Araw nang lunes.
Maagang nagising ang dalagang si luisa para pumasok sa eskwela.
Alas syete kasi ang simula nang kanyang klase at medyo malayo ang lugar na tinutuluyan nya kaya dapat mas agahan nya para makaiwas sa trapik.Wala syang ibang inaasahan na gigising sa kanya kasi sya lang mag isa ang nakatira sa maliit na tinutuluyan.
Nasanay na rin sya sa sitwasyon nya.
Wala syang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili lamang."Para po,ma!"para nya sa dyip nang makita nya na malapit na sya sa paaralang pinapasukan.
Laging ganitong oras sya dumarating.
Alas sais y media.
Kukonti pa lang ang mga estudyanteng kagaya nya.
Iniiwasan nya kasi ang maraming tao.
Ayaw nyang makihalubilo.
At higit sa lahat ayaw nyang napapansin sya.Naglakad na sya papuntang gate para makapasok na sa loob nang kanilang silid aralan.
Nang tumapat sya sa guard nginitian sya nito kaya ginantihan nya din ito nang ngiti."Magandang umaga po,Mang Robert".
Nakangiting bati nya sa matandang guard nang eskwelahan.
Magaan ang loob nya dito kaya kinakausap nya ito sa tuwing nadadaanan nya ang pwesto nito na malapit sa gate nang eskwelahan nila."O,ikaw pala yan Luisa.Magandang umaga din sayo,iha.
Ang aga aga mo namang pumasok.
Dapat may award ka na nyan."
Ganting bati at biro nito kay luisa habang nakangiti ito sa kanya."Sakto lang naman po ang pasok ko,Mang robert tsaka ayaw ko po kasing nahuhuli sa klase kasi nakakahiya po yun e kaya inaagahan ko po talaga"nakangiting sagot ni luisa.
"Sabagay,tama ka naman."
Tumatango tangong sang ayon nito sa kanya.
"Naku!yung ibang estudyante dito dapat ginagaya ka nila para naman di sayang ang pagod at pera na ginagastos nang mga magulang nila.Mga kabataan kasi ngayon ibang iba na sa panahon na."dagdag pa nito habang napapailing nang ulo."Sana nga po.Sige po,Mang robert,papasok na po ako.Magandang umaga po ulit."nakangiting paalam ni luisa.
Tumango naman ang matanda at naglakad na syang palayo dito.Habang naglalakad sya papunta sa silid aralan nila naramdaman nyang parang may nakatingin sa kanya.
Kaya huminto sya at kinakabahang iginala ang kanyang mga mata sa paligid.
Nakita nya ang mga estudyanteng naglalakad lakad din kagaya nya.
May mga nagkikwentuhan.
May mga nagbabasa nang libro.
Merong nasa canteen at kumakain nang almusal.
May mga gumagamit nang cellphone.
Abala ang lahat.
Wala syang nakitang nakatingin sa kanya!
Nagiging paranoid na naman siguro sya!
At dahil sa nararamdaman nya pa rin na parang may nakatingin pa rin sa kanya ay naglakad na sya at hindi na pinansin ang mga nasa paligid nya.
Naglakad na sya nang mabilis para makarating agad sya sa loob nang kanilang silid aralan.

BINABASA MO ANG
ALONE
HorrorIsang babaeng pinaglaruan! Isang babaeng nagmahal pero niloko! Isang babaeng di matahimik! At isang babaeng guguluhin ang tahimik mong buhay at susundan ka kahit saan ka magpunta para makuha ang kanyang hinahangad na hustisya! HANDA KA NA BA SA KANY...