cesar and marla back to dubai

785 38 6
                                    

apat na araw matapos ang kasal nila yuan at missy ay kailangan ng bumalik ng daddy ni jelai at asawa niya sa dubai....

isang maliit at simpleng farewell party ang inihanda ni jelai para sa kanila....at siyempre inimbitahan niya ang mga kaibigan...

pagkadating ng daddy niya at tita marla galing sa mall upang mamili ng mga pasalubong na dadalahin sa dubai nagulat sila dahil may inihanda pala si jelai para sa kanila...

"wow naman jelai... ang sweet mo naman.."-tita marla

"oo nga anak... thank you ha..."-daddy sabay yakap at halik sa anak

"mamimiss ko po kayo daddy, tita marla..."-jelai

"ano ka ba naman jelai, anytime pwede naman tayo magkita di ba... buti nga may videocall na eh..."-tita marla

"ano anak nagbago na ba isip mo gusto mo na bang sumama samin ng tita marla mo pabalik sa dubai... i can buy you ticket now..!"-daddy

"daddy naman eh... naglalambing lang po ako... kasi totoong mamimiss ko kayo ni tita marla.."-jelai

"hay naku jelai siguro iiyak ka mamaya pagka alis ni tito cesar at tita marla kasi mag isa ka na lang dito sa condo...."-pang aasar naman ni roni

"anong mag isa ka jan.. hindi kaya kita papauwiin at sasamahan mo ako dito noh.... borj hiramin ko muna si roni ha kahit isang gabi lang..."-jelai

"yan ang pag iisipan ko pa jelai... ayokong matulog ng hindi ko katabi si mrs. jimenez..."-borj

dahil may taping si junjun absent siya sa party ng daddy ni jelai... pero he will try his best para makahabol kahit sa airport manlang bago sila umalis...

"naku mamimiss ko ang mga batang to eh..."-tito cesar

"naku cesar hindi na mga bata yan tignan mo nga may mga anak na at sariling pamilya....tayo yata ang tumatanda na eh..."-lola seling

"lola kahit matanda na po kayo ni lolo kayo parin ang pinaka cool na lolo at lola..."-borj at isinayaw ang lola niya habang nakayakap dito

"naku itong si borj akala mo bata kung maglambing..."-lola seling

"kumain na muna tayo guys lalamig ang foods..."-tito charlie

"oo nga, mukhang masarap ang pagkain natin eh...kain muna tayo guys..."-tito cesar

ng makakuha na ng pagkain sina borj at roni umupo sila sa biranda ng condo nila jelai at doon kumain, habang ang anak na si bonnie ay kasama ang lolo at lola niya...

"borj pwede bang dito ako matulog ngayon..?"-roni

"seryoso ba si jelai na gusto kang patulugin dito, akala ko kasi joke lang yun..."-borj habang kandong niya ang asawa

"ano ka ba borj seryoso si jelai noh, at kahit hindi niyaxsabihin alam ko malulungkot siya mamaya pag alis ng daddy niya pari ni tita marla.... kaya please payagan mo na ako...?"-roni

"roni naman... hindi na ako sanay matulog ng hindi ka katabi eh... paano naman ako...?"-borj sabay halik ay yakap kay roni

"borj ok ka lang...? isang gabi lang naman tayo magkakahiwalay eh... i know jelai needs me..."-roni

"kahit isang gabi lang yun roni hindi ko yata kaya noh..."-borj

"OA  mo borj..."-roni na natatawa

"bahala ka jan oa na kung oa basta gusto kayakap kita mamayang gabi...."-borj

tumahimik si roni...

"nagtatampo siya...."-pang aasar ni borj

hindi umiimik si roni..

reality ever after! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon