HIS SECRET

156 4 0
                                    

Isotle Morin's POV

Ilang weeks na ang nakakalipas simula ng mamatay si Elliot sabi ng mga Pulis samin suicide raw ang nangyari, gustuhin ko man magsalita hindi ko magawa dahil baka sa pagbuka ng bibig ko maging isang malamig na bangkay na ko katulad niya.

Ilang weeks na rin ang nakakalipas simula ng makareceived ako ng tawag. Sabi ng kung sino man yun may uunahin muna siyang patayin bago ako. Napaisip tuloy ako kung ano bang meron sakin at gusto niya kong patayin. Dahil ba yun sa code o baka may iba pa?

Napahinga ko ng malalim dahil sa mga naiisip ko, kailangan ko siyang maunahan kung gusto ko pang mabuhay ng matagal.

"Isotle ayos na ang lahat pupuntahan mo na ba ang groom sa bahay nila?" tanong ni Sidney sakin nang makasalubong niya ko sa hallway ng hotel

"Salamat, oo pupuntahan ko. Busy daw kasi siya ngayon kaya walang time makaalis sa kanila" sagot ko, may mga pinabago kasi sila samin.

Ilang oras ang naging biyahe bago ko makarating sa address na binigay niya.

Mga kasambahay nila ang sumalubong sakin pagkarating ko sa kanila.

"Nasa office niya po si Sir Carter. 3rd floor po, may makikita ka pong pangalan niya sa pinto dun po office niya" sabi sakin ng kasambahay

"Salamat po"

Agad akong nagtungo sa sinasabi niyang office. Kumatok muna ko bago pinihit ang door knob at pumasok

Pagkabukas ko ng pinto tumambad sakin ang puro papel na nakatambak sa glass table niya.

"Carter?" tawag ko sa kanya pero walang tumugon

Inilibot ko muna ang paningin ko sa loob ng office niya. Ang linis hindi katulad ng table ko sa hotel na ang kalat.

Napansin ko sa isang istante ang picture ng isang batang lalaki at babae pinagmasdan ko yung mabuti. Napangiti ako ng marecognize kung sino ang mga yun, kaming dalawa ni Carter nung mga bata pa kami.

Inibot kong muli ang paningin, nahagip ng paningin ko ang isang nakatumba na picture frame. Lumapit ako dun para ayusin yun baka kasi natumba dahil sa hangin nakabukas kasi sliding window niya sa office.

Kinuha ko ang picture frame at tiningnan kung sino ang nasa larawan, laking gulat ko ng makita ang taong yun. Magkakilala sila? isang babae na nasa 30+ at isang batang lalaki ang nasa larawan na sigurado akong si Carter.

Para kong timang na pinagmamasdan ang larawan nila. Magkamuka sila, hindi kaya...

"Kanina ka pa?" halos atakihin ako sa puso dahil sa biglang pagsulpot ni Carter

"Bakit hawak mo yan!?" may inis sa boses niya sabay hablot ng picture frame

"Magkamuka kayo" wala sa sariling nasabi ko

"Syempre anak niya ko" napanganga ko sa sinabi niya

"What???" naguguluhang tanong ko paano siya naging anak nun? ano yun dalawa nanay niya?

"Adopted child lang ako ng mga nakilala mong magulang ko" wth!

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Edi kapatid mo si Sir Enoch?" tanong ko

"Sa kasamaang palad oo pero sa pagkakaalam ko kapatid ko lang siya sa Tatay"

"Hindi mo sakin sinabi nung mga panahong magkasama pa tayo"

"1 year ago ko lang din nalaman na hindi ko pala biological parents yung mga umampon sakin. Simula ng malaman kong ampon lang ako hinanap ko ang totoo kong magulang, nalaman ko na matagal ng patay ang totoong tatay ko habang ang nanay ko buhay pa at mukang walang pake sakin" bakas sa tono ng boses niya ang lungkot

"Alam mo ba ngayon malinaw na sakin kung bakit hindi magkasundo si Ma'am Anastasia at si Sir Enoch"

"Base sa mga nalaman ko 6 years ago namatay ang tatay ko sa mismong hotel niyo"  kwento niya

"Wait... alam kong namatay ang totoong dad mo pero hindi ko alam na dun siya sa mismong hotel namatay"

"Katulad ng pagkamatay ng staff niyo hindi rin nila hinayaang makarating sa media ang insidenteng yun. Simula nun lahat ng nagpapakasal sa hotel niyo hindi nagtatagal ng 6 months"

"Akala ko may sumpa kong hatid kaya simula ng magtrabaho ako dun walang natagal kapag dun kinakasal sa hotel"

"Sa pagkakaalam ko kasi hindi rin nabigyang hustisya ang pagkamatay ni Dad, sinabi ng mga pulis na aksidente ang pagkalaglag niya mula sa 3rd floor ng hotel"

"Lihim kong kinausap ang mga hotel staff kung anong klaseng Boss ang isang Enoch Sevilla halos lahat maganda ang feedback sa kanya, maliban sa isa..."

"Totoo naman maayos siyang Boss halos nasa kanya na ang lahat. Sino naman yang sinasabi mong may negative feedback kay Sir?"

"Wag kang palilinlang sa mga nakikita mo Isotle hindi lahat ng nakikita mo ay totoo" seryoso niyang sabi at naupo sa swivel chair niya

"Si Elliot ang taong yun... Siya ang nagsabi ng totoong kulay ni Enoch" sa dami ng nalalaman ko ngayon parang ayaw na gumana ng utak ko

"Sa VIP room may sekretong kwarto sa likod ng make-up table at may camera ding nakalagay dun. Sinabi niya sakin ang lahat ng yun bago ang araw na mamatay siya"

"A-Alam ko yan!" nauutal kong sabi

Napatayo si Carter sa pagkakaupo niya. Lumapit siya sakin na gulat na gulat.

"Kailan mo pa alam yun?" nakahawak pa siya sa balikat ko na tila desperadong malaman ang nasa loob ng lagusang yun

"Nung ilang araw bago ang kasal niyo. Napagod ako kakautos ni Avy saktong nasa VIP room ako nun para siguruhing maayos na ang lahat. Nahiga ko saglit sa kama nang mapansin kong hindi nakaayos ang make-up table kaya inayos ko yun nang mapansin kong parang may pinto sa loob nun. Pinasok ko yun kahit natatakot ako at tumambad sakin ang mga footage ng bawat kwarto sa hotel. Nalaman kong bawat kwarto may hidden camera. Finormat ko ang main computer bago isa-isang tinanggal ang mga hidden camera sa bawat kwarto" paliwanag ko

"Fuck Isotle! pinasok mo yun mag isa paano kung napahamak ka!?" bakas ang galit sa mata niya

"Kalma buhay pa naman ako at mukang mamatay na" seryosong sabi ko

"What do you mean by that?" tanong niya habang nakakunot ang noo

Sinabi ko sa kanya ang death threat na natanggap ko mula sa misteryosong called pati ang tungkol sa mga codes.

"We will find a way para malaman kung sino ang caller na yun at kung gaano kahalang ang kaluluwa ng Enoch na yun"








A/N: Ano nga ba ang totoong ugali ng isang Enoch Sevilla?

Wag kalimutang bumoto at mag comment, salamat

Secret Hotel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon