang kasing demonyo ng satin HAHAHAHA" muli niyang tawa

"Alam mo ba na ang pinakainteresadong natuklasan ko ay ang sikreto ni Sir Sevilla at Sir Osirin"

"Gusto mo bang malaman kung ano yun?" hindi ako sumagot pero syempre gusto ko rin malaman. Unti-unti niyang inilapit ang muka niya sa tenga ko at binulong sa'kin ang mga nalalaman niya

Natulala ko sa nalaman kong yun, seryoso? hindi ko alam na ganon sila.

"Ngayong alam mo na mas mapapadali ang buhay mo dahil lahat ng may alam ng sikreto niya tinatapos niya"

"B-Bakit buhay ka?" nakakatanga rin tanong ko

"Hindi ko alam kung maiinsulto ba ko sa tanong mo, parang gusto mo na ko mawala hahaha"

"Hindi ko rin alam, baka busy si kamatayan at may uunahing tapusin... malay mo ikaw yung uunahin niya"






A/N: Pasensya na rin sa english hindi talaga ko magaling sa subject na yan.

Secret Hotel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon