Kabanata 2

1 1 0
                                    

Maaga silang pinauwi nang kanilang guro na si mrs.Lopez nang hapong iyon at pabor yun kay luisa para maaga din syang makarating sa kanyang pinag tatrabahuhang fast food.Hindi nya na kailangang makipag unahan sa pag sakay nang dyip para makarating sa tamang oras.
At maiwasan nya pang di mapagalitan nang kanilang manager dahil di sya late ngayon.

"Luisa!andyan ka na pala.Ang aga mo ngayon ah".bati sa kanya ni ana na nakangiti habang papasok sya sa loob.Ngumiti sya dito.Mabait to sa kanya at sa lahat nang kanyang katrabaho dito magaan ang loob nya.

"Oo,kasi maaga kaming pinauwi ni maam lopez.may meeting ata sila nang ibang teacher para sa darating na Teacher's day."sagot nya dito habang ito nama'y abala sa pagpupunas nang mesa.

Lumapit ito sa kanya at may ibinulong."Buti pala para iwas sermon ka kay madam sungit!hehehe.Alam mo naman yun,inggit ata sa byuti mo!hahaha."
Natatawa pang sabi nito pero mahina lang para sila lang ang makakarinig.

"Ikaw talaga,ana!may makarinig sayo lagot tayo nito."pinandilatan nya ito nang mata habang ito naman natatawa sa reaksyon nya pano kasi nagpapanic na naman sya.

"Kaya ko nga ibinulong sayo para tayo lang ang makarinig e.hehehe.
At saka wag ka ngang mag panic dyan mahahalata tayo na pinag uusapan natin sya kasi sa reaksyon mo."natatawa pa ring sabi nito.

Iginala nya ang kanyang paningin sa loob nang kainan para siguruhing wala ang kanilang manager.at nang di nya ito makita ay saka hinarap ang kaibigang natatawa pa din sa kanya.

"Hay naku!ewan ko sayo.buti at wala sya.baka mamaya may makarinig satin pareho tayong lagot nito!"sermon ko sa kanya.

"Punta na akong locker,ha.magpapalit na ko nang uniform at tutulungan kita sa paglilinis habang wala pang masyadong customer."Paalam ko sa kanya.

"Okay.bilisan mo ha,wag kang magtatagal dun kasi alam mo na yung kumakalat na kwento dun."

"Sus!wag ka ngang magpapaniwala dun.di yun totoo,no!sa ilang buwan kong pagpupunta dun wala naman akong nakikita o napapansin.siguradong nananakot lang yung nagkalat nang kwento para walang tatambay sa locker natin."nAtatawang sabi ni luisa kay ana.

ALONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon